15

1405 Words
NAKATITIG lang si Shanela sa monitor ng computer niya. Halos tatlong oras na siyang nakikipagtitigan sa nakabukas na Microsoft Word pero malinis pa rin iyon at bukod sa salitang “Chapter One” ay wala na siyang iba pang nailagay doon. Lately, napapansin niyang wala na siyang ganang magsulat. Mas gusto niya pang tumunganga nalang at isipin si Rayleigh maghapon at magdamag ng walang noon break.             Speaking of that guy, simula nang mag-date sila nito sa Akira’s Kitchen ay hindi na niya ito muli pang nakita. It had been a week since then.  Paminsan-minsan ay lumalabas siya ng bahay niya at dumadaan siya intentionally sa tapat ng bahay ni Rayleigh sa pagbabakasakalaing makita niya ito doon pero lagi siyang bigo. Natuto na rin siyang mag-jogging kahit na hindi niya iyon ginagawa dahil baka aksidente niyang makita si Rayleigh. Nami-miss niya na kasi ang lalaki at gusto niya itong makita uli kahit isang beses lang. Ayon sa mga tsismis na naririnig niya ay lagi daw wala si Rayleigh sa village nila. No wonder hindi niya ito makita. She missed him so much. Kahit kasi tinanggap niya na ang katotohanang hindi sila pwede, gusto niya pa rin itong nakikita.             “Ni hindi niya nga natupad ang usapan nating bibigyan niya ako ng free meals for two weeks,” himutok niya. “Dumating na siguro ang girlfriend niya kaya lagi siyang busy,” sinabunutan niya ang sarli niya. “Aaaah! Hindi ko na kaya `to! Mababaliw na ako!”             Pinatay niya ang computer niya at ipinasya niyang lumabas nalang ng bahay niya at pumunta sa Coffee Corner. At least doon ay may makakausap siya. Kapag hindi pa kasi siya lumabas ng bahay niya, pakiramdam niya ay mababaliw na siya. She would just end up thinking of Rayleigh over and over again. At hindi maganda iyon dahil lagi na siyang nawawala sa konsentrasyon. Wala tuloy siyang matapos na nobela. Kinukulit na nga siya ng editor niya.             Nasa kalagitnaan na siya ng paglalakad nang makasalubong niya si Ace. May dala itong bola ng basketball at idini-dribble nito iyon habang naglalakad. Nang makita siya nito ay agad siya nitong nginitian. Huminto ito nang magkatapat na sila.             “Uy, Shan! Long time no see, ah? Saan ka ba nagsususuot nitong mga nakaraang araw?”             “Nandito lang ako sa village lagi. Ikaw ang matagal na nawala,” pagtatama niya dito. Nabalitaan niya kasing wala ito noong nakaraang linggo dahil may dinaluhan itong fashion show sa labas ng bansa. Isa ito sa mga naging model. “How’s the fashion show?”             “Siyempre, successful!” pagyayabang nito. “Ako ba naman ang kunin nilang model, eh. Expected na `yon!”             Nginising aso lang ang ibinigay niya dito bago siya nagpatuloy sa paglalakad. Umagapay ito sa kanya kahit hindi naman sila parehas ng daan na dapat tahakin dahil papunta ito sa daang pinanggalingan niya.             “Saan ang punta mo?” usisa nito. Patuloy pa rin ito sa paglalaro ng bola.             “Sa Coffee Corner.”             “Bakit? Anong gagawin mo doon?” humarang ito sa dinadaanan niya kaya napahinto na rin siya. “`Wag ka ng pumunta doon. Maraming tao doon ngayon. Kung gusto mong mag-unwind, tuturuan nalang kitang mag-basketball. Mas okay iyon dahil bukod sa malilibang ka na, mae-exercise pa ang katawan mo.”             “Hindi ako marunong mag-basketball,” nakakunot-noong sagot niya.             “Kaya nga tuturuan kita, eh.”             “Thanks for the offer, Ace,” nagtatakang tanggi niya dito. Ano bang meron at naisipan siya nitong yayaing mag-basketball? “But no thanks. Mas gusto kong kumain ngayon. I’m sure Ree will make a room for me kahit na maraming tao ngayon sa coffee shop niya.”             “Pero pangit doon ngayon,” hirit pa rin nito. “Hindi mo magugustuhan ang view. Pramis!”             “Ano ba kasi ang problema mo at pinipigilan mo akong pumunta sa Coffee Corner, ha?” Napansin niyang nandoon na rin sila kaya ipinasya niyang lampasan nalang ito pero tila itinulos siya sa kinatatayuan nang mapatingin sa loob ng coffee shop. Finally, after a week, muli niya ring nakita ang mukha ng lalaking hindi nagpatahimik sa isipan niya nitong mga nakaraang araw. Rayleigh was sitting on one of the tables near the glass window… with a very pretty woman. And they were kissing! Hindi masyadong pansinin ang pwestong iyong kung nasa loob sila pero dahil nasa labas sila ay iyon agad ang napansin niya. Nagbabanta na ang luha sa mga mata niya habang nakatingin sa dalawa. Iba pa rin talaga kapag actual mo ng nakita na kasama ng mahal mo ang mahal nito. Masyadong masakit sa puso. Naiiyak na talaga siya. Pakiramdam niya kasi ngayon ay sinasaksak siya ng paulit-ulit. At wala siyang ibang pwedeng gawin kundi ang manatili nalang na nakatingin dito habang pinipigilang maglupasay sa gitna ng kalsada. Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Ace. Tumayo ito sa harap niya para harangan ang eksenang unti-unting pumapatay sa puso niyang bugbog sarado na dahil sa nakita niya. Ace smiled apologetically at her. Punong-puno ng pang-unawa ang tingin nito sa kaya lalo lang siyang naiyak. “Sinabi ko na sa `yong hindi mo magugustuhan ang view dito,” marahang sambit nito. “Kung alam ko lang na hindi ka papapigil, kanina pa sana kita binuhat para hindi ka makarating dito.” Kaya pala siya pinipigilan ni Ace na pumunta doon. Dahil may tagpong alam nitong hindi niya magugustuhan. Kung sana ay nakinig lang siya dito. Kaya lang, may isang bahagi rin ng isip niyang nagsasabing tama lang na masaksihan niya ang eksenang iyon. Para hindi na siya patuloy pang umasa na mamahalin rin siya ni Rayleigh. Kahit kasi tanggap niya na ang kabiguan niya, ang pasaway na puso niya, umasa pa rin. Ayan tuloy, nganga siya ngayon. Hindi niya na napigilan ang paglalandas ng mga luha sa pisngi niya. Bumuntong-hininga uli si Ace at hindi na siya nagprotesta nang masuyo siyang yakapin siya nito. Pabor iyon sa kanya dahil ayaw niyang makita ng iba kung gaano siyang nasasaktan ngayon. She just needed a little bit of time before gathering the broken pieces of her heart that was scattered in that deserted road. Naramdaman niya ang marahang paghaplos ni Ace sa likod niya. “Hey, hush now,” alo pa nito sa kanya. “Si Ray lang`yon. Mas gwapo ako sa kanya kaya hindi mo dapat siya iniiyakan. You’ll be fine.” Ilang sandali pa silang nanatili sa ganoong posisyon nang bigla nalang bumitiw sa kanya si Ace. The next thing she knew, Ace was already sitting on the road. Nag-angat siya ng tingin para alamin kung anong nangyari dito. She was surprised when she saw Rayleigh’s furious face as he stared down at Ace who was examining his damaged lips. Noon niya lang napagtantong sinuntok ni Rayleigh si Ace. Pumutok ang gilid ng labi ni Ace dahil sa ginawa nito. “Just what do you think you’re doing?” galit na ring tanong ni Ace kay Rayleigh. “Bakit ka ba diyan nanununtok?” malakas itong nagmura. “May photoshoot pa ako mamaya!” “Ikaw!” dinuro pa nito si Ace. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Bakit umiiyak si Shan? And damn it! Stay away from her!” “Ikaw? Ano rin sa tingin mo ang ginagawa mo?” balik-tanong nito sa lalaki. Tumayo si Ace at nakipaglaban dito ng titigan. “And don’t tell me to stay away from her. I don’t want to hear that from someone who just finished kissing another girl in front of her,” she could see that Ace’s temper was starting to get worse each passing minute. “We had a deal before, right? You promised me something pero from the looks of it, hindi mo kayang tuparin iyon. And it’s time for me to fulfill my part of the deal. At wala ka ng magagawa para pigilan ako ngayon. You had your time and chance, but since you blew it, don’t you dare mess with us again. I also don’t intend to let you stop me even if you beg,” saglit na sinulyapan ni Ace ang kinaroroonan ng babaeng kasama ni Ray. “Ang mabuti pa, balikan mo nalang `yung girlfriend mo,” hinawakan nito ang kamay niya at hinila na siya nito palayo sa lugar na iyon. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD