Chapter 1 - Ang Muling Pagbabalik
"Anong mayroon ngayon? Bakit parang ang saya ninyong lahat? Anong nangyayari? May maganda ba kayong balita ba?" naguguluhang tanong ni Minlei.
Ang mga miyembro ng kanilang samahan ay tila nagtaka sa sunud-sunod na tanong ni Minlei, ang kanilang pinaka-leader sa Vampire Hunter Clan.
"Ma'am Minlei, hindi ninyo pa po ba alam ang balita?" tanong ng isa nilang miyembro.
Nagkatinginan si Minlei at si Den na naguguluhan pa rin. Pareho silang walang ideya sa mga nangyayari.
Mas minabuti na lamang nila na pumunta sa basement para makakuha ng update kay Mr. Collin. Inihahanda na nila ang malaking pasabog nila laban sa mga bampira.
Halos maluha si Minlei nang mapansin at na-realize niya kung sino ang dalawang kasama ni Mr. Collin. Gulat siya at hindi makapaniwala na makikita niya ang inaakala niyang wala na. Ngayon ay nasa harapan na niya mismo ang mga ito.
"Anak? Minlei?" naluluhang sabi ng kahawig ng kaniyang ina.
Napansin ni Minlei na para bang aktong yayakapin siya ng babae.
Lalapit na sana ang babae sa kaniya pero agad siyang nagtago sa likod ni Den. Hindi niya kayang tanggapin na para lang siyajg niloloko ng mga ito at tanging binayaran lamang ng kaniyang kapatid ang dalawa. Alam niya na si Minari ang may pakanapakana ng lahat ng mga panggugulo sa kaniyang buhay.
"Lumayo kayo sa akin!" gigil na sigaw ni Minlei. "Patay na ang mga magulang ko. Hinding-hindi ninyo na ako maloloko. Alam kong kasabwat lang kayo ni Minari. Tantanan ninyo na ako, please lang!"
Hindi na niya gustong makita ang itsura ng kaniyang ina. Nasasaktan lang siya kapag naaalala niya kung paano makitang sunog ang bangkay ng kaniyang mga magulang. Sobrang sakit para sa kaniyang balikan ang mga pangyayaring nang nakaraan.
Imposible talagang mabuhay pa ang mga magulang ko sa trahedyang iyon. Kaya sino ba sila para lokohin ako nang ganito? Lalo lang lumala ang galit ni Minlei kay Minari.
"Minari, kami ito ng Daddy mo at buhay na buhay kami. Pasensiya na talaga kung kinakailangan naming magtago para sa kaligtasan namin. Alam naman namin na dapat nga nagpakita kami sa iyo. Natatakot lang kami na baka madamay ka kapag nakita ng mga kalaban na kasama mo kami at malaman na anak ka namin. Lahat ng mga kalabang sumusunod sa iyo ay pinapapatay namin para masiguradong ligtas ka. Kahit ipa-DNA test mo pa sa lahat ng mga hospitals, kami pa rin ang lalabas na mga magulang mo, dahil nagsasabi kami ng totoo at hindi ka namin kayang saktan. Totoo rin na kapatid mo nga si Minari at anak siya ng Dad mo," malungkot na saad ng babaeng kahawig ng kaniyang ina.
Napansin ni Minlei ang peklat ng babaeng nagpapanggap na ina niya, halos kuhang-kuha ang itsura nito. Hindi siya makapaniwala na pati ang peklat ay kaya nilang makuha nang eksakto.
Napalingon siya sa lalaking kahawig naman ng kaniyang ama, malungkot na mga titig ang ibinibigay sa kaniya. Kuhang-kuha nila ang boses, itsura, paggalaw at pag-arte nila Mom at Dad.
"Kung kayo talaga ang totoong mga magulang ko, bakit si Minari ang mas pinili ninyong lapitan kaysa sa akin? Ginawa ninyo lang akong walang kwentang anak dahil hindi ninyo ako maasahan sa ganitong sitwasyon?" tanong ni Minlei.
Sinubukan ulit ng Mom niya na lumapit sa kaniya, ngunit ginagawa ni Minlei ang lahat para hindi siya mahawakan nito.
Napaluha na ang babaeng nagpupumilit na yakapin siya. May masakit sa puso ni Minlei na makitang umiiyak ang babae na iyon. Para bang nakikita na rin niya na umiiyak ang sarili niyang ina.
"Minlei, kahit kami rin ay hindi makapaniwala ng personal doctor ninyo. Palihim ko silang pina-DNA test at imbestigahan para masagot ang mga katanungan ko. Sa totoo lang, ayoko rin talagang maniwala noong una kay Minari. Ngayon ay napatunayan ko na sila nga ang mga magulang mo at kitang-kita ko ang resulta. Masaya ako na makitang buhay at malakas pa ang mga kaibigan ko. Sana ay pagbigyan mo muna sila na makabawi sa iyo. Hindi pa huli ang lahat para maitama ang mga pagkukulang nila sa iyo," saad ni Mr. Collin, ang kanilang Scientist.
Inilabas ni Denver ang isang envelope na galing kay Mr. Collin. Diretsong ibinigay niya ito kay Minlei para mabada nito ang ginawa nilang pag-iimbestiga.
Hanggang ngayon ay hindi pa makapaniwala sila Mr. Collin sa nabasa nilang resulta. Nasa harapan na talaga nila ang mag-asawang Young.
Sila nga kaya ang totoo kong mga magulang? Hindi kaya minanipula rin nila ang resulta nito para mapaniwala ako? Ayaw pa ring maniwala ni Minlei sa hawak niyang resulta.
Sa sobrang stressed at pagkalito niya ay lumabas na siya ng laboratory at mabilis na tumakbo para makapunta sa kaniyang sasakyan sa labas. Hindi ko matanggap ang mga ibinibigay nilang mga kasinungalingang balita! Hindi ito totoo!
Sapilitan niyang nabuksan ang gate gamit ang remote na mayroon siya. Mabilis niyang pinatakbo ang gamit na sasakyan kahit na pilit siyang pinapatigil ng kaniyang mga magulang.
Dinampot niya ang kaniyang cellphone at naisipang tawagan si Mio. Siya na lang ang naiisip kong pinakamagandang pwedeng puntahan. Kapag hindi siya sumagot, wala akong choice kung hindi ay kila Tita na ako didiretso. Hindi na niya naiwasan na hindi kausapin ang sarili sa ganitong sitwasyon.
Nagmaneho siya papunta sa kumpanya nila Mio. Alam niyang doon na rin tumutuloy ang kaniyang kasintahan dahil sa dami nitong inaasikaso sa office.
Hindi pa siya bumababa ng kotse ay nakita na niya agad si Mio na kalalabas lamang ng building. Hindi man lang niya sinasagot ang aking tawag.
Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita niyang lumabas din si Chelly sa pinanggalingang building ni Mio. Alam niyang isa si Chelly sa pinakamalakas nilang kalaban na bampira at iniisip niyang prinsesa ito.
Nagsuot si Minlei ng salamin at kinuha ang wig na nakahanda sa tabi niya, iyon ay nakahanda para sa proteksyon na rin niya na hindi makilala ng ibang tao o bampira. Alam niyang malinaw ang mga mata ng bampira kaya tagusan ang tingin ng mga ito sa salamin ng sasakyan.
Napansin niyang malawak ang ngiti ni Mio at Chelly. May kinakausap ang dalawa na isang babae at isang lalaki na halos kasing edad lang ng kaniyang mga magulang. Hinalikan sa pisngi si Mio ng babaeng kausap nila. Nagpaalam na rin agad ang dalawang kausap nila Mio.
Tumutulo na ang mga luha ni Minlei. Kung anu-ano na naman ang kanyang mga iniisip at panay katanungan ang pumapasok sa kaniyang isipan. Totoo kaya talaga ang mga sinabi ni Minari tungkol kay Mio? Bampira kaya talaga ang aking kasintahan?
Bahagya siyang yumuko nang napansin niyang papunta sila Mio malapit sa kinaroroonan ng kanyang sasakyan. Ibinaba niya nang bahagya ang bintana ng sasakyan para kapag nag-usap ang dalawa ay maririnig niya.
Papalapit na sila Mio nang papalapit sa kinaroroonan ni Minlei. Parang binibiyak lalo ang kaniyang puso sa nasasaksihan niya. Bakit parang ako pa ata ang kaaway ng tadhanang ito? Ano ang ginawa kong masama para maranasan ang ganitong sakit sa damdamin?
"Anong plano mo ngayon? May araw na malalaman din ni Minlei na ikaw ang isa sa mga pinuno namin. Kailan mo ba tatapusin ang mga plano mo sa kaniya?" tanong ni Chelly kay Mio.
Halos pigil hininga at luha na si Minlei para lang hindi siya mapansin ng dalawa. Nakatulala lang siya habang nakatingin sa mga ito.