Nagising si Ava ng makaramdam ng lamig. Inabot niya ang cellphone niya at nakita niyang alas nueve na pala ng gabi. Napabalikwas siya ng bangon at nagulat na nakadamit na siya. Panaginip lang ba ang nangyari? Tanong niya pero ng maramdaman ang pananakit ng gitna niya alam niya na hindi iyon panaginip. Tumayo siya at sinilip ang crib wala rin si Xander duon. Nagpasya siyang lumabas pero wala rin sa sala ang magama niya. Narinig niyang may nakilos sa kusina kaya dumeretso na siya duon. Nakita niya si Jason na abala sa pagluluto habang nakaupo naman sa may high chair si Xander
“For sure gutom na si Naynay mo kaya dapat makaluto na tayo” kausap nito kay Xander
“Naynay” balik na sagot nito
“Oo, Naynay. Say Taytay” anito kay Xander. Humagikgik lang si Xander habang patuloy naman si Jason sa pagluluto. Patuloy lang siya sa panunuod at mayamaya ay humarap na ito at nakita siya “Babe” gulat na sabi nito “Gising ka na pala” lumapit ito sa kanya at hinalikan siya “Upo ka muna” akay nito sa kanya sa lamesa “Sandali na lang ito” umupo siya at pinanuod na lang ito.
“Naynay” tawag ni Xander sa kanya at inaabot siya. Tumayo siya at kinarga si Xander at hinalikan. Maya maya ay nakahain na si Jason at umupo na sa may tabi niya. “Tikman mo tong adobo ko” Pinaglagay siya nito ng pagkain sa pinggan at magumpisa na rin sila ng pagkain. Pagkatapos kumain ay nagprisinta na siyang magligpit ng kinain nila. Pero tumangi ito at sinabing si Xander na lang ang asikasuhin niya. Bumalik siya sa kuwarto at nilinisan si Xander para sa pagtulog. Nang malinisan ito ay pinadede na niya at pinaghele para makatulog. Nang mahimbing ay inilapag na niya ito sa may crib ay sabay namang pagpasok ni Jason sa kuwarto.
“Babe.” Tawag nito sa kanya
“Hmmmm” sagot niya dito. Nahihiya siya at hindi makatingin kay Jason
“Tulog na tayo?” Tanong nito
Lumingon siya at nakita niya na nakashort na ito at nakasuot ng puting t-shirt. Naiilang siya sa way ng pagtingin nito sa kanya. Namula ang mukha niya ng naghubad ito ng t-shirt at nahiga sa kama. Gusto man niyang paalisin ito alam iyang imposible na gawin na niya iyon. Nailing na lang siya na lumakad sa may cabinet at kumuha ng pang palit. “Mag shower lang ako” nahihiyang sabi niya dito.
“Gusto mo samahan kita?” Nakakalokong tanong nito sa kanya
“He, tumigil ka nga” at nagmadali na siyang lumabas ng kuwarto. Narinig pa niya ang malakas na tawa nito. Nangingiti siya ng pumasok sa banyo at napanganga siya ng makita ang madame niyang love bites sa may dibdib niya at dalawa sa may bandang leeg, namumula ang mga iyon. Naginit ang mukha niya ng maalala ang paghalik ni Jason kanina sa kanya. Hindi lang isang beses siya nitong inangkin kundi tatlong beses silang nagsalo sa maiinit na sandali. Umiling na lang siya at tinapos ang pagligo at bumalik na sa kuwarto kung saan naabutan niya siya si Jason na nakatulog na. Sinilip niya muna si Xander sa may crib at pagkatapos ay nahiga na sa tabi ni Jason. Tinitigan muna niya maigi ang mukha nito. Aminado naman siya na mahal pa rin niya talaga ito at alam na niya ang dapat niyang gawin. Yumakap siya dito at pinikit ang mata. Naramdaman pa niya ang pagyakap nito sa kanya at bumulong ng “I love you, babe”. Nakatulog siya ng may ngiti sa mga labi.