bc

Eternal Promise

book_age18+
959
FOLLOW
2.3K
READ
possessive
powerful
drama
sweet
bxg
serious
bold
first love
secrets
seductive
like
intro-logo
Blurb

He forget.

She can't remember.

How can a promise of forever buried in the past?

Will they remember their promises or will they ignore the sudden familiarity every time they bump into each other.

Aira Janine Suarez loves her family so bad. Pero paano kung ang pamilyang inakala niya ay isa pa lang kasinungalingan? Paano kung ang mga taong pinoprotektahan niya ay siya palang puno't dulo ng mga problema niya?

Lex Nicolai Ybañez runs his life like a king. Why not? He got the looks, money and power which every woman could dream of. Ngunit sa isang pangakong siya mismo ang nagbitaw ay mababago ang buhay niya. Kakayanin niya kayang labanan ang umuusbong damdamin sa isang estranghera na pamilyar ang kulay tsokolateng mata?

"Love is the most dangerous thing on earth. But I'm willing to take the risk if it means claiming you forever." - Lex Nicolai Ybañez

chap-preview
Free preview
Prologue
"N-NICO! Tulungan mo ako!" Umiiyak ako habang naka kapit sa sanga ng puno. Hindi ko alam kung paano ako naka akyat dito. "Ayang! Anong ginagawa mo diyan?!" Yumuko ako para pagmasdan si Nico na naka tingala sa akin. Punong-puno ng pag-aalala ang gwapo nitong mukha. "N-nico hindi ako makababa!" Iyak lang ako nang iyak. "Bitaw na Ayang! I'll catch you!" Dahil sa likot ko ay bigla na lang naputol ang sanga ng puno dahilan para malaglag ako. Abot langit ang kaba ko pero agad ding nawala nang maramdaman ko ang pagkasalo sa akin. "I got you! Hush now.." Napayakap ako kay Nico habang sumisinghot. "Salamat Nico.." "You're always in trouble. And I'm not always here to help you," malamig na sabi ni Nico sa akin. Tumayo na ito at pinagpagan ang damit niya. Tumayo na rin ako at ginaya ang ginawa niya. Tinitigan niya muna ako bago tumalikod at umalis. Sumunod ako dahil gusto ko pa sana siyang makausap ng mas matagal. Ang bata kong puso ay pag-aari na ni Nico. Kaniya lang. "Ayang! Stop following me!" Napaigtad ako sa sigaw ni Nico sa akin. Napahinto ako at napahawak sa dulo ng damit ko at yumuko. Kumakabog ang puso ko sa sigaw niya. Pakiramdam ko mauupos ako na para bang isang kandila. "N-nico m-may i-ibibigay ako s-sa'yo?" Humarap siya sa'kin na nakakunot noo. Halos magdikit na ang makapal niyang kilay. Namumula din ang pisngi niya sa init ng araw. "What is it?" sagot nito sa wikang banyaga. Marahas akong napatingala sa kaniya. Nanatiling kunot ang noo nito na nakatingin sa akin. Sixteen years old pa lang siya pero ang tangkad na niya samantalang eleven lang ako pero maliit. Nagniningning ang mata ko sa galak. Habang kinukuha ang maliit na kahon na nasa bulsa ko. "Ha? Ah E-eto oh" "Lex! Come here!" Sabay kaming napalingon sa tumawag sa kaniya. Si kuya Levi pala, pinsan nila Nico. Kumakaway ito at napakalaki ng ngiti. Biglang kinuha ni Nico yung nasa kamay ko at biglang umalis. Walang lingon-lingon itong naglakad papunta sa tumawag sa kaniyang pangalan. Napahawak ako sa palad ko na nadampian ng kamay niya. Niyakap ko ang sarili ko at tumatalon-talon sa tuwa. Sino ba ang hindi? Si Nico ang pangarap ko. At balang araw magugustuhan niya rin ako. Pangako ko 'yan sa sarili ko. Itaga niyo pa sa bato. "Ayang! Pumanhik ka na dito!" "Opo!" Bago tuluyang umalis ay lumingon ako sa kinaroroonan niya. Naka tayo lang ito at tumatawa sa kung anong sinasabi ni kuya Levi. Napaka perpekto niyang tingnan. Nakakatulala ang kaniyang kagandahang lalaki. Sa edad na labing anim ay muka na itong binatang binata. Kaya madami ang mga taga ibang bayan ang nahuhumaling sa kaniya. "Balang araw magiging akin ka.." Pangako ko sa sarili ko. "Ayang!" "Andiyan na po!" --- "AYANG balita ko aalis na daw sila Nico." Napalingon ako sa kapitbahay namin na kasabay kong nag aaral. "Totoo ba 'yan?" Tango lang ang sagot niya sa'kin. Bigla akong tumakbo papunta sa Mansion ng mga Ybañez. Hingal na hingal ako nang marating ko ang gate at nakita ko agad ang pag lagay ng mga maleta sa sasakyan nila. "Kuya nandiyan po ba si Nico?" Tanong ko sa mamang nag lalagay ng maleta. "Ineng palabas na sila. Kalaro ka ba ni Sir Lex?" Sasagot pa sana ako nang marinig ko ang boses ng taong gustong-gusto ko makita. "Oh Ayang? 'Bat nandito ka?" Tanong ni kuya Levi. Napatingin ako kay Nico na nakatingin sa akin ng walang gana. Bakit parang 'di siya nalulungkot? "G-gusto ko lang. M-magpaalam." "Ah. Sige usap muna kayo ni Lex. Sa kotse na ako Lex, " paalam ni kuya Levi. Tango lang ang sagot ni Nico sa kaniyang pinsan. Nanatili lang akong nakayuko pag-alis ni Kuya Levi. Naiiyak ako dahil aalis na siya. Babalik pa naman siya diba? Magkikita pa naman kami 'diba? Pa'no kung makakita siya ng iba do'n sa Maynila? "Stop crying. Ang pangit mo," walang ganang sabi ni Nico. Hindi ko napansin na umiiyak na pala ako. Pinunasan ko ang luha ko gamit ang likod ng aking palad  at suminghot. Nalulungkot ako at aalis na siya. "M-magiingat ka N-nico," nahihiyang sagot ko. Tumingin ako sa kaniya at laking gulat ko nang ngumiti siya sa akin. Naglakad na siya paalis at akmang lalampasan ako nang bigla siyang nagsalita. "Pag laki mo. Akin ka na.." Nanlaki ang mga mata ko at napanganga sa narinig ko. Napalingon ako sa kaniya. Nakatalikod siya at naka taas ang kanang kamay na may hawak na parang tali na may pendant na singing. Natulala ako dahil ang singsing na iyon. Iyon ang binigay ko sa kaniya. Nabili ko iyon sa bayan. Mumurahin lang iyon at tiyak na magbabago ang kulay sa pag daan ng panahon. "You heard me?" Lumingon ito nang bahagya. "So grow up fast and prove yourself to me." Ngunit bago pa man ako makasagot ay nagpatuloy na ito sa paglalakad. "Promise ba iyon Nico! Na magiging sa'yo ako paglaki ko!" pasigaw na tanong ko. Ngumiti lang ito at binigkas ang salitang 'I promise' ng walang boses. Umandar na ang sasakyan nila. Naiwan ako na umiiyak at umaasa. Oo, umaasa ako dahil binigyan niya ako ng dahilan. Kumaway ako sa sasakyang pawala nang pawala sa paningin ko. "Nico..."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
73.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
95.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.6K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook