Magdadalawang taon na rin pala ng lisanin ko ang Baguio. Akala ko noon hindi na ako makakabangon pa pero nakaahon din ako at ngayon unti unti na nagiging maayos ang lahat. Ayoko na balikan pa ang masakit na parteng iyon ng aking buhay
“I will never marry someone like you. Your so plain and simple. It’s the biggest mistake marrying you and not chasing after Chloe. So please do us all the favor. Just signed the annulment papers and dissapear. I will pay a big amount. Just get lost.”
Mga salita na dumurog sa puso niya at sumira sa buong pagkatao niya. Pero hindi niya pinagsisihan ang desisyong ginawa niya. Tama na lumayo siya at iwanan ang buhay na iyon na hindi para sa kanya.
“Ava” ang tawag na iyon ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan” Kanina pa kita tinatawag ang lalim na naman ng iniisip mo” sabi ng kaibigan kong si Lara
“Pasensya na” hingi ko ng paumanhin dito “Anu nga ulit yon?”
“Sabi ko malapit na ang birthday ni Xander. Anu ba plano mo?”
“Munting salosalo lang Lara, tayo tayo lang naman”
“Sige, ako na ang bahala sa cake niya at hahanap ako ng sponsor para sa lobo” excited na sabi nito
“Salamat, Lara” naiiyak na sabi ko
“Wag ka umiyak sabi ko sa iyo kasama mo ako sa lahat ng oras”
Si Lara ang naging sandalan ko ng oras na wala akong makakapitan, sila ni Nanay Esme. Nakita nila ako nuon na nakaupo sa bus station ng Baguio nagiisip kung saan ako pupunta. Nang araw na iyon ay nahuli ko si Jason at Chloe na naghahalikan, halos matumba ako sa eksenang inabutan ko at imbes na magpaliwanag siya ay masasakit na salita ang sinabi niya.
Nang oras na iyon ko na realize na hindi niya talaga ko mahal or kahit minahal man lang. Lahat ng mga pinakita niya ay isa lang palang pagpapangap at pagkukunwari. Nagdesisyon na ko na pirmahan ang annulment at umalis sa bahay na iyon ng araw na iyon. At habang nagiisip at nakaupo sa may station duon ko nakilala ang maglolang sila Nanay Esme at Lara. Nakuha ko ang atensiyon nila ng mapahikbi dahil sa sakit na nararamdaman at mula nuon sila na ang naging pamilya ko lalo na ng malaman naming 3 buwan na kong buntis. Nagiisip pa ko kung ipapaalam ko pa ba sa kanya o hindi na. Pero nung kabuwanan ko ay napanuod ko ang engagement nila ni Chloe kaya nagdesisyon ako na huwag ng ipaalam sa kanya lalo na at mukhang masayang masaya silang dalawa. Kaya nagdesisyon akong palakihing magisa si Xander, ang aking baby boy. Siya lang ang nadala ko na alaala ni Jason. Siya ang nagbigay ng dahilan para muli akong umahon at lumaban sa buhay. Sa kanya ako humuhugot ng lakas sa araw araw.
“Naynay” tawag ng munting tinig na naglagay ng ngiti sa kanyang mga labi.