Nang mag ring ang bell ay nilingon niya ang babae sa tabi niya tumayo ito at umalis na pinanindigan talaga nito ang hindi paghingi ng tawad sakanya. Napapailing nalang siya sa inaakto ng babae meron parin palang babaeng hindi magkakagusto sa kagwapuhan niya? Saka parang malaki ang galit nito sa gaya niyang may kaya sa buhay? Dahil sa sinabi nitong mayamang mayabang hindi naman siya mayabang nainis lang siya sa inasta nito sakanya kaya sinungitan niya ito. Saka parang hindi rin ito nabibilang sa elite family? Dahil sa itsura nito kanina ay ito na ata ang may pinakapangit na porma at ang mga gamit nito ay walang tatak kahit man lang sana yung maliliit na pangalan ng brand mukha ngang sa palengke lang nito binili ang mga gamit nito or mas tamang use clothes. Alam niya ang mga salitang iyon kahit ni minsan ay hindi pa siya nakakapunta o nakakita ng mga yun alam niya lang ang mga salitang iyon dahil sa isang babaeng kaibigan niya na nakilala niya sa pamamagitan ng chat. Hindi niya alam ang mukha nito dahil tawag lang ang ginagawa nila napagkasunduan nilang hanggang ganun lang ang set-up nila para pag ayaw na nilang magusap atleast hindi sila parehas na masasaktan. Dahil hindi naman nila kilala ang isat isat siguro makikilala lang niya ang babae kung maririnig niya ang tawa at iyak nito kasi heto naman lagi naririnig niya pag tinatawagan siya nito iiyak o tawa ng tawa habang ngkwekwento samantalang siya ay nakikinig lang. Kinakantahan niya ang dalaga sa tuwing malungkot ito kinakanta niya ang mga paborito nitong kanta naging magkaibigan sila sa loob ng tatlong taon na hindi kilala ang isat isa. Pinangalanan niya ang dalaga ng Lady Tiger samantalang ang pinalanganan naman siya ng dalaga ng my Hamster. Lumingon siya sa gawi ng bintana pagtingin niya sa may garden ay nakita niya si Namjin duon na nakaupo habang nakasandal ang likod sa malaking puno. Nakapikit ito habang nakakabit sa tenga nito ang headset nito. Nakikinig siguro ito ng kanta? dahil nakikita pa niyang bumubuka ang bibig nito sinasabayan nito ang anu mang pinapakinggan nito. Hindi na niya namalayan na naaliw na pala siya sa panunuod dito napapangiti pa siya sa tuwing makikita niya itong parang bibirit umabot pa ng ilang minuto ay pinapanuod niya parin ito pero bigla siyang yumuko ng biglang magmulat ng mata ang dalaga at tumingin sa gawi niya. Gumapang siya palayo sa bintana napahinto lang siya ng may tumapat na dalawang paa sa harapan niya tumaas naman ang mukha niya upang tiganan kung sino ito. Anu ginagawa mu kuya bat ka gumagapang sa sahig? tanung sakanya ni JM. Agad naman siyang napatayo at nagkunwaring nagiinat. Nangunot ang nuo ni JM, may tinataguan ka ba kasi parang galing ka sa may bintana eh? At agad naman itong lumakad papunta sa gawi ng bintana agad naman niyang hinarangan ito bago pa makalapit sa bintana. Wala akong tinataguan nadapa lang ako kaya ako gumagapang pagsisinungaling niya sa kapatid. We di nga! bakit mu ko hinaharangan kung wala kang tinatago takot ka bang makita ko kung sinu man ang tinitignan mo diyan sa may bintana? Wla nga sabi umalis ka na nga, at saka bakit nandito ka anung kailangan mo sakin? Sabay tulak niya dito palabas ng class room. Nililingon parin nito ang bintana sabay may paghihinala itong tumingin sakanya. Makikita ko din yung tinatago mo hahahahaha sagot nito sabay alis sa harapan niya nakahinga naman siya ng maluwag nang makaalis na ang kapatid.
Papunta na sana sa susunod na klase si JM ng mapansin niyang may gumagapang sa loob ng classroom na dinaanan niya. Lalagpasan na sana niya ito pero nakilala niya kung sino ito kaya naman agad siyang pumasok at tumapat sa harapan nito. Agad naman nag-angat ng mukha ang kanyang kuya ng makita siya nagtataka siya kung bakit gumagapang ito samantalang napakaluwang naman ng mga upuan. Ng tignan niya kung san ito galing ay sa may bintana kaya naman nagtataka siyang lumapit sa bintana ngunit pinigilan siya ng kanyang kuya may tinataguan talaga ito at parang alam na niya kung anu yun. Pinagtulakan na siya palabas kaya naman tawang tawa nalang siya sa reaction ng kuya niya. Nakangiti parin siya habang naglalakad ng makasalubong pa niya ang dalawang kapatid na sina Tae at JK. Oh anung tinatawa tawa mu diyan kuya? tanung sakanya ni Jk. Agad naman siyang nag kwento sa mga kapatid tungkol sa nasaksihan niya kanina sa kuya nila pati ang mga ito ay naintriga na din sa tinataguan ng kuya nila tawa sila ng tawa habang paulit ulit na dinedemo niya ang paggapang ng kanilang kuya. Sa tingin niyo babae kaya yun? sabi ni Tae sa dalawa bigla naman silang napaisip sa sinabi nito napahawak pa sila sa kanya kanyang mga baba at nagangat baba ang kanilang ulo. Sa tingin ko kailangan ng gumana ang pagiging detective conan natin? Unang araw palang may napupusuhan na ang panganay natin, baka sa susunod na araw magugulat nalang tayo may iuuwi na siyang babae sa bahay? Sabi ni JK agad naman siyang binatukan ng dalawang nakakatandang kapatid baliw baka ikaw yun sabay nilang sagot dito. Sabay tawa na naman nilang tatlo sige na mahuhuli na ako kailangan ko nang umalis magsipasok na din kayong dalawa lagot kayo kay Rm pag nalaman niyang unang araw niyo palang may ginagawa na kayung kalokohan. Opo kuya sige na pangungulit pa ng dalawa sakanya tinapik pa ng huli ang pwetan niya. Dumaretso na nga siya sa kanyang class room nang makaupo ay napaisip siya sa sinabi ni Tae. Pano nga kaya kung babae ang tinatago ng kanilang kuya pero imposeble kapapasok palang nila imposibleng may nakilala na ito agad na babae? Lalo na at may order na bawal silang lapitan. Naisipan niyang tignan ang bintana nang kanyang class room baka sakaling magkaroon siya ng hint kung anu ang tinitignan ng kuya sa labas. Nakita niya na mula sa labas ay isang malawak na outside basketball court at sa tabi nito ay isang garden na pwedeng tambayan ng mga studyante kung susumahin ang pwesto niya sa pwesto ng classroom ng kuya niya ay mas malapit ang Garden dito sakanya. Anu nga kaya ang tinitignan niya sa labas? Pupuntahan ko mamaya at titignan ko kung anung parte ng garden ang katapat ng classroom nito sabagay kung babae man iyon ay masaya ako kasi ngayun lang ito makakapansin ng babae. Ni minsan ay hindi pa niya nakita oh narinig ito na bumanggit ng tungkol sa isang babae pero alam kong may katwagan siya ng nagngangalang Lady Tiger dahil nakita ko ito minsan nang pumasok ako sa kwarto niya at sakto namang tumawag ang nagngangalang Lady Tiger.