Chapter 13

522 Words
Maiyak iyak si Ava habang pinanunuod ang mag ama niyang naglalaro. Hindi niya lubos maisip na darating ang araw na ito. Akala niya mananatili na lang panaginip ang lahat. “Ang saya ni Xander” sabi ni Louie sa tabi niya “Oo nga” tanging nasabi niya Lumingon si Jason sa kanila at nakita niya ang malungkot nitong mga mata “Ava, pede ba tayo magusap?” Sabi nito “Pede naman” “Magpapaalam na din ako, Ava” sabi naman ni Louie at tumayo na din. “Una na ko Jason” tumango lang si Jason at tumayo siya “Hatid na kita sa labas” “Ava, sana mabigyan mo ko ng pagkakataon na maipakitang totoo ang mga sinabi ko” anito ng nasa may gate na kami “Pagiisipan ko Louie. Pero alam mo naman ang sitwasyon ko di ba?” “Magiintay ako hangang sa maging handa kang buksan ulit ang puso mo” anito at lumabas na Ngumiti na lang ako at bumalik na sa loob. Naabutan ko si Jason na pinapatulog na si Xander. “Akina ipasok ko na siya sa kuwarto para makapahinga.” Ibinigay naman nito sa akin ang bata “Intayin mo na lang ako dito” tumango ito at bumalik sa pagkakaupo Pumasok na kami ni Xander at pinatulog ko na ito. Nakatitig lang ako sa anak ko na nahimbing na sa pagkakatulog. Ayoko mang iwanan siya at harapin si Jason pero alam ko na dapat magusap talaga kame. Ayun lang ang tanging paraan para maging maayos na ang lahat. Kinumutan ko si Xander at lumabas na ng kuwarto. Asa may sala pa rin si Jason nagaantay. Umupo ako sa upuang nasa harapan niya. “Ava” “Jason, ako muna” pigil ko sa anumang sasabihin nito. Tumingin ito sa akin at bumuntonghininga. “Alam ko na alam mo nang anak natin si Xander. Kahit itangi ko alam ko na hindi ka maniniwala. Hindi kita aalisan ng karapatang maging ama niya. Pede mo siya bisitahin at maging parte ng buhay niya. Pero” napatingin ako sa mga mata niya at nakita ko na parang maiiyak na siya. “Pero hindi na tayo pede maging magkasama” “Ava, hindi .” “Jason, alam ko na nagsisisi ka na at pinapatawad na kita pero hindi ko na kayang bumalik sayo.” Naiiyak na sabi ko “Hindi ko na kayang daanan ulit ang sakit na iyon. Sana naiintindihan mo ako. At saka kasal na kayo ni Chloe. Gusto ko na lang ng tahimik na buhay kasama si Xander” “Ito ba talaga ang gusto mo, Ava?” Tanong nito at tumango na lang ako hindi ko na kayang magsalita at sigurado ako na tuluyan na kong iiyak kung magsasalita pa ko. Tumayo ito at lumapit sa akin. “Bakit ko nga ba naisip na basta ka na lang babalik sa akin? Napakalaki ng kasalanang nagawa ko sa iyo at kay Xander.” Inangat niya ang mukha ko at tinitigan na para bang pinagaaralan. “Mahal na mahal kita” at dinampian ng halik ang aking labi saka umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD