Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi sa akin ni Sachi kahapon. I just acted as if hindi ko ito siniseryoso pero sa totoo lang ay naguguluhan ako. Hindi ko alam kung kailangan ko bang sabihin ang mga nalaman ko sa mga magulang ko lalo na kay Azyra. I know na inaayos lang ni Sachi ang napakakomplikadong sitwasyon namin ngayon. Alam kong nagdesisyon siya na ang advantage ay mapupunta sa aking lahat. I am thankful ngunit binabagabag din ako ng konsensiya ko. Gusto kong maawa sa kanya ngunit nananaig pa rin sa akin ang pagmamahal ko para kay Azyra. Alam kong nagmumukha na akong tanga, desperado, naghahabol pero lahat naman ng nagmamahal ay kayang gawin at kalimutan ang lahat alang-alang sa taong mahal nila. "Kenji," napalingon ako sa pintuan ng kuwarto ko. I saw Azyr

