CHAPTER 1/STRANGERS
"Saan ba kayo pupunta, Inday?" Tanong ni Nene sa kaibigan at pinsan nito.
"Naku Nene sinagot ko na si Toto." Kinikilig na sagot ni Inday kay Nene.
"Ano? Akala ko ba kayo ng dalawa nang sa probensiya pa tayo!" Nakasimangot na saad ni Nene sa pinsan. Kunwaring nalungkot ito.
Humalakhak lang si Inday sabay bulong sa pinsan. " Friends with benefits lang iyon!" Nakangiwing saad naman ni Inday sa pinsan.
"Pasaway ka! Nagpabira ka tapos hindi pa kayo? Walang level, ganun? Pero masaya ako sa inyong dalawa ni Toto. Congrats pinsan." Saad ni Nene sabay yakap kay Inday.
"Salamat! May ulam at kanin pa diyan. Mauna kana kumain at baka gabihin kami ni Toto."
"Oo na! Basta ingatan mo ang daing mo at baka maging belasa agad." Pabirong saad ni Nene sa pinsan dahilan tumawa ito nang malakas.
"Gaga! Halongan ko gid ini akon pinakas basi bayaan ya ko dayon."
"Naku, dapat magaling kang gumiling." Nakangising saad ni Nene sa pinsan.
"Oo na! Hindi na ako magpapakipot. Hihimasin ko agad." Tawang-tawa na sagot nito.
Tuwing sabado at linggo nalang sila pumupunta sa bahay ng mga Reid para tumulong. Binigyan sila nang bahay ng mag-asawa habang si Toto ay may sariling apartment din ito. Malaki ang pasasalamat nilang dalawa sa mag-asawang Reid at napadpad sila sa Manila. Naging maganda ang buhay nilang dalawa.
Pepepppp.... Bosena ni Toto mula sa labas ng bahay nila. " Lumabas kana at andiyan na ang sundo mo." Utos ni Nene sa pinsan.
"Amoyin mo muna ako, kung mabango na ako?"
"Mabango kana. Para kanang sampaguitang hindi naubos."
"Baliw ka talaga, Alora." Inis na saad ni Inday habang sinasara ang pinto.
Pagdating sa labas nang bahay agad kumaway si Toto nang makita si Inday. Abot tainga ang ngiti ni Inday nang makita ang nobyo. Naka-longsleeve ito at topsider ang suot na sapatos ngunit sa dulo nito ay parang sungay ng kalabaw ang hugis.
"Ayos ang suot natin, ah! P-Para kang bombay na nagpapautang tapos ako ang assistant mo. Saan ba tayo maniningil ngayon?" Pabirong saad ni Inday.
"Siraulo ka talaga, Inday." Namumula ang pisngi ni Toto dahil sa mga hirit ni Inday.
"Akin na ang helmet at baka gabihin tayo!"
"Ako na ang magsusuot!" Halos lumabas na ang mga puso sa mga mata ni Inday dahil sa kilig.
"Ano ba iyan! Umupo ka ng pang-upong babae. Ang sagwa tingnan na naka-dress ka tapos nakabukaka ka sa likuran ko." Asik ni Toto sa nobya.
"Ayaw mo noon, ako ang babayo sa likuran mo." Pilyang saad nito sa nobyo.
"Halikana at baka hindi tayo makaalis at dito na kita bayohin." Hirit din ni toto.
Masayang umangkas si Inday sa likuran ni Toto habang nakayakap. Halos isang oras na silang nagbibiyahe kaya naisipan niyang magtanong.
"Toto, saan ba tayo pupunta?"
"Kumapit ka lang diyan. Sigurado ako magugustuhan mo ang pupuntahan natin."
"Naku, ikaw ang dami mong alam. Natikman na kita pero mukhang spescial ang pupuntahan natin."
"Inday, gusto ko magkaroon tayo ng maraming memories kaya dadalhin kita sa lugar kung saan alam ko gusto mo ring puntahan."
Humigpit ang yakap ni Inday sa nobyo. Mula sa kanilang kinaroroonan tanaw ni Inday ang malaking building na tinatahak nila. Napakisap ng mata si Inday nang makita ang malaking pangalan na nakalagay sa taas ng building.
"Iyotel hotel" Mahinang basa ni Inday. Kumurap-kurap muli siya upang siguradohin kong tama ang kanyang basa. Nang masigurado na tama siya pinisil niya ang ang betlog ni Toto.
"Ahhhh!" Mahinang ungol ni Toto. Bahagyang nabitawan ni Toto ang manibela dahil nagulat siya sa ginawa ni Inday.
"S-Sorry!" paghingi ng pasensiya ni Inday sa nobyo.
"Huwag mo nang ulitin at baka madisgrasya tayo."
Tumango si Inday ngunit sa loob niya ay sobrang nasasabik siya. Kung ano-ano ang pumapasok sa utak niya. " Humanda ka sa akin mamaya dahil sisiguradohin ko na sisigaw ka sa sarap." Bulong nang isipan ni Inday. Parang gusto niya nang pabilisin ang takbo ng motor para makarating sila agad sa Iyotel hotel.
Pagdating sa tapat ng building agad hinubad ni Inday ang suot na helmet at ibinigay kay Toto. Pagkatapos inayos niya ang kanyang suot na damit. Sinuklay niya din ang kanyang buhok habang si Toto ay pinarking ang motor.
Hindi maalis ni Inday ang tingin sa pinto ng Hotel. " Halikana!" Yaya ni Toto sa kanya sabay hawak sa kanyang kamay. Mahigpit ang kanilang hawak kamay habang papalapit sa entrance ng hotel. Ngunit laking gulat niya nang biglang lumiko sila sa maliit na eskenita.
"T-Teka lang, akala ko pupunta tayo doon!" Saad ni Inday habang nginunguso ang hotel.
Napalingon naman si Toto sa tinuturo ng nobya. Napailing si Toto sabay gulo ng buhok ni Inday.
"Maya na tayo pupunta diyan. May magandang tambayan dito sa likod. Masasarap ang pagkain dito at maganda ang mga view."
"Sorry agad." Nahihiyang sagot ni Inday.
Namangha si Inday nang makita ang magandang tanawin. Mayroon din sari't saring mga kaininan. Agad bumili si Toto ng cotton candy at siomai.
"Hmmm. Ang sarap Toto."
"Sabi ko sayo masarap e."
"Oo nga! Sayang at medyo madilim na. Hindi ko man lang nakita nang may araw pa. "
"Huwag kang mag-alala 9 hours ang ipapa-reserve ko para paglabas natin tirik na tirik ang araw." Nakangising saad ni Toto sa nobya.
"Asus! Araw ang titirik o tayong dalawa?"
"Siyempre tatlo tayo!" Natatawang sagot ni Toto.
"Siguradohin mo!" Paghahamon ni Inday.
"Oo naman. Dito ka lang at may bibilhin lang ako."
"Huwag na!"
"Basta dito kalang. Promise babalik ako agad."
Agad tumawid si Toto sa kabilang kalsada. Lumingon pa ito at kumaway kay Inday. Kumaway naman balik si Inday at bumalik na sa pagkain nang siomai.
Naubos na Inday ang siomai at cotton candy ngunit wala pa din si Toto. Itinapon niya ang pinaglayan ng siomai upang sundan si Toto sa kabilang kalsada.
------------------------------------------
"Damn! Slowly, bro! Isipin mo si Tita." Saway ni Cristian sa pinsan.
"I know, pero akala ko talaga sobrang bait ni Daddy. Hindi siya tulad sa daddy mo na babaero. Pero malalaman ko nalang na matagal na silang hiwalay ni Mommy dahil may kinakasama siyang iba." Umiiyak na saad ng pinsan ni Cristian. Hinampas nito ang manibela sabay yuko. Pag-angat niya nang ulo laking gulat nila na may paparating na sasakyan. Agad niya iniliko ang manibela ngunit isang malakas na kalabog ang narinig nila. Biglang nag-umpukan ang mga tao kaya agad sila bumababa. Kahit nahihilo pa sila, pinilit nilang lumabas ng sasakyan.
Napasabunot ng ulo si Cristian nang makita ang lalaking nakataob at duguan. Dahil sa doktor siya agad niya pinatihaya upang bigyan ng first aid. Ngunit halos malaglag ang panga niya nang makita ang mukha ng lalaki. Parehong-pareho sila. Para silang kambal dahil pareho ang kanilang wangis. Kahit ang kulay nila ay pareho.
"f**k! Who is he? B-Bakit magkapareho kayo ng mukha?" Gulong-gulo na tanong ng pinsan ni Cristian.
"I don't know! Saglit lang tatawagan ko si Daddy!"
Agad binalikan ni Cristian ang cellphone sa sasakyan upang humingi ng tulong sa ama. Ngunit laking gulat niya nang biglang may galit na galit na babae ang humatak sa kanya.
" Kainis ka. Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala. Ano ba ang mayroon diyan at nag-uumpokan ang mga tao?"
"S-Sino ka?" Takang tanong ni Cristian kay Inday.
"Anak ng tokwa? Sabi mo may bibilhin ka lang tapos hindi kana bumalik kaya sinundan kita dito. At saka nasaan na ang damit mo? Iyan ba ang binili mo?"
Ahhhh. . eeehhh.. Hindi alam ni Cristian kung ano ang isasagot niya sa babaeng kaharap.
"Kainis ka Crisanto! Nakakatampo ka!" Nakasimangot na saad ni Inday at lumakad ito papunta sa mga taong nag-uumpukan.
"T-Teka lang." Saad ni Cristian sabay hila kay Inday.
"Wait lang. Sisilipin ko lang kung ano ang nangyayari tapos babalikan kita."
Mabilis na nagpaliwanag si Cristian sa pinsan at kinuha ang cellphone ni Toto habang ang sa kanya ay ibinigay niya sa pinsan.