Wala sa loob na napalingon siya sa stage nang may marinig siyang ingay mula doon at napanganga siya---literally, nang makita niya ang limang lalaking tila aparisyon na nakatayo doon, habang inaayos ang mga instrumento. Wala sa loob na napatayo siya at napatunganga nalang sa mga ito. Nagha-haluucinate lang ba siya? Mahina niyang sinampal ang pisngi niya para tingnan kung nananaginip lang siya.
They are real! This is real!
“You’re here,” narinig niyang sambit ni Rayleigh. Tumayo na rin ito at sinalubong ang papalapit na si Misha Masbaach, ang vocalist ng banda. “Buti naman at nakarating kayo.”
“Takot lang namin sa `yo,” nakangising sagot ni Misha at nakipag-high five kay Rayleigh. “Baka mamaya, hindi mo na kami igawa ng kanta,” bumaling ito sa kanya. “Hi! You must be Rayleigh’s new girl. Ingatan mo `yan, ha? Baka kasi mawalan kami ng magaling na composer. I’m Misha, by the way. You are?”
“Shanela Arquiza,” siya na mismo ang nakipagkamay dito. “Gosh, I can’t believe na kaharap ko ngayon si Misha Masbaach! Siguradong maiinggit ang mga kaibigan ko kapag nalaman nila ito. I’m a fan. And I really love your songs! Pa-picture mamaya, ha? Pa-autograph na rin.”
“Wow! Hindi ko alam na may fan pala kami na kasing ganda mo,” he playfully smiled at her. “Kung hindi lang ako naunahan ni Rayleigh, liligawan kita.”
“Yeah, yeah,” pinaghiwalay ni Rayleigh ang magkahugpong nilang mga kamay. Madilim ang ekspresyon ng mukha nito. “Back off. Ang mabuti pa, tumugtog nalang kayo since iyon naman talaga ang ipinunta niyo dito ngayon.”
“Pikon,” tumatawang kantiyaw ni Misha kay Rayleigh saka ito tumalikod at pumuwesto na sa stage. Mukhang tapos na ring mag-set up ang mga kabanda nito kaya magsisimula na ang mga ito. “This song is for the girl who caught Ray’s elusive heart, and man, happy birthday. Pero may talent fee pa rin ang pagtugtog namin ngayon. You know, business is business. But since Shan is really pretty, bibigyan kita ng discount. Enjoy the night.”
“Birthday mo? Ngayon?” gulat na nilingon niya si Rayleigh. He was now smiling sheepishly at her. “Hindi mo man lang sinabi! Hindi tuloy ako nakabili ng regalo para sa `yo.”
“It’s fine.”
“Hindi. Hindi fine iyon. Nakakahiya naman sa `yo.”
“Shan,” kinapitan siya nito sa balikat para makuha ang atensyon niya at magtama ang mga mata nila. “It’s fine. Really. Hindi mo na kailangan pang bigyan ako ng regalo. You already gave me something more worthy than any other present that you could buy.”
“And that is?”
“Your mere presence,” when she finally realized that they were only inches apart, saka lang siya naging aware kung gaano kaganda ang mga mata nito. And as time goes by, little by little, she was starting to get lost in his magnificient eyes. Plus those sweet words! Susme! Eeee! “And going out with me tonight, sapat na para sa `kin iyon. Now, if only you can give me a nice smile and dance with me, I’ll be really happy.”
Nang ngumiti ito ay unti-unti na ring sumilay ang napakagandang ngiti sa labi niya. “Of course, the pleasure is mine.”
Iinalalayan siya nito papunta sa gitna. He held their clasped hands on his chest and his other hand was wrapped on her waist. She felt sparks fly the moment their bodies collided. Halos hindi na rin magkamayaw ang puso niya sa pagtibok. Masyadong hyper ang buong sistema niya na tila ba sinaksakan ng isang drum na adrenalin. She couldn’t help but feel more attached to him while they were dancing. Inihilig niya ang ulo niya sa dibdib nito. Naririnig niya ang pagpintig ng puso nito pero taliwas sa kanya, his heartbeat was slow and steady. Tila ba at ease na at ease ito sa sitwasyon nila ngayon. Hindi kagaya niya na kulang nalang ay mawalan siya ng ulirat dahil sa tindi ng nararamdaman niya.
She felt her heart calm down upon listening to his heartbeat. Her heart was continuously succumbing to his charms and making its way straight to her heart.
“You are my only, you are the one. You’re everything I wanted baby I should’ve told you that I love you. Oh, nothing compares to you. I’m crazy thinking about you lately. You and I were meant to be and baby this is real. Everytime you turn around and walk away. I just can’t resist and I’m wishing I could say…
“You are my dream. You are my hope. You are my love and baby you are my heart. I want you to know and let it show that I’m in love. Everytime, I see you near I wanna be close to you but how could it be? ‘Cause I know it’s impossible to make it happen. But still you are…”
Tumatagos sa puso niya ang bawat lyrics ng kinakanta ni Misha. She herself wanted to tell what she truly felt about him. That she loved him so much. That she wanted to be close to him and her thoughts were occupied with his face, his smile… everything about him. Pero alam niyang hindi pwede. Dahil may girlfriend na ito at wala siyang karapatang makiapid sa kapalaran ng mga ito.
He was feeling something special for her, alam niya iyon. Pero malamang, friendship lang ang nararamdaman nito para sa kanya. She was special to him because they became really close these past few weeks. The memories of what happened between them came rushing through her head.
“Thank you for making this birthday a memorable one,” bulong nito sa kanya.
“Walang anuman. At salamat din dahil ako ang napili mong isama para i-celebrate ang birthday mo,” sincere na sabi niya. “I hope your girlfriend doesn’t mind if you spend this special occasion with me.”
“She won’t mind. Hindi iyon magseselos ng dahil lang sa isang date. Lalo na kung ikaw ang ka-date ko.”
“I see.”
Malungkot siyang napangiti. Nakakalungkot isiping na kung kailan pa siya natutong umibig ay sabay niya ring mararamdaman ang kabiguan. Oh, well. Ganyan talaga ang buhay. Gaya nga ng sinasabi ng iba, better luck next time. Ang mahalaga ay alam niyang sa tamang tao niya inilaan ang pag-ibig niyang dahil sa tagal ng walang nakikinabang ay halos mag-umapaw na sa puso niya, at si Rayleigh ang sumalo ng lahat ng iyon.
Kaya mo `yan! Fighting~!
Sa ngayon, susulitin niya nalang ang mga pagkakataon na pwede niya pang makasama ang lalaki. Dahil kapag bumalik na ang girlfriend nito, wala na siyang magagawa pa kundi ang lumayo dito dahil ayaw niyang makasira ng relasyon ng may relasyon. And then hopefully, one day she could move on. The memories she made with him was enough to last her a lifetime. Hindi niya kailanman pagsisisihang minahal niya ito dahil iyon na yata ang pinakatamang desisyong ginawa niya sa kanyang buhay.