
Ang gusto lamang ni Anna ay magkaroon ng maayos na buhay. Buhay na hindi niya na kailangang magpaka-kuba sa labindalawang oras na trabaho bilang isang factory worker at paghustohin ang kakarampot na sahod.Paulit-ulit na ganap na pinagsasawaan na ni Anna, bagaman wala siyang ibang pagpipilian. Subalit, paano kung dumating ang isang pagkakataon upang mabago niya ang kanyang kapalaran?
