Nakapikit siya habang nakasandal sa kanyang upuan nakikinig siya sa mga paborito niyang kanta wala pa naman ang propesor nila kaya malaya pa siyang gawin ang nais niyang gawin. At alam niya na hindi pa sila magsisimula ngayun na mag klase magpapakilala muna sila sa bawat isa. Ang gwapo talaga ni Jin no? sayang nga lang hindi natin siya pwedeng makausap at malapitan sabagay mas gugustuhin ko nalang na makita siya sa malayuan kaysa hindi ko na talaga siya makita pa. Sinabi mo pa pwede naman tayong magpacute kahit nasa malayo siya makikita naman niya tayo para saan pa ang jinatik na binuo natin kung hindi niya tayo mapapansin. Kinikilig na sabi ng mga babae na nasa ikalimang baitang na upuan. Kung titignan ang mga itsura ng mga ito ay may gusto ang mga ito sa binata lalo na yung naka hair band ng pink at makikita mo din sa itsura ng mga ito na mayayaman dahil sa mga suot nila ang branded na damit at malalaking pangalan ng luxury bags.Unti unti nang napupuno ang classroom nila dahil malapit na din magsimula ang klase nila five minutes nalang ang inaantay. Nang pumasok na ang professor nila ay umayos na ng upo si Jin nagtaka naman siya kung bakit wala siyang katabi samantalang may bakante naman upuan sakanyang tabi. Medyo inamoy pa niya ang kanyang sarili dahil baka mabaho siya kaya walang may gustong tumabi sakanya pero hindi naman ang bango nga niya at kung sa kapogihan siya naman ang talagang pinaka pogi sa lahat. Pinagkibit balikat nalang niya ito, isa isa na silang tinawag ng kanilang Prof. upang mag pakilala bumaba na siya ng pangalan na niya ang tinawag. Pumunta naman siya sa gitna upang ipakilala ang sarili hi I'm Kim Seok Jin 28 yrs. and I describe my self being the most hundsome thank you. Nagtilian pa ang mga kababaihan sa loob ng klase agad naman siyang umakyat at bumalik sa kanyang kinauupuan. Ngunit bago pa siya makaupo ay may bumangga sakanyang likuran at kamuntikan na siyang mapasubsub kung hindi lang niya naagapan naitukod niya ang kanyang mga kamay sa bintana para hindi siya tuluyang matumba. Nung lingunin niya kung sino ang tumulak sakanya ay wala na ito nasa baba na ito at nagpapakilala tinignan niya ito ng masama tsk Pangit na nga style ng pananamit ang gulo gulo pa ng buhok nito parang hindi nagsuklay ng isang linggo. Narinig niyang Namjin ang pangalan ng babae malawak ang ngiti nito habang ngpapakilala sa lahat ng matapos ay umakyat na ito sa pwesto nila. Inantay niya kung mag-sosorry ang babae pero wala siyang narinig dumaretso lang ito ng upo. Nilingon niya ang dalaga. Hoy babaeng pangit hindi ka man lang magsosorry sa ginawa mu sakin? Abat sinung tinawag mung pangit ako? bulong nito sakanya. Oo sinu pa nga ba ikaw lang naman katabi ko? Mas pangit ka sagot naman nito hindi porket sikat ka at anak ka ng mayari nitong skwelahan na to akala mo hindi na kita papatulan mayamang mayabang sabay iba nito ng pusisyon upang talikuran na siya. Abat iba ka ding babae ka no?kaw na nga may atraso ikaw pang matapang humanda ka sakin markado ka na. Ngumisi ng palihim si Namjin sa narinig niyang markado na daw siya ng binata akala niya siguro matatakot siya nito para saan pa na tinagurian siyang the lady tiger kung matatakot siya dito. Lalo pa niyang aasarin ito sa mga susunod na araw ito ang nababagay sakanilang mga mayayabang na mayayaman mga walang silbi sa lipunan ang alam lang ay magpakasasa sa yaman ng magulang bilhin ang nais nilang bilhin kahit hindi naman kailangan. Hindi nalang ibigay sa ibang tao na nangangailangan ng tulong kilala niya ang binata dahil lagi silang laman ng balita at social media sa mga naririnig ay mababait ang mga ito ngunit hindi siya naniniwala. Baka palabas lang ang mga iyon dahil nasa harap sila ng camera syempre para na din maprotektahan nila ang pangalan nila lalo na ang apelyido nila. At sa ngayun sa inakto ng binata sakanya ay napatutuhanan niyang pawang mga kasinungalingan lang ang mga nakikita nila sa labas ng kamera. Hindi niya masisi ang sarili na magalit sa mga anak ng mayayamang tao karamihan kasi sa mga dito ay mapangmata lalo siyang nagalit sa mga lalakeng gaya ni Jin ng masaksihan niya ang ginawa ng mga ito sa nagiisang kaibigan niya sa skwelahan nung high school siya. Hindi ito nakaaangat sa buhay isa lang itong scholar sa pinapasukan niyang paaralan mabait ito at nakapalagayan niya ng loob lagi silang magkasama ngunit isang araw bigla nalang itong nagiba ng ugali iniiwasan na siya nito at hanggang maari ay ayaw na siya kausapin nito. Sinundan niya ito ng palihim upang malaman kung bakit nagbago ang pakikitungo nito sakanya dun niya nalaman na isa sa mga pinakamayang lalake sa campus ay linoko siya pinaibig nito ang kaibigan at ng mapaibig ay kinuha nito ang pinakaiingatan nilang babae pagkakuha ng pinakakaingatang dangal ng kaibigan ay basta nalang nito ito iniwan. At ang masaklap ay ginawan niya ito ng video kaya naman awang awa siya sa kaibigan nuon wala siyang magawa upang matulungan ito dahil mas mataas ang antas nga lalakeng iyon sakanya. Hindi pumayag ang mga magulang niya na tulungan ang kaibigan dahil manganganib ang kanilang kompanya. Hanggang sa dumating ang araw na nalaman nalang niyang nagpakamatay daw ang kaisa isa niyang kaibigan na dipress siya ng isang taon dahil sinisisi niya ang sarili sa pagkawala ng kaibigan. Hanggang sa dumating ang naman sa buhay niya ang isang ka chat niya na hanggang ngayun ay hindi pa niya kilala mabait ito sa tuwing malungkot siya ay ito ang tinatawagan niya upang makausap at mapagsabihan ng problema niya. Lagi naman nito pinagagaan ang kanyang kalooban sa pamamagitan ng pagkanta nito ng mga paborito niyang kanta kahit hindi niya nakikita ang kaibigan ay alam niyang lalake ito dahil sa bose nito sa tuwing kakantahan siya makikilala niya ito kung kakantahin nito ang mga pinapakanta niya dito. Yun lang ang masisigurado niya sa ngayun bumalik siya sa kasalukuyan ng mag ring ang kanilang bell hudyat na tapos na ang kanilang klase agad siyang tumayo at umalis pupunta siya sa garden at dun muna tatambay para antayin ang kanyang susunod na klase.