Chapter 12

533 Words
Nakatayo siya ngayon sa may harap ng gate nila Ava. Iniisip niya kung ano ba ang gagawin niya. Maya maya ay nakapagdesisyon siyang magdoorbell na at wala rin namang mangyayari kung maduduwag siya. Bumukas ang pinto at bumungad dun si Lara “Oh, Jason. Pasok ka”binuksan nito ang gate at inaya siyang tumuloy “Si Ava andiyan ba?” Tanong ko ng makapasok ako sa loob “Asa work pa” tumingin ito sa relo “Pero pauwi na rin iyon. Upo ka. Gusto mo ng juice?” “Hindi na antayin ko na lang si Ava. Ahmmmmm, gising ba si Xander?” Nagaalangang tanong niya “Asa kuwarto nila tulog. Gusto mo ba makita?” Tumango ako at umaasang tumingin sa kanya “Halika samahan kita sa loob” tumayo ito at sumunod siya. Pumasok sila sa kuwarto at nakita niya si Xander sa may crib na mahimbing na natutulog. Lumapit siya at tinitigan itong mabuti. Naluluha siya ng matitigang maigi ang mukha ng anak niya. Sigurado siya na anak niya ito kamukhang kamukha niya ang bata. Hinaplos niya ang pisngi nito at yumuko para halikan ito sa noo “Patawad anak. Wala ako sa tabi ninyo ng Mommy mo. Napakalaki ng kasalanan ko sa inyo” napaiyak na siya ng tuluyan at napaluhod sa may tabi ng crib. Gusto na niyang saktan ang sarili niya dahil sa mga kasalanan na nagawa niya. Pero alam niyang hindi siya dapat sumuko. Dapat siyang lumaban at hingin ang kapatawaran ni Ava para magkasama at mabuo silang pamilya. Gagawin niyang lahat para makuha ang pagpapatawad ni Ava. “Pangako, anak. Gagawin ko lahat para mabuo tayo. Para maging masaya ang pamilya natin.” Tumayo siya at hinalikan ulit sa noo ang anak. Inayos niya ang sarili at nilibot ng tingin ang buong kuwarto. Napangiti siya ng makita ang litrato ni Xander na asa may ibabaw ng maliit na tokador. Lumapit siya at tinignan ulit ang litrato. Mukhang kapapanganak pa lang ni Xander dito napakaliit pa niya. Bumuntong hininga siya at sinilip ulit ang anak niyang natutulog pa at nagpasya ng lumabas ng silid. Dumeretso siya sa may sala at naabutan niya na may miryendang nakahain duon. Ininum niya ang juice at nagantay sa pagdating ni Ava. Maya maya ay narinig niyang may nagbukas ng gate “Salamat sa paghatid Louie” rinig niyang sabi ni Ava sa kung sino mang kausap nito “Walang anuman yon, Ava.” Rinig niyang tugon ng kausap nito “Gusto ko rin makita si Xander” napatayo siya at tumingin sa may pintuan. Nakita niyang pumasok si Ava kasunud yong lalake. Nagulat si Ava ng makita siya. “Anung ginagawa mo dito?” “Binibisita ka at saka si Xander” “Ahmmmm, Louie si Jason. Jason si Louie” pagpapakilala ni Ava sa kanila “Nice to meet you” abot ng kamay nito sa kanya. Nakipagkamay siya at umupo ulit. Umupo si Louie sa may tabi niya at mayamaya ay lumabas si Lara kalong kalong ang umiiyak na si Xander. Napatayo siya at lumapit dito. Napatingin ang bata sa kanya at inabot ang kamay na parang nagpapakarga. Inabot niya ang anak at niyakap ng mahigpit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD