Nagising ako dahil sa marahang tapik sa pisngi ko. Unti unti kong minulat ang mata ko at nagisnan ang isang lalaking hindi ko kilala. Kulay asul ang mga mata nitong pinagmamasdan ang mukha ko. Base sa facial features nito ay malamang nasa mid twenties lang siya. Nakaupo ako sa gitna ng isang malaking kama at nakaposas sa headboard ang mga kamay. Nangangalay na ako dahil hindi ako makagalaw ng maayos. Lumapit ang lalaki sa akin at piniga ang pisngi ko. Nakatitig lang ito sa akin ng mataman at ginalaw ang mukha ko pa kaliwa’t kanan. Para itong may hinahanap na kung ano. Ngumis ito at nagsalita. “Aira Cyrine Buenavides..” Saad nito sa slang na ingles. Napahikbi ako dahil sa takot. Kumakabog din sa kaba ang puso ko. Nakabusal ang labi ko kaya puro impit na sigaw lang ang nakakayanan kon

