Chapter 15

522 Words
Pinanunuod niya si Xander na naglalaro sa may lapag ng marinig niyang may kumakatok sa gate. “Diyan ka lang baby, ha. Silipin lang ni Naynay kung sino ang nasa labas” tumayo na siya at lumabas para buksan ang gate. Nagulat siya sa hinding inaasahang bisita “Jason” “Hello, Babe” masiglang bati nito sa kanya. Ang dami nitong dalang paper bag. Humalik sa kanya at deretsong pumasok sa loob. Nagulat siya sa ginawa nito at naiiling na lang na sinundan ito. Naabutan niya ito na kalong na si Xander at pinupupog na halik. Tuwang tuwa naman ang anak niya sa ginagawa ng ama. “May mga binili kong damit saka toys para sa kanya” turo nito sa mga paper bags “Hindi ka na dapat nagabala at maayos pa naman ang mga damit niya at marami pa rin ang mga toys niya” “Sana huwag mo namang tangihan ang mga binili ko para sa kanya” may pagtatampo na sabi nito Bumuntong hininga na lang siya at inayos ang mga paper bag “Ipasok ko lang to sa kuwarto” pagpasok niya sa loob ay nilagay niya sa may kama ang mga paper bag at tinignan isa isa ang laman. Napakaraming damit at laruan. May diaper at gatas pa. Naiiling na lang siya at nagpasyang lumabas na ulit ng kuwarto matapos ayusin ang mga dala ni Jason na pasalubong. Naabutan niya ang magama na natutulog. Nakahiga si Jason sa may sofa habang nakadapa at tulog na si Xander sa may dibdib nito. Hindi siya makatiis at kinuhaan ang eksenang iyon. Hindi maipapagkaila na mag ama talaga ang dalawa mula sa mata hanggang sa mga labi. Magkamukhang magkamuha talaga. Napatitig siya sa mukha ni Jason at nakita niya na matiwasay ang mukha nito habang natutulog. Pero napansin niyang pumayat ito. Hindi kaya ito inaalagaan ni Chloe? Pabaya talaga ang babaeng iyon. Matapos na agawin sa kanya si Jason ay hindi naman pala kayang alagaang mabuti. May anak na kaya sila? Malamang siguro meron na kase isang taon na din simula ng mapanuod niya ang engagement ng mga ito. Pero bakit habol ng habol pa rin si Jason sa kanya? Napawalang bisa naman na ang kasal nila at kasal na rin ito sa ibang babae kaya hindi niya maintindihan kung bakit gusto nito makipagbalikan sa kanya. Kase kung kasal na ito at si Chloe dapat masaya na silang nagsasama. Pero hindi kaya hiwalay na sila? Haisssttt! Ang dame kong naiisip na kung ano ano. Ginugulo ni Jason ang isip at damdamin niya. Aminin man niya o hindi alam niya sa sarili niya na mahal niya pa ito. Hindi lang mahal kundi mahal na mahal. Pero natatakot siya na baka maulit uli ang pangyayari, na saktan siya at ipagtabuyan ulit nito. Napabalik siya sa kasalukuyan ng gumalaw si Xander. Dahilan para kumilos si Jason at tapikin ng bahagya si Xander para makabalik sa pagtulog ang bata. Hindi niya alam kung anong nangyari pero hindi niya mapigilan na haplusin ang mukha ni Jason at nagulat siya ng bigla itong dumilat at nahuli siya. “I miss you, babe.” anito
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD