Chapter 4

498 Words
“Asan ka na Ava?” Hindi niya mapigilan ang sakit na nararamdaman habang naiisip niya ang mga nangyari. Tama nga ang Mommy niya kasalanan niya ang lahat ng ito. Kung binigyan sana niya ang sarili niya nuon nang panahon na kilalanin si Ava at hindi siya nagpadalos dalos ng desisyon sana magkasama pa rin sila pero nabulag siya ng akala niyang pagmamahal na mali pala. Hindi niya lubus maisip kung paano niya nakalimutan si Ava. Paano niya nagawang saktan siya ng ganon? Magsisi man siya ngayon pero wala na siya magagawa para mabago pa ang nakaraan. Tanging magagawa niya ay ang magintay at umasa na pag nagkita sila muli ay mapatawad siya nito. Katok sa pintuan ang pumutol sa malalim niyang pagiisip. “Pasok” Sumilip si Manang sa may pinto “Asa ibaba na si Mark. Paakyatin ko na ba?” “Opo, Manang. Salamat” mayamaya ay pumasok na rin si Mark “Bro” pumasok si Mark na kaibigan niya na may sariling security and investigation company at umupo sa upuan na nasa harap ng lamesa niya “May balita na ba?” Tanung niya agad dito na umaasang may dala itong magandang balita “Natrace ko na sa bus station siya huling nakita. Pero hindi pa malinaw kung sumakay ba siya ng bus o kung paano ba siya umalis sa station.” anito na inabot sa kanya ang kuha ng CCTV “Ni rereview kong mabuti ang mga CCTV at baka meron na miss na detalye” Nanlumo siya sa narinig. Tinignan niya ang litrato at si Ava nga talaga ang nasa litrato. “Saan kaya siya pupunta ng mga oras na iyon? Wala na siyang ibang kamaganak” nagaalalang sabi niya “Wag ka magalala Bro. Gagawin ko lahat para mkita si Ava. Hindi ako titigil hanggat hindi siya nakikita” anito “Salamat, Bro” “Nga pala. May tanong lang ako. Anu pala balak mo kay Chloe?” Napapikit ako at napahawak sa ulo “Hindi ko rin alam, Bro. Hinahanol habol pa rin niya ko.” Naiiling na lang n sabi niya “Lumabas na yong result ng annulment nyo last week di ba? Kaya nag announce na kayo ni Chloe ng engagement? Na televise pa yon. Hindi kaya napanuod yon ni Ava?” nagaalangang tanong nito “Oo nga pala. Sh*t, baka lalo magtago si Ava.” Napahilamos siya sa mukha niya at lalo pinanghinaan ng loob. “Hindi ko na alam gagawin ko Mark. Sobra akong nagaalala sa asawa ko” aniya na bumuntung hininga “Magiging maayos din ang lahat” sabi nito na tinapik pa siya sa balikat bago lumabas. “Umuwi ka na, babe. Asan ka man ngayon ay dasal ko na nasa maayus kang kalagayan. Hindi ako titigil hanggat hindi ka natatagpuan at nababalik sa tabi ko. At sa oras na makabalik ka, sisiguraduhin kong hinding hindi ka na malalayo sa akin. Mahal na mahal kita, Ava” Naluluha niyang bulong sa hangin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD