Mature content! Read at your own risk! Chapter 13 Third Person's POV "Papa, we should go now," wika ni Kyle sa ama habang nagsusuot ng puting t-shirt. Pababa na ito ng hagdan at halata sa kilos nito ang pagmamadali. "Ang sabi ng mga tauhan, papuntang Sta. Isabel ang tinatahak na direksiyon ng itim na Montero ni kuya." "Sigurado ba sila na sasakyan nga iyon ni Leester?" "Of course, Papa. Na-plaka-han nila iyong sasakyan at alam kong pag-aari iyon ni kuya. Pitong taon na nating hindi nakikita ang mga sasakyang pag-aari ng kapatid ko." Napatingin sa kaniya ang ama, tila may iniisip. "Isa pa, Papa, mahalaga kay kuya ang sasakyang iyon. Baka ma-trace natin ang iba pa niyang sasakyan dahil sa paglabas ng Montero na iyon." "Tama ka diyan, anak. Tara na, ikaw ang magmaneho," utos ng kaniy

