WALANG pagmamadali sa mga kilos ni Shan habang naglalakad siya papunta sa bahay niya. Pagkatapos ng isang linggong pagkakampo niya sa probinsya ay naisipan niyang umuwi na. Kailangan niya na rin kasing balikan ang mga pending niyang trabaho. Imbes na sumakay sa tricycle ay mas pinili niya pang maglakad nalang dahil gusto niyang namnamin ang kapayapaan ng village nila. Hindi niya na iyon nagagawa sa loob ng matagal na panahon dahil masyado siyang naging occupied ng trabaho niya at ng iba pang mga bagay.
Ang kapayapaang iyon ang dahilan kung bakit mas ginusto niyang manatili sa lugar na iyon. Maganda kasi ang atmosphere doon at dahil sa mahigpit na security ng may-ari niyon ay kampante ang mga residente doon na ligtas ang lugar para sa mga anak ng mga ito. Kahit gumala-gala ang mga bata sa village nila ay kampante silang walang mangyayaring masama sa mga ito. Ang isa pang nagustuhan niya sa lugar na iyon ay ang mga establishment na pag-aari ng mga residente doon. Nasa loob na ng village nila ang lahat ng kailangan nila kaya hindi na nila kailangan pang pumunta sa malayo. Convinient iyon para sa mga tamad na kagaya niya. Kompleto din ang mga amenities doon kaya gustong-gusto niya doon.
Bonus nalang na friendly ang lahat ng kapitbahay niya. Kahit mga mayayaman ang mga ito ay hindi iyon mahahalata sa asta ng mga ito. Parang mga simpleng tao din kasi ito na nagsasama-sama sa village na iyon. Nakasalubong niya si Ace na ng mga oras na iyon ay nag-jo-jogging. Kinawayan siya nito at huminto ito sa harap niya.
“O, Shan. Saan ka galing? Mukhang nag-alsabalutan ka, ah!”
“Umuwi ako sa probinsya namin.”
Tumango-tango ito. “I see. Kaya pala nitong mga nakaraang araw ay mas lalong naging masungit si Rayleigh. Umalis ka pala.”
“Anong namang kinalaman ko sa kanya?” nakakunot-noong tanong niya.
“Wala naman. Baka lang kako kumonek. Bigla nalang kasi siyang nangyaya na mag-basketball daw kami. Siyempre, talo siya kasi kami ba naman nina Haru, Spade, Wind at Shin ang kalaban nila,” natawa ito. “You should’ve seen his face noong natambakan namin ang grupo nila. Parang gusto na niyang manapak na ewan. Masyado kasi siyang pikon noong isang linggo. Isa pa, palagi namin siyang nakikita sa bakuran mo. Na-miss ka siguro niya kaya kami ang pinagbubuntunan niya ng frustrations niya.”
“N-Na-miss niya a-ako?” natgatatakang tanong niya.
“Probably,” Ace smiled knowingly. “Hindi naman kasi si Rayleigh ang tipo ng taong pikunin. Kaya nga mas lalo siyang pinag-initan ng mga kapitbahay natin kasi iyon ang unang beses na nakita naming siyang napikon,” tinapik siya nito sa balikat. “You looked confused. Pero `wag kang mag-alala. One of these days, magsasalita din ang kolokoy na iyon. Hintayin mo nalang.”
Napatango nalang siya kahit na hindi niya naintindihan ang sinabi nito. Napasunod nalang siya ng tingin sa papalayong pigura nito habang ang isip niya ay pinipilit i-digest ang mga sinabi nito. What the heck was he talking about? Nang wala siyang mahanap na sagot sa isip niya ay ipinagpatuloy niya na ang paglalakad niya. Ilang sandali lang ay nasa tapat na siya ng bahay niya.
Saglit siyang natigilan at napakurap-kurap siya para siguruhing hindi siya nagkakamali. Teka, bahay niya ba talaga iyon? The last time she checked, wala siyang garden. Gubat, meron. Pero garden… manghang inilibot niya ang tingin sa bagong tuklas niyang garden. Dumiretso na rin siya sa likod-bahay para tingnan kung ano pangibang nagbago doon. Lalo lang siyang namangha. Maayos ng naka-landscape ang buong bakuran niya at may kubo-kubo na doon na pwede niyang tambayan kapag nababato na siya sa kwarto niya. May mga bagong tannin na rin doong halaman at mas dumami na angmga tanim na bulaklak doon. Wala na ang mga bulok niyang bulaklak.
Lumapit siya sa kubo at marahang hinaplos ang mga upuan doon. Si Rayleigh ba ang gumawa ng lahat ng iyon? Ang galing! Hindi niya alam na bukod sa pagiging mahusay nitong composer ay may future din ito sa pagiging magaling na karpintero. Sa ginawa nito, lalo lang tuloy umasa ang puso niya na may pag-asang may espesyal din itong nararamdaman para sa kanya. Hindi maganda iyon. Umupo siya doon at napatingin nakangiting muling inilibot ang tingin sa paligid.
“Hey there, stranger.”
Agad siyang lumingon nang makilala niya ang boses ni Rayleigh. She caught her breath when their eyes met. God, how she missed him so much! Bakit ganoon? Isang linggo niya lang namang hindi nakita ang lalaki pero bakit parang mas gumuwapo ito ngayon kaysa nang huling beses na makita niya ito? He looked irrisistably handsome in his favorite v-neck shirt and walking shorts. Nakapamulsa ito at nakatitig lang sa kanya, with his usual poker face. Despite his being in his usual poker faced self, his eyes seemed pleased for some unknown reason.
Natatamaan ng sinag ng araw ang mukha nito. Ngayon niya lang napansin na nag-iiba ang kulay ng mga mata nito kapag natatamaan ng sinag ng araw. His usual light brown eyes turned into brownish orange. And with his good looks, perfect features and oh, so lovable self, he was a sight to behold. Damn! How could he be this good looking? Not fair. Lalo kasing nahuhumaling ang sira-ulo niyang puso dito. Napabuntong-hininga nalang siya.
“You’re back,” he smiled, a smile that reached the deepest corners of her heart.
Hindi niya rin tuloy napigilan ang sariling maluwang na mapangiti habang patuloy na nakatitig dito. “Yeah. I’m back.”
Lumapit ito sa kanya at masuyo nitong ginulo ang buhok niya. “Welcome home.”
“Thanks.”
“Nagustuhan mo ba?” inilibot nito ang tingin sa bakuran niya. “Ito ang pinagkaabahalahan ko habang wala ka rito.”
“Yes. I like it,” kimi siyang ngumiti. “Salamat. Pero hindi mo naman na kailangan pang gawin ito para sa `kin.”
“Nah, I want to do it for you,” he gave her his mouthwatering smile. “I just want to see you smile.”
Oh, God. Her poor, poor heart was doomed