Chapter 2

547 Words
“Iho, I’m so sorry. Hindi ko alam kung asan si Ava.” Malungkot na sabi ni Mommy “Nabigla na lang ako ng sabihin mo na umalis na siya at ibigay mo ang annulment papers na pirmado na niya” “Saan ko siya hahanapin, Mom? Bakit hindi ninyo ko pinigilan sa mga ginagawa ko?” Naiiyak na sabi ko “At ikaw, Chloe” baling ko sa kanya “Ang kapal ng mukha mo” galit na galit na sabi ko. “Ho-hon.” Umiiyak na sabj nito “Sinamantala mo na wala ako sa tamang pagiisip para pasukin muli ang buhay ko at paalisin ang asawa ko. Anong klase kang tao? Alam na alam mo ang katotohanan pero pinili mo magsinungaling. Kapag may masamang nangyari kay Ava sisiguraduhin ko na mabubulok ka sa bilanguan” galit na galit na sabi ko “Bakit ako ang sisisihin mo sa nangyari?” Galit na sagot nito “ikaw ang naghabol sa akin Jason. Ikaw ang nagpaalis kay Ava, hindi ako. Kung merong may malaking kasalanan dito Ikaw yon at hindi ako. Kaya wag mo kong sisihin na hindi siya maalala ng puso mo nang makalimutan siya ng isip mo.” “Iha, kahit na may kasalanan ang anak ko. Mas malaki pa rin ang kasalanan mo dahil nanamantala ka. Alam mo yan sa sarili mo” sabi ni Mommy sa kanya “Ang mabuti pa ay umalis ka na at wag nang babalik pa.” “Mo-mom. Pati po ba kayo?” Naiiyak ba sabi ni Chloe “Wag mo kong tawaging Mom. Ikaw ang puno’t dulo ng problema na ito. Kung nakinig ka sa pakiusap ko na pabayaan ang magasawa wala sana tayo pare pareho sa ganitong sitwasyon. Pero hindi mo ginawa.” Sabi ni Mom “at ikaw Jason, may kasalanan ka rin. Kung nakinig ka rin sa akin nung mga panahon na iyon na pakisamahan muna si Ava at hayaang bumalik ang memorya mo hindi sana siya aalis.” Bumuntung hininga si Mom “Sana andito siya ng bumalik ang memorya mo. Kaso wala naman mangyayari kahit magsisihan pa tayo.” Tumayo si Chloe at nagmadali nang lumabas ng bahay. “Manang Lea, ano po ba natatadaan niyo ng araw na umalis si Ava” tanong ni mom sa kanya. “Pinuntahan niya ko sa kuwarto at inabot ang envelope. Nagbilin na ibigay kay Jason at nagpaalam na aalis na siya” “Wala ba siyang sinabi na iba, Manang?” Umaasa na tanong ko “Na kung saan siya pupunta? Sinong kasama niya? Baka nagiwan siya ng number na pede siya kontakin” frustrated na sabi niya dito. “Pasensya ka na iho. Wala siyang iba sinabi kundi iyon lang” naiiyak na sabi nito “Asan na kaya si Ava?” “Mom, kailangan mahanap natin ang asawa ko. Baka ano na nangyari sa kanya” napatayo ako lumapit sa may bintana. “Wala na siyang kamaganak at ulila nang lubos. Wala siyang ibang mapupuntahan” nagaalala na sabi ko. Napasabunot na lang ako sa buhok ko at dinikit ang noo ko sa may salaming bintana “Hahanapin natin siya, Jason. Wag ka magalala” pangaalo sa akin ni Mom “Sana nga, Mom. Sana nga” napapikit na lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD