Chapter 12 ISABELLA ROSE POV Matapos akong maipakilala ni daddy sa mga empleyado ng kompanya, dumiretso na kami sa office niya. Napangiti ako nang makita ko sa desk ni dad ang picture ko noong bata pa ako. Kuha iyon no'ng tenth birthday ko at kasama ko sila sa litratong iyon. "This will be your temporary office, anak." Pinasadahan ko ang kabuuan ng opisina. Napabuntong-hininga na lang ako. Black and white ang theme ng kwartong iyon. Mahilig din pala si dad sa ganoong kulay. Sa kaniya talaga ako nagmana. "Inaayos pa ang magiging opisina mo sa kabilang kwarto." Tumango lang ako sa sinabing iyon ni dad at nahagip ng paningin ko ang ilang plaque at certificate na iginawad sa kaniya. Nakalagay iyon sa ibabaw ng cabinet sa gawing likuran ng swivel chair niya. Nang makaupo ako sa black leathe

