Chapter 14

582 Words
Nakahiga siya at nakatitig sa may kisame iniisip niya ang mga sinabi ni Ava “Jason, alam ko na nagsisisi ka na at pinapatawad na kita pero hindi ko na kayang bumalik sayo.” “Hindi ko na kayang daanan ulit ang sakit na iyon. Sana naiintindihan mo ako. At saka kasal na kayo ni Chloe. Gusto ko na lang ng tahimik na buhay kasama si Xander” Napaiyak siya ng maramdaman ang sakit sa puso niya dahil sa mga sinabi ni Ava. Ramdam na ramdam niya ang sakit at alam niya na nasasaktan din si Ava pero ano nga ba ang dapat niyang gawin para bumalik na ito sa kanya. Gusto na niyang panghinaan ng loob na talagang hindi na ito babalik sa kanya pero ayaw niyang isipin na mangyayari iyon dahil mas gugustuhin na lang niyang mamatay keysa sa mawala ito sa buhay niya. “Ava” tawag niya sa pangalan nito “Patawarin mo ako, babe. Pero hindi ko mabibigay ang gusto mo.” Nakatulugan na niya ang pagiisip kay Ava at nagising sa bagong umaga. Nagready na siyang pumasok ng magring ang cellphone niya. Si Lara ang tumatawag. Sinagot niya ito “Hello” “Jason, si Lara ito” sagot sa kabilang linya. Kinuha niya ang numero nito para may pede siyang tawagan para kamustahin ang magina niya. “Yes, Lara” “Andito kame sa may ospital. Dinala ko si Nanay Esme dahil sa rayuma niya. Need na magstay kame dito ng isang gabi. Walang kasama sila Ava sa bahay baka pede duon ka muna kahit ngayong gabi lang” “Oo, Lara. Pupuntahan ko ang magina ko. Maraming salamat” “Walang anuman. Basta gawin mo lahat para bumalik siya sa iyo. Dapat buo ang pamilya ni Baby Xander ko” “Gagawin ko lahat, Lara. Salamat talaga” “O siya sige at ibaba ko na ito. Bye” at naputol na nga ang linya. Nagmadali na ko sa pagayos at lumabas ng kuwarto. Naabutan ko si Manang Lea na naghahain ng almusal. “Manang, hindi na po ako kakain” sabi niya dito “Ay, sumubo ka kahit kaunti lang” naiiling na sabi nito “Hindi ka na nakain ng maayos simula ng umalis si Ava. Ang payat payat mo na. Magtatampo sa akin iyon pag nakitang ganyan ka kapayat” naiiyak na sabi nito “Manang, may maganda po akong balita. Nakita ko na si Ava” “Talaga, Iho? Salamat sa diyos at natagpuan mo na rin siya” masayang sabi nito “pero bakit hindi mo pa siya inuuwi?” Nagtatakang tanong nito “Kinukumbinsi ko pa po at malala ang tampo ng asawa ko, Manang. Pero huwag po kayo magalala pasasaan at makukumbinsi ko rin iyon” “Alam na na ito ni Mommy mo?” “Hindi ko pa po nasasabi at wala siya dito sa Pinas. Pero pagbalik na pagbalik niya sasabihin ko na ang magandang balita” masayng sabi niya “At saka pala Manang, may anak po kame ni Ava. Lalake po, Xander ang pangalan” pagmamalaki na sabi niya. “Ay napakagandang balita niyan” naiiyak sa tuwa na sabi nito “Kailangan ko na palang ayusin ang isa sa mga kuwarto para sa paguwi ni Xander” “Opo, Manang kayo na po ang bahala na magayos ng kuwarto ni Xander. Alis na po ako” Dumeretso na siya ng labas at nagmadaling sumakay sa sasakyan niya para puntahan ang magina niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD