Chapter 18

576 Words
Magaan ang pakiramdam na gumising si Jason. Malapad ang ngiti na pinagmasdan niya si Ava na nakaunan sa may braso niya at nakayakap ang isang kamay sa may bewang niya. Hinapit pa niya itong lalo papunta sa kanya at dinampian ng halik sa may noo “I love you, Babe” bulong niya dito. “Taytay” rinig niyang tawag ni Xander na nakatayo na sa may crib nito. “Sandali, nak” sabi niya at dahan dahang pinakawalan si Ava at siniguradong hindi ito magigising. “Wag ka maingay, nak. Tulog pa si Naynay hayaan muna natin siyang magpahinga” kinarga niya ang anak at lumabas ng kuwarto. Paglabas niya ay andun na si Lara at Nanay Esme. “Magandang Umaga po” bati niya “Magandang umaga din” tila nagulat na bati ni Nanay Esme “Nay, si Jason po pala asawa ni Ava at tatay ng poging poging si Baby Xander” pagpapakilala nito sa kanya “Oo nga at kamukhang kamukha mo ito si Xander” magiliw na sabi nito “Pero teka nakakaalala ka na ba?” Tanong nito sa kanya “Opo, Nay” tugon niya “Gusto ko pong magpasalamat sa pagkupkup niyo sa magina ko” taimtim na sabi niya dito. “Napakalaki po ng utang na loob ko sa inyo” nalaman niya mula kay Lara na ito ang nakakita kay Ava nung araw na umalis ito at sila ang tumulong sa magina niya “Wala iyon, Iho! Hindi na iba sa amin sila Ava. Kaya sana wag mo na ulit silang pababayaan pa at sasaktan” “Makakaasa po kayo na hindi na mangyayari iyon. Pakakamahalin ko po si Ava and Xander habang buhay” pangako niya dito Hagikgik ni Xander ang nagpawala ng kaseryosohan ng usapan nila. “Baby Xander” tawag ni Lara dito. Lumingon ito kay Lara at nagabot ng kamay “Akina muna ang makulit na ito para makakain ka na” inabot niya si Xander kay Lara na tuwang tuwa ng paghahalikan nito sa mukha “Maya na ko kakain Lara intayin ko si Ava na magising para sabay na kame” aniya at umupo sa may sala “Magpapahinga muna ko” sabi naman ni Nay Esme. Si Lara at Xander ay lumabas naman at magpapaaraw daw. Pumunta siyang kusina at nagtimpla ng kape, pagkatapos ay bumalik sa sala at nanunod ng pangumagang balita. Nagring ang cellphone niya at nakita niyang ang Mommy niya ang tumatawag sinagot niya iyon “Hello, Mom” “Anak, totoo ba ang binalita ni Manang Lea na nakita mo na si Ava?” Tanong nito sa kabilang linya “Opo, Mom. Nakita ko na po siya pati ang anak namin” masyang balita niya dito “Salamat sa Diyos at natagpuan mo silang magina na ligtas at nasa maayos na lagay” narinig pa niya na tila maiiyak ito “Kailan mo sila iuuwi dito?” “Kinumbinsi ko pa si Ava, Mom. Huwag po kayo mag alala at pag pumayag na siyang umuwi ay babalitaan ko kayo agad” pagpapakalma niya dito “O sige at magiintay na lang muna ako. Pero pag matatagalan pa ako na ang bibisita sa magina mo. Siya at ibababa ko na ito. Bye, anak” at naputol na nga ang linya. Kailangan niyang makumbinsi si Ava na sumama na sa kanya para maging maayos na ang lahat. Ang tanong lang anu ba ang dapat niyang gawin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD