“Girl tama na ‘yan!” Tinabig ko ang kamay ni Eunice na pumipigil sa akin. Nandito ako para uminom hindi para magpigil. “Eun hayaan mo nga ako!” Muli kong kinuha ang baso sa lamesa at inisang lagok ito. Naramdaman ko ang pag guhit ng pait sa lalamunan kaya napaubo agad ako. Tangina! Ang init naman no’n! “Gaga ka talaga! Ano? Okay pa lalamunan mo? Alam mo bang Tequila ‘yon?!” “Wala akong alam sa alak Eun.” Yumukyok ako sa lamesa at tumawa ng bahagya. Akalain mo nga naman oh? Umiinom ako para sa lalaking magulo ang utak. Sa lalaking niloko ako. Sa lalaking mahal ko. Uminit ang sulok ng mata ko at humikbi. Hinagod ni Eun ang likod ko at pinapatahan. “Ano bang nangyari?” Umangat ang ulo ko at yumakap sa kaniya. Iiyak ko ‘to lahat. Para bukas pag gising ko wala na. Tapos na at hind

