“Minsan ikaw naman ang umintindi, matuto ka ring makinig sa kan'ya.” Napalingon ako sa nagsalita. It’s Eun. Tumakbo ako sa kaniya at yumakap ng mahigpit. Iyak ako nang iyak sa balikat niya at umaasang mawawala kahit kaunti ang sakit. “G-gusto ko siyang habulin, gusto ko sabihing joke lang, gusto ko sabihing ‘wag siyang umalis. Pero kasi Eun.. Naguguluhan ako. Ang daming bumabagabag sa’kin.” Naramdaman ko ang hagod niya sa likod ko. “Masakit makitang magmakaawa ang taong mahal mo sa’yo hindi ba? Pero masakit marinig na sumuko na siya, na bibitawan ka na niya..” Sagot ni Eun sa akin. Binitawan na ako ni Nico. Sumuko na siya sa’kin. Ang tanga tanga ko talaga. Kung sana lang hinarap ko yung problema na kasama siya. Minsan na nga lang swertehin sa buhay, sinayang ko pa. Patuloy ako sa

