12

1453 Words
KINALKULA ni Rayleigh ang layo niya sa ring. Nakabantay sa kanya si Ace na punong-puno ng energy na tila ba tinurukan ito ng energy booster. Nasa fourth quarter na sila ng laro at lamang pa rin ang grupo ni Ace ng apat na puntos. Pinag-iisipan niya pa kung ipapasa niya ba ang bola o siya na mismo ang magsho-shoot sa ring. Hindi kasi siya makakuha ng maganda tiyempo dahil mahigpit na nakabantay sa kanya si Ace. Mukhang ayaw talaga nitong maging madali ang lahat para sa kanya. Lalo lang tuloy nadagdagan ang pagngingitngit na nararamdaman niya.             Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pa nitong umepal sa kanilang dalawa ni Shanela. Nang magkausap kasi sila nito noong nakaraang linggo ay ‘wala’ ang sagot nito nang tanungin niya ito kung may gusto ba ito kay Shanela o wala. Naniwala siya sa sinabi nito pero pagkatapos ng mga pangyayari kanina ay nagdadalawang-isip na siya kung dapat pa ba niyang paniwalaan ang sinabi nito.             “Ray, pasa!” narinig niyang sigaw ni Shin.             Nilingon niya ang pwesto nito at nakita niyang mahigpit din ang pagbabantay dito ni Kenji. Kaya imbes na ipasa dito ang bola ay nag-fake pass lang siya saka niya pinasa kay Haru ang bola. Sakto namang nakawala ito kay Blizzard. Haru ran to the three point area and released a flawless shot. Nakipag-hig five sila dito ni Shin. Now he needed only one point to win the game.             Nasa kanya uli ang bola at lalo lang naging mahigpit ang pagbabantay ng bawat isa dahil ilang minuto nalang ay magtatapos na ang laro. Nabubwisit na siya kay Ace dahil bukod sa bago pa magsimula ang laro ay asar na siya dito, hindi rin matatawaran ang galing nito pagdating sa basketball. Kung hindi lang din magaling sina Haru at Shin, malamang ay kanina pa silang natalo.             The clock was ticking in his mind was in chaos. Ilang segundo nalang ang nalalabi kaya hindi niya na isinaalang-alang kung tama ba ang desisyong gagawin niya. Sumenyas siya kay Haru para ipaalam dito ang balak niyang gawin at nang tumango ito ay nagsimula na ang tagisan ng bilis at galing nila ni Ace. Nang magkaroon siya ng pagkakataon ay ipinasa niya kay Haru ang bola at nang mabaling dito ang atensyon ng mga kalaban nila ay pumuwesto na siya. Pinasa uli sa kanya ni Haru ang bola at nang makuha niya iyon ay nag-alley hoop siya. Shoot. Times up. They won. Napasuntok siya sa hangin. Tinapik siya nina Shin at Haru sa likod.             “Huu, tsamba!” kantiyaw ni Kenji sa kanila.             “Bitter,” nakangising sagot dito ni Haru. “Asa pa kayong manalo kayo sa `kin. The only one who can be me is me.”             “Utot mo, blue.”             “Kailan ka pa nagtutong mag-alley hoop, Ray?” tanong ni Blizzard. “By the way, you’re good.”             Nginitian niya lang ito at nabaling kay Ace ang atensyon niya. Nakapamewang ito habang nagpupunas ng pawis gamit ang isa nitong kamay. Nang magtama ang mga mata nila ay nginitian siya nito at lumapit ito sa kanya.             “I really hate losing but since that last shot was really good, maluwag sa dibdib kong tatanggapin ang pagkatalo ko,” tinapik nito ang balikat niya. “Good luck sa date niyo ni Shanela.”             Tatalikod na sana ito nang pigilan niya ito. Nagtatanong ang mga matang nilingon siya nito. Tahimik lang sina Shin, Blizzard, Kenji at Haru habang nakamasid sa kanilang dalawa.             “Do you like Shanela?” walang kangiti-ngiting tanong niya. “This time, answer me honestly.”             “You want an honest answer?” tuluyan na siya nitong hinarap. Parang hindi na ito ang kilala niyang Ace.  Ang nakakasalamuha kasi nilang Ace ay laging nakangiti at mukhang hindi kayang magseryoso. Ang seryosong Ace ang kaharap niya ngayon at kung nagkataong hindi siya confident sa sarili niya, malamang ay mai-intimidate siya dito. Tumitig ito sa mata niya, indicating that he wasn’t just kidding anymore. “Yeah. I like her, but since I’m so busy with my modeling stints for the past years, wala akong time para ligawan siya. Ikaw? Talaga bang may gusto ka sa kanya?”             “I like her,” walang kaabog-abog na deklara niya. “No, scratch that. I love her. So stay away from her.”             “You can’t tell me what to do,” nakataas ang kilay na sagot nito. “But don’t worry. Wala akong balak na agawin siya sa `yo. I had my chance when we went out pero dahil usap-usapan na sa village natin na may something sa inyong dalawa, I backed off. Mukha namang gusto ka rin ni Shanela kaya hahayaan ko nalang kayong dalawa.  Pero oras na paiyakin mo siya, hindi na kita pagbibigyan, Ray. Pasensyahan nalang tayo.” In split seconds, the normal Ace was already back. Parang namalikmata lang tuloy sila. “Take care of her okay? By the way, happy birthday uli! Enjoy your night!”             Nag-ring ang cellphone nito kaya lumayo na ito sa kanila para sagutin ang tumawag dito. Naiwan nalang siyang nakatayo doon at nakasunod ng tingin sa papalayong pigura ng lalaki. Kinuha niya na rin ang towel niya at naglakad siya papunta sa Coffee Corner kung saan niya nakita kanina si Shanela na pumasok. Pagpasok niya sa pinto ay nabaling sa kanya ang tingin ng lahat ng kapitbahay nilang nagpapalipas ng oras doon.             “Uy, Ray! Lalo `yatang lumalaki ang mga biceps mo, ah? Pwedeng pahawak?” nakangising turan ni Ree pero agad din naman nitong binawi ang sinabi nito. “Joke lang! Baka ibitay ako ni Shan sa puno ng bayabas kapag hinarass kita.”             Tinanguan niya lang ang babae at naglakad na siya papunta sa pwesto ni Shan. She was staring up at him so he had a full access on her face. Kahit may suot itong eyeglasses ay hindi iyon nakahadlang para makita niya kung gaano kaganda ang mga mata nito. She possessed the most expressive eyes in the world for him. Hindi ganoon katangos ang ilong nito pero bumagay iyon sa hugis ng mukha nito. She also had a pair of kissable lips. Kagaya nang una niya itong makita, wala nanaman sa ayos ang buhok nito pero imbes na makabawas ay nakadagdag pa iyon sa charms nito. He always thought that she was beautiful ever since the first time he laid his eyes on her.             “B-bakit?” tanong nito.             “I won. Can I ask you out now?”             Kinagat nito ang lower lip nito kaya hindi pasimple niyang iniwas ang tingin niya doon. She looked irresistible whenever she bit her lower lip. Kung hindi lang siya sasampalin nito, baka matagal niya na itong hinalikan dahil kaakit-akit talaga ito kahit na hindi naman ito nag-e-effort na mag-ayos. Pakiramdam niya ay nagliwanag ang paligid niya nang tumango ito.             “Okay.”             “I’ll pick you up at seven,” he smiled contentedly. “See you.”             Tumango ito. “Yeah. See you.”             Tumango rin siya at naglakad na siya palabas ng coffee shop. Hindi matanggal ang ngiti niya habang binabagtas niya ang daan pauwi sa bahay niya. He had always wanted to ask Shanela out but he never had the courage. Kung hindi pa siya ibinuyo kanina nila Ace kay Shanela ay baka abutin nanaman siya ng siyam-siyam bago niya pa magawang yayain si Shanela. Naiinis siya dahil hindi naman siya torpeng tao pero pagdating kay Shanela, lagi nalang siyang natatameme. Masyado kasi siyang conscious sa nararamdaman niya para sa babae. For the first time in his life, naradmaman niya ang ganoon katinding emosyon para sa isang babae kaya hindi siya maka-diskarte ng ayos. Nauunahan kasi siya ng hiya kapag kaharap na niya ang babae. Nag-ring ang cellphone niya at nang makita niya kung sino ang tumatawag sa kanya ay ni-reject niya ang tawag. He was in a really good mood today kaya ayaw niyang mai-spoil iyon ng kahit anong bagay. Napasuntok pa siya sa ere kaya weird na ang tingin na ibinibigay sa kanya ng mga batang nakasalubong niya. Ang iba naman ay kinakantiyawan siya dahil mukhang nanalo daw siya sa lotto ngayon. Pagdating niya sa bahay niya ay tinawagan niya na agad paborito niyang restaurant at nagpa-reserve na siya doon. He wanted that night to be perfect for the both of them. Hindi siya papayag na maging palpak ang date nilang dalawa. Pumasok na siya sa banyo para mag-shower dahil nanlalagkit na siya. “Happy birthday, man!” kausap niya sa sarili habang nakatingin sa salamin ng banyo. “You just received the best birthday gift ever.” Yes, he had received the best birthday gift named Shanela Arquiza.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD