Chapter 1:
DANNICA LAZARDE POV:)
Before the accidents...
Kakatapos lang namin magtanghalian dito sa bahay. Tinutulak-tulak na niya ako papasok sa kuwarto ko dahil pinabibihis niya ako.
Di ko alam kung bakit baka may pupuntahan kami kaya pinpapalit niya ako ng damit.
"Bakit nga? Saan ba tayo pupunta?" tanong ko dito kay Don na kasalukuyang paakyat kami ng hagdan at tinutulak niya ako.
"Basta. Magbihis ka lang. May pupuntahan tayo." yun lang sagot niya sakin.
Wala talaga ako alam o ideya kung saan kami pupunta nito. Siguro idi-date niya ako or else babalik kami ng school.
Wala akong magawa kaya pumasok na ako sa loob ng kuwarto ko at nagbihis. Pagbigyan ang bata kasi baka magalit pag di ako sumunod sa kanya.
Sinarado na ni Don ang pinto at tumungo na ako sa C.R para maghilamos. Naligo na ko kanina kaya maghihilamos nalang ako.
Kinuha ko sa gilid yung tuwalya nang tumunog nalang cp ko na nasa bulsa ko. Kinuha ko naman agad iyon.
Bahagyang napataas kilay ako dahil number yung tumatawag sakin at di iyon naka-phonebook sa number ko. Iniisip ko baka si Sissy ito. Oo nga pala! Naghihintay na ata iyon sakin. Pagkakaalam niya binibilhan ko siya ng gamot niya sa sugat.
Kawawa naman si Sissy. Panigurado naghihintay na nga yun sakin doon.
Sinagot ko naman yung tumatawag sakin.
"Hello?" sabi ko.
"Dannica pangalan mo right?"
Bahagyang napatigil ako nang marinig ang boses ng lalaki na nasa cp ko. Kilala ko ang boses na ito. Narinig ko palang ito kanina.
"Si-sino 'to?" bahagyang nautal na tanong ko.
"I'm Angelo Lantin, ang kaibigan ng babaeng nag-suicide noon 2 years ago palang." pagpapakilala nito sa sarili.
God! Paano niya nakuha ang number ko? Baka madamay nga ako sa gulo nila. s**t!
Pwedeng ako isunod ng killer dahil baka nandoon siya sa paligid nang aminin ko na nakita ko kung paano yayain ni Sir Dan yung babaeng iyon. Maaaring ako ang target niya dahil ako ang isang tistigo.
Papatayin lahat ng killer ang mga tistigo para di siya makilala kung sino talaga siya. Sino siya at ano kinalaman niya kay Loureen? Bakit si Dan ang pinagbibintangan? May galit ba siya kay Sir Dan at si-net up niya itong lahat?
"Paano nyo po nakuha ang number ko?" takang tanong ko dito.
"Kilala mo si Charlie? Charlie Gomez?" imbes sabi nito.
"Opo. Sa kanya nyo po nakuha ang number ko?" tanong ko.
"Pagmamay-ari nila ang hospital na pinagta-trabahuan ko. Anak siya ng Boss ko at isa akong Doctor sa hospital nila. Sa kanya ko hiningi ang number mo." sagot nito.
Si Charlie? May pagmamay-ari silang Hospital? Seryoso?
"Ahhh..." sambit ko lang.
"Please? Pwede ka bang maging tistigo sa kaso ni Loureen? Please? Gusto ko maparusahan ang may sala ng lahat. Please?" pagmamakaawa nito sakin.
Tumingin ako sa pintuan at sarado iyon. Pumasok ako sa CR para makausap si Angelo. Baka marinig ni Don ang pag-uusap namin nito. Di niya alam na may number sakin si Angelo.
"May ipapakita ako sayo. Hindi ni Dan ni-rape si Loureen. Wala siyang kinalaman sa pagkamatay ni Loureen." amin ko dito.
"What? Nakakasigurado ka ba sa sinasabi mo?!" bahagyang nainis turan nito.
"May ibedensya ako na nagsasabi na totoo ang sinasabi ko. Magkita tayo sa **** Restaurant alas 7 ng gabi. Doon ko sayo ibibigay ang ibedensya." sabi ko dito. "May totoong killer na dahilan bakit nagpakamatay si Loureen. Alam kong nandyan lang siya at kilala natin. Di ko na i-eexplain sayo ang lahat. Siguro ako ang target niya. Sisirain niya ang ibedensya para di malaman na siya iyon ang dahilan bakit nagpakamatay si Loureen."
"Sige. Hihintayin kita doon." sabi nito.
Binaba na nito ang tawag. Nagsimula na ako maghilamos baka naiinip na sa kahihintay si Don.
Bumaba naman ako ng hagdan nang makabihis na ako. Lumapit naman ito sakin si Don na titig na titig sakin.
"Ganda mo, Babe." parang wala sa sarili turan ni Don habang nakatingin sakin. Kumikislap-kislap pa yung mga mata niya na parang nakakita ng magandang babae.
"Baliw." sabi ko sabay tawa."Tara na." yaya ko na.
Bago paman kami lumabas ng bahay, lumabas naman sa kusina si Ate. Wala na si Kuya SL dito, umalis na. May work pa daw ito.
"Hoy hoy hoy! Saan kayong pupuntang dalawa?" parang nanay tanong nito samin.
"Hiramin ko lang po muna ang kapatid nyo. Magdi-date kami ngayon." nakangiting sabi ni Don kay Ate.
"Ano? Date? Mga loko kayo! Ang bata pa ng kapatid ko para mag-date." halatang tutol sabi ni Ate.
"Ate naman! Lagi naman namin ito ginagawa ni Don ee nung di mo pa alam." naka-pout sabi ko sa kanya.
Napakamot nalang si Ate sa ulo nito. Sa huli, pumayag na siya.
"Oh sya! Sya! Sya! Basta mag-iingat kayo. Umuwi agad kayo ah? Wag papagabi!" sabi ni Ate samin.
"Opo!" sabay naming sabi ni Don.
Lumabas na kami ng bahay. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya. Sumakay naman ako. Pagkasakay ko, biglang may naalala siya.
"Oo nga pala! Wait muna, Babe. Naiwan ko sa may sala yung susi ng kotse. Wait mo ko ah?" sabi niya sakin nang may nakalimutan.
"Hmm sige, Babe." sabi ko.
Pumasok ulit siya ng bahay para kunin nag susi. Pagkaalis niya, dali-dali hinanap ko yung digi cam niya. Nakita ko naman agad. Kinuha ko agad yung memory card niyon. Nilagay ko yun agad sa mini bag ko.
Binalik ko ulit yung Digi-cam sa lagayan nito. Saktong parating na si Don. Pumasok na siya sa kabilanh pinto.
"Babe, saan pala tayo pupunta?" tanong ko dito nang nilalagay na niya yung susi sa susihan nito. Di ko pinapahalata ang ginawa ko kanina.
Ibibigay ko iyon kay Angelo para ipakita sa kanya na di ni-rape ni Dan si Loureen. Inosente si Dan, kahit may pagka-demonyo at manyak siya, mabait naman siya. Na-set up lang siya ng totoong pumatay kay Loureen.
Kutob ko di nag-suicide si Loureen. I think pinatay talaga siya ni X o tawagin nating si "Secret Killer". Kailangan ko mahuli kung sino ba talaga yung misteryosong killer na iyon. Natatakot ako baka nasa paligid lang siya at nagmamasid sa bawat galaw namin.
Baka ako ang next target niya dahil ako yung nakakita kay Dan. Pinapatay at inaalis sa mundo ni Killer ang mga tistigo para di siya matagpuan. Panigurado akong matinding kalaban namin siya. Marami ang madadamay sa gulo na ito.
Ini-start na nga ni Don yung kotse at nakangiti na tumingin ito sakin.
"Sa lugar kung saan tayo nagsimula..." makahulugang sagot niya sa tanong ko.
Saan naman kami pupunta niya? Saan yang lugar na kung saan kami nagsimula?
Umalis na nga kami para pumunta sa lugar na sinasabi niya.
ANGELO LANTIN POV:)
Pagkatapos ko makipag-usap kay Dannica sa cp, nakarinig nalang ako ng isang tunog na parang nahulog. Nasa parking lot ako nung oras iyon, nasa loob pa naman ako ng school.
Dahan-dahan ako naglakad para hanapin yung nanggaling na tunog na iyon.
Nang nasa harap na ako ng kotse kung saan nandodoon nanggaling yung tunog na iyon, biglang umilaw nalang yung kotse at umandar ito.
Muntikan na ako ito mabunggo mabuti, umiwas agad ito. Mabilis ang pagpapa-andar na umalis ito.
Sinundan ko ito palabas ng parking lot. Itim na kotse iyon at di ko alam kung sino ang taong sakay doon. Mukhang nakinig ito sa usapan namin ni Dannica sa cp.
Di ko na ito nasundan at huminto na ako sa pagtakbo. Panay hingal ko naman.
Sino naman yung misteryosong iyon?
SOMEONE POV:)
Nang makita kong umalis na ang sasakyan ni Don kung saan sakay doon si Dannica, mabilis na ini-start ko na din yung kotse ko.
Sinundan sila kung saan sila pupunta.
Kailangan ko patayin ang taong sisira ng plano ko. Ayaw ko malaman na ako ang dahilan bakit namatay si Loureen. Lahat na sagabal sa akin, aalisin ko sa mundong ito.
Kung ano man yung sinasabing ibedensya ni Dannica, ako na mauuna sayong papatay bago mo pa iyon ibigay kay Aris.
KING YVES LAURELL POV:)
Naglalakad ako nung oras iyon sa hallway nang biglang tinawag ako ni Joy. Di ko siya nilingon o pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad.
Sa sobrang inis niya, hinawakan niya ang kamay ko at pinaharap ako sa kanya.
"What?!" tanong ko dito.
"Seryoso ako, King! Ibubunyag ko sa lahat ang kalandian ni Dannica." di pa rin maka-get over na sabi niya.
"Sige. Gawin mo lang ang gusto mong gawin. Asahan mo, pag may mangyaring masama kay Dannica, kakalimutan kong babae ka." pananakot ko dito.
Pagalit na inalis ko ang kamay niya sa pagkakahawak sa kamay ko. Tumalikod na ako para magpatuloy sa paglalakad.
Nang pigilan ulit niya ako.
"Huwag na huwag mo kong tatalikuran, King! Di pa tayo tapos mag-usap!" galit na sabi ni Joy.
"Ito naman ginagawa mo dati di ba? Nung tayo pa, kada may di pagkakaintindihan tayo, lagi mo kong tinatalikuran tapos di mo man lang pakinggang ang paliwanag ko sayo." pagalit na sumbat ko sa kanya."Ano?! Ano sa feeling na talikuran ka ng kausap mo?!! Di ba nakakainis?!!"
Yes. Ex ko siya. Ex ko si Joy. Naging kami nito nung High School kami. Mula nang maghiwalay kami, marami na ang pinagbago niya. Malayo na siya sa Joy na nakilala ko.
"Wag mong isisingit yung dating tayo! Walang tayo at di naging tayo!" prangka niya sakin.
"Wala rin ako paki kung ano tayo noon. Para sakin, isa ka lang hangin sa akin noon." prangka ko din sa kanya. Pagkasabi ko niyon, tinalikuran ko na siya at umalis.
Inis na inis tinawag lang ako ni Joy.
"King! Kinggggg!!!!" sigaw nito.
Di ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa paglalakad.
BEATRIZ BAUTISTA POV:)
Nakasalubungan ko si Kyle, ang step-brother ko. Pupuntahan ko sana siya sa room niya pero di na natuloy kasi nakasalubungan ko na siya ngayon.
Tatanungin ko sana siya kung kailan aalis yung Mama ko at Papa niya. Pupunta kasi ito ng Taiwan para magbakasyon yung mag-asawa na iyon. Maiiwan kami sa bahay kasama yung isang katulong namin, yung hardinero at yung driver namin.
"Kyle, ano sabi---" di ko nasabi na kasi dinaanan lang niya ako.
Nakakunot-noo siya habang naglalakad at dere-deretsyo lang siya maglakad.
"Saan naman pupunta ang alien na yun?" sa loob-loob ko.
Sinundan ko nalang ito. Hanggang makarating kami sa auditorium. Nanlaki mata ako kasi lumapit si Kyle kay Dave na busy sa paglalaro ng bola.
Oo nga pala! Kinuha si Dave ng mga basketball player kasi kilala ito ng ibang player namin dito dahil sikat daw ito na basketball player sa dating eskwelahan si Jake.
Di ko alam ano pinag-uusapan ng dalawa. Doon ko nalang nalaman na nag-one-on-one sila. Maglalaro silang dalawa. Ewan! Pareho silang seryoso na parang may kuryente sa pagitan ng mata nila.
Doon na silang nagsimulang maglaro. Masyado silang magaling at panay naaagaw ni Kyle yung bola kay Dave. Pero naaagaw din naman iyon ni Dave dito. Mainit ang labanan nila.
Lahat na estudyante sa court, dito na ang atensyon halos dumarami na ang nanonood dito.
Ano nangyayari? Parang kinakabahan ako. May mangyayaring masama ngayon na parang ewan ko.
Panay dribble o kung ano-ano. Wala pa nakaka-points sa kanilang dalawa. Mainit ang labanan nilang dalawa.
Hanggang nagkainitan sila. Di ko alam doon na nagsimula silang nag-away. Nagsusuntukan na sila. Totoong suntukan iyon halos may mga pasa na sila.
Nanatiling nanonood yung mga tao dito at wala man lang lakas pumigil dito.
Nilapitan ko yung President ng school namin para sabihan na awatin ang dalawa. Ano sinabi niya sakin?
"Bahala sila. Yan gusto nila ee. Magkasakitan."
Aba! Galing na President ng school namin ah? President kaba talaga? Tang-ina! Nagkakasakitan na sila, wala pa siya ginagawa? Naging President pa siya. Tsk!
Pupuntahan ko na sana si Kyle at Dave para pigilan sila nang may sumigaw na napakalakas-lakas.
"DAVE! KYLE! ITIGIL NYO YAAANNN!!!" sigaw ng isang babae.
Napatingin naman lahat dito. Natigil naman yung dalawa sa pag-aaway. Nakatingin lang ito sa babaeng sumigaw ng napakalakas-lakas.
Who's that girl?
DANNICA LAZARDE POV:)
Sa Enchanted Kingdom nga niya ako dinala. Lahat sinakyan namin ni Don. Naiiyak na nga ako sa sobrang takot. Pag natatakot ako, kinikiss niya ako. My god! Bakit ang sweet ng lalaking ito? Para na kong mamamatay sa sobrang kilig.
"Babe, nakaka-CR ako. Wait mo ko dito ah? Balik naman ako agad." paalam sakin ni Don.
"Hmm. Sige." payag ko.
Aalis na sana siya nang bumalik siya ulit. Kiss pa naman niya ako sa pisngi. Nakangiting pilyo na umalis na ito.
Namula ako sa ginawa niya. Halos hinawakan ko pa yung pisnging hinalikan niya. Kainis siya! Madaming tao pa naman nakakita. Sabihin nyan ang landi ko!
Nakakita ako ng upuan kaya doon ko nalang siya hihintayin. Habang papunta ako doon, may bumangga nalang sakin. Halos nabitawan ko yung mini-bag ko.
Tiningnan ko yung bumangga sakin pero di ko na matukoy kung sino. Madaming tao ee. Di ko alam kung sino bumangga sakin. Di ko rin nakita kung ano kulay ng damit ang bumangga sakin.
Tahimik na kinuha ko nalang yung mini bag ko sa ibaba. Pinagpagpag ko pa iyon bago suotin. Pagkatapos, tumungo na ako sa upuan at naupo.
Doon ko hihintayin si Don.
MICHAEL DON CERVANTE POV:)
Paglabas ko ng CR, nakita ko nalang si SL ma patungo palang sa CR nang makita niya ako, sumilay agad ang ngiti nito sa mga labi.
"Don!" pungad nito sakin.
Nag-sign naman kami ng kamay.
"Ano ginagawa mo dito?" tanong sakin maya-maya.
"Ka-date ko ngayon si Dannica. Dito ko na aaminin sa kanya ang lahat." sagot ko.
"Good yan. Sabihin mo na habang di pa huli ang lahat." saad nito.
"Anyway, ano ginagawa mo dito?" tanong ko naman sa kanya.
"Wala. May tatagpuin lang ako. Hehehe." sagot nito."Sige, CR muna ako. Sasabog na talaga itong Arturo ko." paalam niya.
"Sige. Alis na din ako."
"Good luck!" bati pa ni SL sakin habang tinataptaptap niya ang balikat ko.
Tumango lang ako dito.
Umalis na ako para puntahan si Dannica. Di nagtagal, nakita ko naman siyang nakaupo mag-isa sa bench.
"Babe." tawag ko dito nang makalapit.Tumayo naman agad ito sa pagkakaupo nang makita ako."Tara na."
Naglakad na kami para may puntahan. Babalikan namin yung panahon saan kami nagkita.
Nakarating naman kami sa lugar na iyon. Nakaupo kami sa upuan kung saan kami nagkita at saan ko siya sinusuyo noon.
"Babe, naaalala ko pa paano ako umiyak noon at nahiwalay kila Mama at Papa saka si Ate. Dito ako naupo noon at panay iyak ako niyon." kwento niya.
Tumawa naman kami pareho.
"Dito rin kita nakita kung saan pinapatahan kita na huwag na umiyak. Masyado ka pa rin suplada noon tulad ngayon, ganun pa rin. Ang hirap mo suyuin. Hahaha!" natatawang kwento ko rin.
"Babe, siguro pag di tayo nagkita noon, ngayon ata, wala kang kilalang Dannica nu?" sabi nito maya-maya."Di ata tayo naka-tadhana."
Hinawakan ko ang kamay niyang nagpapahinga sa ibaba. Napatingin naman siya sakin.
"Kung ilang beses man tayo mabuhay sa mundo, hahanap-hanapin kita. Ikaw ang naka-tadhana para sakin at ikaw lang ang nag-iisang mamahalin ko. Makalimot man ang ating puso, ikaw pa rin ang tinitibok nito. Ikaw lang ang nandito at ikaw lang ang mamahalin ko." madamdaming sabi ko sabay turo sa dibdib ko.
Ngumiti lang si Dannica sakin habang nakatingin sa mga mata niya.
Tumayo na kami para tumungo sa isang canteen na kinainan namin noon.
DANNICA LAZARDE POV:)
Pauwi na kami habang inuubos ko yung isang Cotton Candy na binilu namin. Para akong nagbalik sa bata at bini-baby ako ni Don.
"Gusto mo?" tanong ko sa kanya sabay tinapat sa kanya yung Cotton Candy.
"Ubusin mo na yan." sabi lang niya.
Inubos ko nga. Pagkaubos ko, binigtan niya ako ng tubig. Halos napaubo pa ako. Binigyan naman agad ako ni Don ng panyo pero sa huli siya na nagpunas sa bibig ko na may tubig-tubig pa.
Lumabas na kami ng Enchanted Kingdom at pupunta na kami sa kotse na pinarking-an niya para umuwi na. Baka kasi mag-alburuto na naman sa galit si Ate pag nagabihan kami ni Don. Mahirap na, nakakatakot si Ate magalit.
Habang naglalakad kami biglang humarap si Don at hinawakan ang kamay ko. Takang napatingin ako sa kanya.
Nakatingin siya ng deretsyo sakin.
"Babe may dapat kang malaman..." panimula nito.
Bahagyang napataas ako ng kilay."Ano yun?"
Matagal siya nakasagot. Yumuko siya sabay humugot ng hininga. Dahan-dahan nito itinaas ang ulo at tiningnan ako.
"I---" di napatuloy yung sasabihin niya nang napatingin ako sa ibaba dahil may tumamang bola doon.
Nakita kong nasa kabilang kalsada yung bata at sa kanya yung bola na gumulong patungo samin.
Kinuha ko iyon sa ibaba at nakangiting tiningnan ko yung bata.
"Sayo ba 'to?" tanong ko sa bata.
"Opo." sagot ng bata.
"Wait muna, Babe." sabi ko dito at pinuntahan yung bata para ibigay sa kanya yung bola.
Binigay ko naman ito doon.
"Wag ka sa kalsada magkalaro nyan ah? Baka masagasaan ka." sabi ko sa bata habang hinahaplos yung buhok niya.
"Salamat po." sagot lang ng batang lalaki sakin.
"Sige, uwi kana baka hinahanap kana ng mama mo." sabi ko sa kanya.
Tumakbo na ito para puntahan kung daan naka-parking ang kotse nito. Siguro, galing din ito ng Enchanted Kingdom. Halata naman ee.
Nakatingin ako kay Don na nasa kabilang kalsada. Ngumiti akong napakatamis dito halos wi-nave ko pa ang hand ko.
Ngumiti din siya sakin.
Tumakbo na ako papunta sa kanya. Nang biglang may bumisina nalang. Napatigil ako sa pagtakbo at napatingin sa paparating na kotse. Mabubunggo na ako.
Dali-daling tinulak ako ni Don kaya tumilapon naman ako. Laking gulat ko si Don ang nabunggo imbes ako. Kitang-kita ko paano gumulong sa kalsada si Don.
"Don!!!" sambit ko sa pangalan nito nang makitang nakahandusay siya habang duguan.
Nahihirapang tumayo ako para puntahan siya nang napahinto ako sa paglalakad at napatingin sa gilid ko. May itim na sasakyan na napakabilis tumatakbo. Di na ako nakatakbo pa dahil agad na nabunggo ako nito.
Gumulong-gulong pa ako sa taas ng sasakyan sabay bumagsak sa pader. Masakit na dumama ang ulo ko doon at doon ako nawalan ng malay.