Chapter 10 SOMEONE'S POV Mag-isa akong nagpunta sa party ng mag-asawang Mendes. Nakakahiya naman kung walang a-attend na miyembro ng aming pamilya. Naging mabuti sila sa amin at aktibo sa mga aktibidades ng organisasyon. Bawat event na ino-organize ng asawa ko, naroon sila palagi. "O, kumpadre, mag-isa ka yata? Nasaan ang iyong esposa?" tanong ni Mr. Mendes nang salubungin nila ako. "Sorry, she can't make it. May biglaang nangyari kaya minabuti niyang manatili sa bahay," tugon ko. At dahil abala sila sa iba pang mga bisita, minabuti kong iwan na sila doon at naghanap ng mauupuan ngunit nahagip ng aking mga mata ang ilang miyembro ng organisasyon at di ko sila matanggihan nang ayain nila ako sa kanilang mesa. Matapos makipagkamay sa kanila, umupo na ako. "Kumpadre," wika ni Sergio. Nap

