16

1001 Words
Nagpatianod lang siya dito at hinayaan niyang dalhin siya nito kung saan nito gusto. She was too exhausted and hurt to even speak. Ang gusto niya lang gawin ay umiyak ng umiyak. Hindi niya na napigilan ang sarili niya kaya napahagulhol na siya sa kalsada. She couldn’t stop it anymore. Her feelings just exploded and she couldn’t do anything about it. Tumigil si Ace sa paglalakad at muli siya nitong hinarap. Binitiwan nito ang kamay niya walang sere-seremonyang niyakap uli siya nito. “It’s okay to cry,” narinig niyang sabi nito. “Nasaktan ka kaya natural lang na umiyak ka. Pero ang pag-iyak, hindi `yan dapat ginagawang hobby. You can cry for an hour or two but after that, kailangan mo ng umayos para ipagpatuloy mo ang buhay mo. Life is too short to cry over something na hindi naman worth it. If he doesn’t want you and he can’t give you the love you deserve, then so be it. Maraming pang lalaki sa mundo, Shan. Hindi ka dapat magtiyaga sa lalaking hindi kayang suklian ang nararamdaman mo. May darating pang ibang lalaki at kahit ayaw mo, mamahalin mo siya at susuklian niya ang pagmamahal mo ng doble o kung hindi man ay triple pa. Kaya `wag mong panghinayangan si Rayleigh. He’s a coward. Hindi ka niya kayang panindigan kaya mas mabuti pang kalimutan mo nalang siya.”  “Hindi ko siya kayang kalimutan,” pumiyok na ang boses niya sa pagkakataong iyon. “Hindi ko naman sinabing instant, eh,” masuyo nitong hinaplos ang buhok niya. “It takes time but surely, makakapag-move on ka rin. Magugulat ka nalang isang araw na kapag tiningnan mo siya, wala na iyong mga kakaibang damdamin na pinaramdam niya sa `yo noong mga panahong mahal mo pa siya. Wala na iyong excitement, tuwa at lungkot. You’re a tough girl, Shanela. Kaya alam kong kayang-kaya mong makalagpas sa bahaging ito ng buhay mo.” “Bakit ba ang bait-bait mo sa `kin?” humihikbing tanong niya. “You don’t have to do all these.” “Alam ko. Pero gusto ko pa ring gawin,” kumawala ito sa pagkakayakap sa kanya at ginulo nito ang buhok niya. Pinunasan din nito ang mga marka ng luha na nasa pisngi niya. “Isipin mo nalang na ginagawa ko ito para makabawi ako sa nangyari noong unang beses na mag-date tayo. Just think of it as my way of making it up to you. Alam ko kasi na kung pwede mo lang ako itapon sa basurahan noong mga panahong iyon ay ginawa mo na. That night was really disastrous and terrible. Kaya gusto kong makabawi sa `yo.” Kinindatan pa siya nito. Hindi niya tuloy mapigilan ang sarili niyang mapangiti dahil sa ginawa nito. Ngayon niya lang napansin, gwapo pala talaga si Ace. Puro kay Rayleigh kasi naka-focus ang lahat ng atensyon niya kaya hindi niya na masyadong napapaglaanan ng oras ang ibang bagay sa paligid niya. Nang makita siya nitong ngumiti ay lumawak na rin ang pagkakangiti nito. “Oh, ayan! Mas bagay sa `yo ang nakangiti. Nagiging maganda ka.” “So, pangit ako kapag umiiyak, ganoon?” “Uy, ikaw ang may sabi niyan. Hindi ako.” Hinampas niya ito sa balikat at tatawa-tawa lang ito habang minamaltrato niya ito. “Ganyan ka pala kapag nabibigo, nagiging bayolente,” pinalo niya uli ito sa braso. “Sorry, sorry. Hindi na ako magsasalita, pramis!” Tinigilan niya na ang paghampas dito at nginitian niya ito. “Thank you, Ace. I feel a lot better now.” “You’re welcome,” he pinched her cheek. ‘”I want to make every girl happy.” “Bakit?” “Dahil iyon lang ang pwede kong gawin para mabawasan ang frustration ko dahil hindi ko kayang pasayahin ang babaeng mahal ko.” “You have someone that you love?” gulat na tanong niya. “Yeah,” nakangising sagot nito. “Does it sound impossible? Anyway, nandiyan lang naman siya sa tabi-tabi at nagtatago sa pangalang Akira Ann Martin. Sa mga oras na ito, isa na siguro siya sa mga buwayang negosyante sa bansang ito. You see, she really wanted to have her own restaurant. At ang gusto niyang ipangalan doon ay ‘Akira’s Kitchen.’” Napakunot-noo siya. “May alam akong restaurant na ‘Akira’s Kitchen’ ang pangalan,” napansin niyang natigilan ito. “Doon kami nagpunta ni Rayleigh nung birthday niya. Gusto mo bang sabihin sa `yo kung nasaan iyon?” “Nah, ayokong magpakita sa kanya. Nag-iipon pa ako ng sapat na lakas na loob,” tanggi nito. “Isa pa, hindi ko naman alam ang sasabihin ko kung sakaling magkaharap uli kami. Baka takbuhan niya lang ako. Gaya ng ginawa niyang pagtakbo noong supposed to be engagement party namin.” “You were supposed to get engaged with someone?” “Yes. But she didn’t show up on our engagement party,” nakita niya ang pagdaan ng lungkot sa mga mata nito pero sandali lang iyon dahil napalitan na iyon ng isang magandang ngiti. Tinapik uli siya nito sa ulo at muling ginulo ang magulo na niyang buhok. “Pero secret lang natin ang lahat ng nalaman mo ngayon, ha? In return, I’ll protect you from Rayleigh,” hindi niya nanaman mapigilan ang malungkot nang marinig niya ang pangalan ng lalaki. Agad na bumawi si Ace. “Ay, sige! Ang makikita kong malungkot sa ating dalawa, magmumulta ng beinte… per hour.” “Ano ka, computer shop?” napailing nalang siya. “Atsaka pareho lang naman tayong malungkot, ah!” “Maybe,” pag-amin nito. “But that heartbreak still doesn’t stop me from living my life the happiest way possible.” “Oo na. Oo na,” napabuntong-hininga nalang siya saka niya ito nilingon. “Gusto mo ng ice cream?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD