Chapter 1

1785 Words
“YOU are fired!” Napaigtad ako sa lakas ng boses ng Boss kong kalbo. “Pero Sir—“ “Tahimik! 'Wag kanang gumawa pa ng rason!” “Sir Diego totoo naman po iyon e!” “Miss Suarez! Kilala mo ba ang binangga mo?! Jusko sakit ka sa ulo.” Napahawak pa ito sa sintido na akala mo eh sumasakit talaga. “Sir! Hindi niyo po ako p'wedeng tanggalin.” “Kaya ko! Kaya labas! YOU’RE FIRED!!!” Napilitan akong umalis sa loob ng opisina niya at tumungo sa table ko. Agad kong niligpit ang aking mga gamit habang nagmamaktol. “Malas! Kainis!” Lumabas ako ng building na dala-dala ang isang maliit na kahon na naglalaman ng mga gamit ko. Bakit nga ba kasi ako natanggal? “What the hell Ms. Suarez?!” Sigaw ng boss kong kalbo sa'kin. Tinuhod ko lang naman sa bayag iyong isang board member na nambastos sa'kin. “Sir! Binastos niya po ako!” “Binastos? Pwede ba Miss Suarez si Mr. Galvez ay isang matinong tao!” Namumula na ang tenga ni Sir sa galit sa akin. “Matino? Eh tinampal niya ‘yong pwet ko Sir! Tinampal!” “Out! We will talk after ng meeting.” “Bwisit na manyakis! Napahamak tuloy ako!” Habang papunta sa sakayan ng mga bus ay bigla namang umulan nang malakas. Ganoon ba ako kasuwail na anak para parusahan? Basang-basa na ako pero wala akong paki alam. Tutal ang malas ko naman ngayong araw kaya ibuhos niyo na sa akin. Sa kalagitnaan ng mala dramatic scene ko ay bigla na lang may humarurot na sasakyan na dahilan kung bakit hindi lang ako basa. Puro putik na rin! Mangiyak-ngiyak akong pinupunasan ang putik sa damit ko pero mas lalo lang dumadami. “Nagbibiro lang naman po ako? Ba’t nagkatotoo agad?” Dahil sa sobrang frustration ko ay umupo muna ako sa gilid ng daan at hinayaang mabasa ng ulan. Ang sarap lang kumanta ng ‘Heto ako ngayon! Nag-iisa. Naglalakbay sa gitna ng ulan' “Ang malas na araw! Ano pa ba ang kamalasan ko ngayon?” Pagkatapos magdrama ay nagpatuloy na ako sa paglalakad nang mapansin kong may sumusunod sa akin. “Diyos ko! Ano ba naman ‘tong araw na ito? Mukhang katapusan ko na ata.” Kumakabog na ang puso ko sa sobrang kaba kaya binilisan ko ang bawat hakbang ko. “Miss!” “s**t!” Tumakbo na ako pero laking gulat ko nang biglang may humaklit ng aking braso. “Tatakbo pa eh. ‘Wag ka mag alala Miss,” nakangiting asong sabi ng lalaki. “K-kuya ano.. Ahmm.. Hoholdapin niyo p-po ba ako? K-kasi Kuya wala akong pera. Kakatanggal lang sa'kin sa t-trabaho.” “Ano bayan! ‘Di bale mukhang sexy ka naman.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng lalaki. Diyos ko po! Sana may tumulong sa akin. Ayoko pa isuko ang Bataan ko. Rereypin pa ata ang mura kong katawan. “’Wag po.. Ahmm. K-kuya may A-AIDS ako.. Oo tama! Naku Kuya pakawalan niyo na po ako.” “Miss. Hindi na uso sa akin ‘yan” Napasigaw ako nang kinaladkad na ako ng lalaki sa kung saan. Lahat na ata ng Santo tinawag ko na iligtas lang ako. Mamatay na ba ako? Patuloy lang ako sa pagsigaw nang biglang naramdaman ko ang pagkalas ng kamay sa braso ko. “Ayy!” Tili ko nang makita kung pa'no suntukin ng gwapong lalaki yung rapist. Teka! Gwapo? Unti-unting humarap sa akin ang knight in shining wet raindrops ko. “Are you okay?” Tumibok bigla ang puso ko. Yung mabilis na mabilis. Ito na ba ang love at first sight? Laglag panga akong tumango sa tanong niya. s**t! Swerte ko pala ngayon? Nawalan ng trabaho pero nagkaroon ng forever? Ang pogi niya naman. Basang basa na rin ito dahil sa ulan. Bakat na bakat ang namimintog na muscles niya sa loob ng white longsleeves polo na naka fold hanggang siko. Ang hot putanes. “Are you sure?” Isang tango ulit ang sagot ko. Naka kunot ang noo nitong pinagmamasdan ako. Yung ilong niyang matangos at jawline na pak na pak! Pati labi mapula! Hindi naman siguro bakla ‘to? Lumapit siya sa'kin at bahagya nitong sinuklay ang sariling buhok gamit ang kamay. Napalunok ako sa tanawin na nakikita ko. Anong gagawin ko? Magte-thank you ba ako? Sa sobrang kaba ko ay nagpanggap akong hinimatay. Bahala na! “s**t!” Sigaw ni kuyang pogi na nasalo ako. Oh la la! Ang bango niya! Habang nakapikit ay ramdam ko ang pagpasok niya sa akin sa loob ng sasakyan. Nakahiga ata ako sa backseat base sa nararamdaman ko. Bago umandar ang sasakyan ay naramdaman ko ang telang bumalot sa akin. Baka jacket? Dahil sa bango ng jacket, pagod, takot at frustration ay tuluyan na akong hinihila ng antok. Salamat kay Knight in Shining wet raindrops sa pagligtas sa akin ngayong gabi. Naalimpungatan ako nang maramdaman kong tumutunog na ang sikmura ko. Kanina pa ata ako hindi kumain. Nakakalungkot. Buti na lang nakauwi pa ako ng--. Teka! Nakauwi? Napabangon ako bigla at agad rumehistro sa utak ko na hindi nga pala ako nakauwi. Pucha! Binahay ako ni pogi! ‘De joke lang. Teka? Nasaan ba ako? Habang nag iisip ay unti unting nanlaki ang mata ko at napatingin sa aking sarili. Nakasuot na ako ng puting T-shirt at boxer ata ‘to. Oh my gosh! May nangyari sa amin? s**t! s**t! Nagsex kami? Ba't hindi ko matandaan? Masarap ba? Masakit? Gaano kalaki? Este kasakit pala? Ginalaw galaw ko ang balakang ko para maramdaman kung may masakit. Pero parang wala naman? Tumayo na ako at ginalaw galaw ang bewang ko muli. Parang hindi ako kumbinsido eh. Hindi naman sa gusto ko may mangyari, medyo lang naman. Ah basta! I want to make sure na bou pa ako at birhen. Habang gumagalaw ga— “What are you doing?” Agad akong napatuwid ng tayo at nagkunwaring nag e-stretching. Humarap ako sa kaniya at muling tumalikod sa nakita. Naka topless si koya! “Diosmio! Pogi magdamit ka naman! Oh my gosh! Holy water to my eyes! My sinful eyes!” “Tss. Fix yourself and join me for breakfast.” Agad akong napaharap sa kaniya at linapitan. Dinuro ko pa ang naked chest niya. Shet! Ang tigas ng muscles! Extra chansing! Yung virgin finger ko! Shet! “You!.. You.. Ikaw! Ba't mo ako dinala dito!” Napatingala ako sa kaniya at nakitang nakatitig siya sa daliri kong nakaturo sa chest niya. “Get off your finger. You don't like it when my finger work.” Agad kong inalis ang daliri ko at tinago sa likod. Anak ng tokwa't baboy! Anong klaseng finger work ‘yon? Naku naman talaga! “N-nasaan ang finger ko- este damit ko pala!” Ngumisi lang ang hinayupak na poging may matigas na finger- este chest ay puso pala. Matigas na puso. Diosmio marimar! My brain! My innocent brain! “At the bathroom.” Agad kong tinungo ang bathroom at nakita ang mga damit kong nakasampay. Tuyo na ito at pwede ko ng soutin ulit. Nag init ang pisngi ko nang makita ko ang panty at bra ko na naka sampay din. “Pucha ng ten times! Binihisan niya ba ako?” “Yup.” Nagkukumahog akong takpan ang kahubdan ko dahil maliligo nga muna ako dapat bago umalis. Nakangisi ang hinayupak na nakahamba sa pinto. “Kung binihisan mo ako ibig sabihin. Nakita mo? Nakita mo lahat ng.. Lahat ng akin!” pasigaw na sabi ko sa kaniya. “You have nothing to hide Miss?” “Aira.. Aira Janine Suarez ang pangalan ko.” Tumango ito at nagsalita muli. “So, as what I've said Aira. You have nothing to hide. Your breast are flat. Not my type.” Pagkatapos sabihin nito ang mga salitang iyon ay agad itong tumalikod at lumabas ng bathroom. Aba't! Napakabastos naman talaga ng hinayupak na iyon! Bwisit siya! Padabog akong nag patuloy sa pag ligo. Matapos akong mag ayos ng sarili ay lumabas na ako at hinanap ang lalaki. Pwede naman mag thank you diba? Tsaka… Pucha na naman ulit! ‘Yong bag ko naiwan sa kalye kagabi?! Wala akong pera pamasahe pauwe. Pati cellphone ko?! Habang kumakain ay panaka-naka ko siyang tinitingnan. Nakadamit na ito at tahimik na ngumunguya ng pagkain. Pati ba naman pag nguya ang sexy parin? Unfair naman! “Quit staring..” Nabuga ko ang tubig na ininom ko dahil sa gulat. Shingina! Nakikita niya ba ako? Nakangisi lang ang lalaki sa harap ko. “Hindi ka ba natatakot sa’kin?” “Hindi. Kasi kung masamang tao ka hindi mo ako ililigtas do’n sa rapist.” Ngisi lang ang sinagot niya sa akin at nagpatuloy sa pagkain. Matapos kumain ay niligpit ko ang mga pinggan pero pinigilan niya ako. “Stop that Miss Suarez. “ Napatango na lang ako at sumunod sa kaniya papunta sa living room. Nakaupo ito sa couch at naka de-kwatro ang paa. Tumingala siya sa akin at nagtaas ng kilay. “What are you waiting for? Leave now. Pinakain na kita at pinatulog.” Pinaglihi ba ‘tong lalaking ito sa sama ng loob? Ang aga aga nakasimangot eh. Tumayo ito kaya napatingala ako sa kaniya. Grabe ang tangkad. Hanggang collarbone lang ako eh. “Wala akong pamasahe. Pautang kahit isang daan.” Agad naman itong nag abot ng limang daan sa akin. Rich kid mga bes! “Now, get lost.” “Anong pangngalan mo?” tanong ko habang nakahawak sa door knob. “Lex Nicolai Ybañez.” Bago pa ako makapag react ay inilang hakbang niya ang kinaroroonan ko at hinablot ang braso ko paharap sa kaniya. Kumakabog ang dibdib ko nang sobrang lakas. Lalabas na si heart sa ribcage ko! “A-anong gagawin mo—.” Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ko ang lambot ng labi niya sa labi ko. Mulat na mulat ako habang nakapikit naman siya. Oh holy mother of cows! He kissed me! “Your lips taste like honey.” Naestatwa ako at nag init ang pisngi matapos ang ilang segundong halik. Agad akong humiwalay sa kaniya at tumakbo palabas ng condo niya. Langya! Ang sarap ng labi niya! s**t! First kiss ko ‘yon mga bes! Sumakay ako ng bus pauwi sa bahay namin. Hay naku! Aira Janine! Siraulo ka talaga! Biglang pumintig ang ulo ko kaya ipinikit ko na lang ang aking mga mata habang inaantay na mawala ang sakit. “Lex Nicolai Ybañez..”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD