11

1015 Words
“HI, SHANELA!”             Kalalabas lang ni Shan sa bakuran niya nang marinig niya ang pagbati sa kanya ni Carmela. Nakasuot ito ng tennis outfit at may bitbit din itong tennis racket.             “Marunong kang mag-tennis?” nakakunot-noong tanong niya. Sa ilang taon niya kasing naging kapitbahay si Carmela, ni hindi niya man lang nabalitaan na marunong itong mag-tennis.             “Hindi,” nakangising sagot nito. “Nasagap kasi ng mahiwaga kong radar na may libreng tennis tutorial daw sa tennis court at si Spade ang magtuturo. Magpapa-cute lang ako ng konti.”             Napailing nalang siya. “Sasabay na ako sa `yo. Pupunta ako sa Coffee Corner, eh.” Katapat lang ng Coffee Corner ang tennis court at basketball court ng village nila. Sinadya talaga ni Ree na doon ipuwesto ang shop dahil ayon dito ay mas kikita ito doon. Ang mga tao daw kasi na pagod, siguradong gutom. At dahil ito ang may pinakamalapit na kainan sa lugar na iyon, sa café nito pupunta ang mga residente ng village. Mautak talaga ito kahit kailan basta negosyo ang pinag-uusapan. “Sure!” masiglang pagpayag ni Carmela. Pakanta-kanta pa ito habang iwinawasiwas sa hangin ang tennis racket. Mukhang excited na talaga itong makapagpa-cute kay Spade. Open book na sa village nila na ang walang kamatayang pagsinta ni Carmela kay Spade kaya hindi na siya nagtataka kung isang araw ay mabalitaan niya nalang na napikot na nito ang lalaki. Halos dalawang taon na yata nitong sinusuyo si Spade pero dedma pa rin ang beauty nito sa lalaki. Napagkakamalan na nga ng iba na miyembro ng federasyon si Spade kaya hindi ito naaakit kay Carmela.             Pagtapat nila sa basketball court ay napalingon siya nang marinig niya ang pagtawag ni Ace sa kanya. Nilingon niya ito at akmang ngingitian niya ito pero nabitin ang ngiti niya nang aksidenteng mahagip ng tingin niya si Rayleigh. Naka-jersey ito at mukhang makikisali ito sa laro nina Ace, Blizzard, Haru, Kenji at Shin na mga naturingang hayok sa basketball.  Mukhang three by three ang magiging laban ng mga ito.             Napakunot-noo siya nang makita niyang ipagtulakan ng mga ito si Rayleigh palapit sa kinatatayuan niya. Walang magawa si Rayleigh kundi ang magpatianod nalang sa mga ito dahil pinagtutulungan ng lima ang binata. Kakamot-kamot ito ng ulo nang sa wakas ay magkaharap na sila. Nakagat niya ang ibabang labi niya nang mapagmasdan niya ang mukha ni Rayleigh. Bahagyang namumula ang mukha nito at hindi ito makatingin ng diretso sa kanya. Nagba-blush ba ito? Gosh! She wanted to pinch his cheeks for looking so obliviously adorable in her eyes.             “Go, Ray!”             “`Wag mong kaming ipapahiya, pare!”             “Fighting!”              Lalo lang nahalata sa mukha ni Rayleigh ang pagkailang nang sumigaw ang mga kalaro nito sa court. Pero nang muling magtama ang mga mata nila ay napangiti siya sa hindi malamang kadahilanan. Saglit na natigilan si Rayleigh at maya-maya ay napansin niyang unti-unti ng nawawala ang pagkailang nito sa kanya. He even managed to give her an abrupt smile.             “Hi,” bati nito sa kanya. “Pasensya ka na sa kanila.”             “Wala `yon,” pag-aassure niya dito. “May kailangan ka ba?”             Saglit na dumaan sa mga mata nito ang pag-aalangan pero sa huli ay ipinasya nitong sabihin na rin ang pakay nito sa paglapit sa kanya.             “I know this may sound a bit awkward,” nagkamot ito ng kilay para pagtakpan ang hiyang nararamdaman nito. Syet! Ang cute-cute talaga nito! “But can I ask you out? Tonight?”             Napipilan siya at napatulala nalang siya sa mukha ng lalaki. Totoo ba ang narinig niya? Hindi ba siya nagha-hallucinate lang? O residue lang iyon ng kakatapos niya lang na nobela? Ipinilig niya ang ulo niya. “A-ano kamo?”             “I said, can I ask you out?” his eyes were full of expectation.             Hindi niya alam kung anong isasagot niya. Pakiramdam niya kasi ay nag-shut down ang utak niya at wala siyang maisip na kahit ano. Ang malinaw lang sa kanya, nasa harap niya ang pinakagwapong lalaki na nakilala niya. Napakurap-kurap siya nang maramdaman niya ang pagkapit ng kung sino sa balikat niya. Nang lumingon siya ay napagtanto niyang si Ace pala iyon. Ni hindi niya man lang namanlayan ag paglapit nito dahil kay Rayleigh naka-focus ang buong atensyon niya.             “Ganito nalang,” nagpalipat-lipat ang tingin ni Ace sa kanilang dalawa. “If his team wins, you’ll go out with him. But if my team wins, you’ll go out with me.”             “Teka, paano kang nasali sa usapan?” nakakunot-noong tanong ni Rayleigh. Noon niya lang napansin na masama na ang tingin nito sa kamay ni Ace na nakakapit sa kanya.             “Simple lang,” nakipagtagisan ng titig si Ace kay Rayleigh. “Our last date was a disaster and I want to make it up to her. Hindi naman pwedeng ikaw lang ang may price, diba? Unfair iyon kasi ikaw lang ang magiging motivated,” siya naman ang binalingan nito. “Payag ka ba?”             “Payag siya,” si Ree ang sumagot para sa kanya. Nakaupo ito sa bungad ng Coffee Corner habang nakapangalumbaba at pinapanuod sila.             “Well?” untag sa kanya ni Ace na naghihintay ng sagot niya.             “O-okay.”             “Yosh!” ginulo nito ang sadya niya ng magulong buhok at pagkatapos ay tinapik nito sa balikat si Rayleigh. “May the best man win, pare!”             Tinanguan lang siya ni Raylegh saka ito naglakad pabalik sa court. Siya naman ay nanatili lang na nakatayo sa lugar kung saan siya iniwan ng mga ito. Okay. What just happened? Bumalik lang siya sa tamang huwisyo nang malakas na tapikin siya ni Ree at hinila siya nito papasok sa Coffee Corner.             “Hayaan mo sila sa labas,” nakangising turan nito nang balingan niya ito. “Maiinitan ka lang doon kaya dito nalang tayo sa loob at um-order ka ng meryenda mo. Ang haba ng hair mo, ha? Pinag-aagawan ka nina Rayleigh at Ace. Ikaw na talaga ang maganda, Shanela Arquiza!”             “Heh!” saway niya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD