HINDI mapakali si Shan habang pabalik-balik na naglalakad sa sala niya. Limang minuto nalang ay mag-a-alas siyete na at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya mapakali. For the nth time tonight, she looked on her reflection in a full length mirror. Sa kwarto niya talaga nakalagay ang full length mirror na iyon pero dahil sa sobrang pagka-paranoid niya na hindi siya maganda ngayong gabi ay binitbit niya na iyon pababa sa sala para kung gusto niyang inspeksyunin ang sarili niya ay hindi niya na kailangan pang mag-akyat panaog.
Talagang nag-ayos siya ng gabing iyon para sa date nila ni Rayleigh. She wore an above the knee black dress that complimented her fair complexion. Tinernuhan niya iyon ng kulay pulang wedge sandalas. She fishtail braided her long curly hair and let only a few loose strands of her hair in her face. Nagpatulong pa siya kay Ree na mag-apply ng make up dahil gusto niyang maging maganda sa paningin ng lalaki. She wanted to look her best for him. Plus this was the first time that she could go out with someone she really liked.
Lalo siyang nataranta nang marinig niya ang pagtunog ng doorbell. She frantically checked her appearance on the mirror for the last time before opening the door. Saglit siyang napatulala kay Rayleigh nang mapagmasdan niya ito. He was wearing a three-piece suit. Iyon ang unang beses na nakita niya itong nakasuot ng formal suit dahil madalas ay naka-v-neck shirt lang ito at cargo shorts.
Rayleigh in formal suit was ten-folds more gorgeous. Parang gusto niya nalang tuloy harassin ang lalaki lalo pa’t mataman itong nakatingin sa kanya na tila ba siya na ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Mukhang nagbunga ang paghihirap niya dahil na-achieve niya ang goal niya ngayong gabi. Dahil kitang-kita niya sa mukha nito ang paghanga nito sa kanya. s**t! I can’t take this anymore! Tumikhim siya para umayos ang takbo ng utak niya.
“H-hi,” nauutal pang bati niya dito.
“Hello,” he didn’t even bother to hide the admiration in his eyes as he stared at her. “You look really pretty tonight.”
“Thank you.”
“Shall we?”
Tumango siya at inalalayan siya nito papunta sa naghihintay na pulang Mustang sa tapat ng bahay niya. He was the perfect gentleman. At kahit nagsisimula palang ang gabi para sa kanilang dalawa, nakikinikinita niya ng isa iyon sa mga pinakahindi niya makakalimutang gabi sa buong buhay niya. Nang makasakay na sila sa kotse ay hindi nagtagal at binabagtas na nila ang daan palabas ng village nila.
Walang nagsasalita sa kanilang dalawa at pareho lang silang pinapakiramdaman ang isa’t isa. Lalo lang tuloy siyang ninenerbyos at hindi na magkamayaw ang puso niya sa pagtibok ng mabilis.
Talk, Shan! Enganyo sa kanya ng isang bahagi ng isip niya.
Ano namang sasabihin ko?
Kahit ano. Just talk. Tumikhim siya. “I can’t believe we’re actually doing this.”
“Me neither,” sagot ni Rayleigh. Narinig niya itong mahinang napamura kaya napatingin siya dito. Nahalata yata nito iyon kaya saglit din siya nitong nilingon. He smiled apologetically before turning his attention back on the road. “Sorry. I feel like I’m having a nervous breakdown.”
“Bakit?” nakakunot-noong tanong niya.
“It’s just that… you look so beautiful, you’re making me feel nervous.”
He’s so honest! “Actually, you’re making me feel nervous, too,” nahihiyang pag-amin niya dito. Ang akala niya ay siya lang ang kinakabahan ng ganoon. Iyon pala ay pareho lang silang dalawa ng nararamdaman. Hindi niya tuloy mapigilan ang bahagyang matawa. Naramdaman niya ang unti-unting pagkalma ng puso niya. “Parang timang tayong dalawa. Kinakabahan tayo sa isa’t isa.”
“Yeah,” kalmado na ring sagot nito. Naging okay na rin ang atmosphere sa pagitan nilang dalawa. “Ang ganda mo kasi ngayon kaya kinakabahan ako.”
“Sige, utuin mo pa ako. Konting-konti nalang maniniwala na ako.”
“Hindi ako marunong mang-uto.”
“Right.”
Sumadal siya sa upuan niya. Gusto niya ang atmosphere nila ngayon kaya gagawin niya ang lahat para mapanatili iyon. Nag-isip siya ng mga topic na pwede nilang pag-usapan hanggat hindi pa sila nakakarating sa pupuntahan nila.
“Ilang taon ka na, Ray?” curious na tanong niya.
“I’m twenty nine next month. Ikaw?”
“Twenty seven. Hindi halata, `no? Baby faced kasi ako,” nakangising turan niya. “At cute pa dahil sa five two na height ko. Hindi man lang ako umabot sa balikat mo.”
Saglit siya nitong nilingon saka marahang tumawa. “Yeah.”
“Nasaan na nga pala ang pamilya mo?” tanong niya dito. “Napansin ko kasi na mag-isa ka lang sa bahay mo, eh.”
“They migrated in Australia five years ago,” sagot nito. “May textile business kami doon at kailangan ng supervision ni Papa ang negosyo namin kaya imbes na magpabalik-balik siya dito at sa Australia, naisip niya nalang na mag-migrate. I decided to stay here.”
“Buti pumayag sila? Nag-iisang anak ka lang ba nila?”
“No. Lima kaming magkakapatid. Ang Kuya Dennis, Ate Catherine, si Marivin at si Mela. Kaya kahit hindi ako sumama sa kanila ay okay lang. Ikaw? Ilan kayong magkakapatid? Nasaan ang pamilya mo?”
“Nasa probinsya. Dalawa lang kami ni Kuya Sandro. Bakit hindi ka sumama sa kanila?”
“Hindi ako sumama sa kanila dahil mas gusto ko dito. Isa pa, nandito ang trabaho ko.”
She eyed him curiously. “Oo nga pala. Bakit hindi ka sumali sa the Scourge? At paano kang naging composer nila?”
“Kaklase ko sila noong college. The five of them is enough, I think. I prefer to stay in their shadow and just support them,” naramdaman niya ang paghinto ng kotse. Nang ilibot niya ang tingin sa labas ng kotse ay nasa tapat na sila ng isang restaurant sa Quezon Avenue, ang Akira’s Kitchen. “We’re here.”
Nauna itong lumabas sa kanya at pinagbuksan siya nito ng pinto. Inilalayan siya nitong umibis sa kotse at hindi rin siya nito hinayaang mag-isa kahit na isang segundo man lang. Pagpasok nila sa restaurant ay iginiya sila ng waiter sa bandang likuran ng restaurant. May parang garden doon na napapalibutan ng mga namumulaklak na halaman. Dim lang ang ilaw doon at may mangilan-ngilang Christmas lights na nagpa-enhance sa romantic ambiance ng lugar. Mukhang sinadya talaga ng mga ito na gawing dim lang ang ilaw doon para makita nila ang mga bituin sa langit.
It would become a dinner under the captivating starry sky. Nice.
Iginiya sila ng waiter sa nag-iisang lamesa na naka-set up doon. Ang ibang mga lamesa ay maayos nakasalansan sa isang sulok. May nakita pa siya doong stage na sa tingin niya ay tinutugtugan ng mga performers. May naka-set up doon na drums, organ, base, gitara at microphone. Nang makaupo siya ay hindi niya mapigilang usisain si Rayleigh.
“May tutugtog ba mamaya?” tanong niya dito. “Atsaka bakit nakasalansan `yung mga lamesa?”
“Pina-reseve ko kasi itong garden para sa date natin ngayong gabi,” nahihiyang ngumiti ito. Gosh! He was so adorable! “You like the place?”
“Oo. Ang ganda.”
“And yeah, may tutugtog din mamaya,” sinenyasan nito ang nakaantabay na waiter at maya-maya pa ay may dumating ng mga pagkain sa kanila. “I hope you don’t mind. Ako na ang pumili ng mga pagkain. Kinonsulta ko naman muna si Ree para alamin ang mga gusto at ayaw mong pagkain.”
“Thank you, Rayleigh,” sincere na pagpapasalamat niya dito. “Thank you for making an effort to make this night a memorable one for me.”
“Walang anuman,” nakangiting sagot nito. “I always wanted to give you a perfect night because you deserved it.”
She matched his smile. Maya-maya pa ay magana na silang kumakain habang nagkukwentuhan. Ngayon niya lang na-realize na masarap palang kakwentuhan ang lalaki. She enjoyed his company so much. Marami siyang mga bagong nalaman tungkol sa lalaki at habang tumatagal ang nagiging pag-uusap nila, napatunayan niyang mabait talaga ito at gentleman, taliwas sa ugaling ipinakita nito sa kanya noong una silang nagkakilala. Maybe he was just having a bad day back then at lalo pa iyong lumala nang masilayan nito ang isinumpa niyang buhok na ala-walis tingting ang peg.