MIA POV--- Nagising ako ng mabungaran ko ang puting kisame at naamoy ko ang halo halong amoy ng gamot, tanda na nasa ospital ako. Ilang segundo ng aking pag iisip, bumalik ang lahat na sakit kung bakit ako nandito. Naalala ko ang dugo na umagos sa aking hita. Bigla akong napabalikwas at napabangon sa kama. Sana, sana hindi tama ang nasa isip ko, kung bakit ako dinugo. Delay na ako ng tatlong linggo, kaya plano ko sana, pagka tapos ng kasal mag pregnancy test ako. Rumaragasa ang aking mga luha na hindi ko mapigilan ang pag alpas. "Bff, buti nagising kana, kamusta ang pakiramdam mo Bff?" Tiningnan ko lang si May, na sya pala ang kasama ko dito. Hindi ko kayang ibuka ang aking bibig para magtanong kung bakit ako dinugo. Hindi ko kakayanin kung totoo nga ang hinala ko. Makakaya ko kung ayaw

