Chapter 5

514 Words
“Hello, baby” bati ko sa anak ko na napaka cute. Kamukhang kamukha niya si Jason. Inis na inis siya ng makitang kamukha ito ng ama. Siya ang nagdala at naganak pero sa ama pa rin kumuha ng mukha. “Ava” tawag sa kanya ni Lara “Andito na yong cake at saka lobo” “Sige, Lara. Ayusin na rin nating yong table at mga upuan” binaba niya muna si Xander sa crib “Dito ka muna baby, ha. Ayusin muna namin ni Ninang yung table and chairs, ok?” Sabi niya sa anak “Nay Esme, patingin po muna si Xander” baling niya kay Nay Esme na nasa lamesa at nagsasalin ng pansit sa lalagyan. “Sige ako muna bahala kay Xander” sagot nito Lumabas na siya at tumulong kay Lara sa pagaayos ng mga lamesa. Matapos magayos ay binihisan na niya si Xander at bandang alas kuwatro ay nagumpisa na ang party. Mga ilang tao lang din naman ang imbitado niya at ang mga kapitbahay. Kinantahan nila si Xander ng happy birthday at pagkatapos hipanan ang kandila ay nagumpisa na ang kainan. “Ava, andito na si Louie” sabi ni Lara sa kanya “Happy Birthday, Xander!” Bati nito sa anak niya at inabot ang regalo “Salamat. Kain na” aya niya dito “Akina na muna si Xander” sabi ni Lara “Para maasikaso mo muna si Louie” nanunukso na sabi nito. “Ikaw talaga” sabi niya na inabot na din si Xander dito “Halika, Louie” aya niya dito sa may lamesa ng pagkain “Pasenya ka na at konti lang handa namin” paumanhin niya dito “Ayos lang yun, Ava. Salamat at inimbita mo ako” “Oo naman ikaw pa ba?” Sabi niya “Saka salamat pala sa mga lobo. Napagastos ka pa tuloy” nahihiyang sabi niya “Wala yon. Regalo ko yon kay Xander” Ngumiti na lang sya at inalalayan ito sa pagkuha ng pagkain at niyayang umupo sa may bakanteng table “Mga kids may munti tayong palaro, ok?” Sabi ni Lara na umagaw sa atensiyon nila Nagumpisa ang palaro para sa mga bata at halos mag alas otso na rin ng magpaalam ang huling bisita. “Tulungan na kita” sabi ni Louie ng makita na nagumpisa na siyang magligpit “Salamat” ang tanging nasabi niya “Nana Esme, si Xander po?” Tanong niya ng matapos sila magligpit at pumasok sa bahay “Asa kuwarto niyo na at tulog na” napatingin ito kay Louie “Magpapahinga na rin ako” paalam nito at umakyat na sa itaas “Sige po, Nana” aniya “Salamat ulit Louie” “Walang anuman, Ava. Magpapalam na din ako para makapahinga ka na” anito at hinatid na niya sa may gate. Nakapasok na siya sa loob ng marinig niyang may kumakatok sa gate lumabas siya ulit sa kaisipang bumalik si Louie. Pero nagulat siya kung sino ang nakatayo sa may labas ng gate. “Jason.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD