Nakatulala lang ako sa mga magagandang ilaw sa paligid. Hindi ko pa rin makalimutan na isa pala akong bampira.
Paano ba ang gagawin ko para bumalik ang aking lakas? Nalaman ko lang ito dahil nasugatan ako. Pero wala ba silang balak sanang sabihin sa akin?
Kung bampira ako, bakit ako na-comatose? Halos kalahating taon din akong walang malay. Parang hindi ako makapaniwala na ganoon ang nangyari sa akin kung bampira naman ako.
"Okay ka lang?" tanong ni Mio.
Tumango ako sa kanya. Ayoko naman ma-stress siya sa katatanong ko. Babalik ang mga alaala ko, imposibleng hindi dahil bampira ako.
"Anong gagawin nating activities ngayon?" tanong ko naman.
"Gusto mo bang mag-ensayo para ma-enhance ang kakayahan mo bilang isang bampira?" tanong niya. Tanong na rin ang isinasagot namin sa tanong ng isa't isa kaya medyo natawa ako.
"Oo naman! Gusto kong maging malakas para naman maipagtanggol ko rin kayo kapag kinakailangan. Hindi pwedeng ako lagi ang binabantayan. Feel ko tuloy mahina ako," saad ko.
"Magandang panimula iyan para sa pag-eensayo. Dapat laging positibo mag-isip," manghang sabi niya, sabay ngiti sa akin. "Kung sabagay, kailan ka ba naging negative nitong nagkamalay ka? Sobrang proud ako na ang matured mo pa rin mag-isip."
Pansin ko kasi na lagi silang nag-aalala. Ayokong dumagdag pa ang mga problema nila kaya as much as possible, dapat mahawaan ko sila ng positivity ko.
"Dapat ganoon ka rin. Bawal ang nakasimangot dito. Nakahahawa ang pagiging malungkot kaya naman iba ang ginagawa ko," saad ko. Kinurot ko pa ang kanyang ilong.
Tumayo na siya at hinila ako pataas. Sakto naman na na-out of balance ako kaya napasubsob ako sa dibdib niya.
Dito pa lang ay napatunayan kong hindi pa ako ganoon kalakas. Pati ang mga simpleng pagbalanse ay hindi ko pa magawa.
"Sorry, nabigla lang. Dapat matuto ako sa ganiyan din," nahihiya kong sabi.
"It's okay, Minlei. Hindi naman sa lahat ng bagay ay alisto ang nga bampira, lalo na kung bampira rin ang makahaharap mo." Seryoso siyang magsalita kaya naiilang ako.
Hinapit niya ang aking baywang para mas mapalapit sa kanya. Napapikit na lamang ako sa lapit ng kanyang mukha sa akin.
Hinalikan niya lang ang aking ilong. Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi. Nag-expect ako ng iba niyang gagawin. Pero ang mahalaga, may respeto siya sa akin.
"Tara sa training room. Naihanda na rin namin iyon in case nga na gusto mong matuto," saad niya.
Napakunot ang aking noo. Kung bampira naman na ako noon, bakit kailangan ko pang matuto?
"Ay inaasahan ninyo na ba na mawawalan ako ng alaala kaya kailangan ulit matuto ng mga abilities ng isang bampira?" tanong ko.
Nanlaki ang kanyang mga mata. May nasabi ba siyang mali sa akin?
"I mean, lahat ng bampira ay gusto ng improvement. Kahit ako ay ginagamit ko ang training room para mag-ensayo pa. Mas gusto ko kasing lumakas para mas maprotektahan ka," paliwanag niya.
May punto naman siya kaya alam kong mas makabubuti talaga sa akin ang training na ito.
Naglakad na kami ni Mio papunta sa training room. Pagtingin ko sa loob ng kwarto at empty space lang ito. Ang sahig ay may malambot lang na babagsakan.
"Anong klaseng training ang gagawin natin? Ang laki ng kwarto pero wala naman laman?" nagtatakang tanong ko.
"Ang gagawin natin ay ang pagtakbo mo. Iyan ang madaling matutunan. Step by step tayo at hindi naman kailangan magmadali," sagot ni Mio.
Tumango ako. Mas alam niya ang gagawin kaya susunod lang ako. Kinakabahan lang ako kasi parang hindi ako familiar sa abilities namin. Pati iyon ata ay nakasama sa nawala kong alaala.
"Panoorin mo na lang muna ang aking gagawin at obserbahan ang unang galaw," saad niya.
Naka-focus ang mga mata ko sa kanya. Hinintay ko siyang gumalaw. Sa isang iglap lang ay nasa kabilang dulo na siya ng kwarto.
Hindi ko maiwasan na hindi humanga. Sobrang useful ng ability na ito kung may hahabulin o tatakasan.
Nagulat na lang ako na nasa tabi ko na siya. Umakbay siya sa akin at tinuro ang kabilang dulo.
"Ikaw naman. Isipin mo na pupunta ka sa kabila bago ka tumakbo. Unang-unang gawin mo ay dapat mag-set ka ng goal o gagawin bago i-perform ito," turo niya sa akin.
Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon. Iniayos niya ang pagtayo ko. Hinihintay niya ako na gawin ang inuutos niya.
Ipinikit ko ang aking mga mata sabay tingin sa kabilang dulo. Sinimulan ko na ang pagtakbo. Nagulat ako na sobrang lakas ng hangin sa paligid. Maya-maya ay nagulat ako na narito na ako.
Tiningnan ko si Mio sa malayo. Mas nanlaki ang aking mga mata nang makita ko ang oras sa relo ni Mio. Nakatingin siya roon kaya ganoon din ang aking ginawa.
Sa dalawang segundo lang ay narito narito na ako, luminaw pa ang aking mga mata. Kung tatakbuhin ito ng normal na tao, baka abutin sila ng ilang minuto sa layo. Mahaba ang kwarto na ito. Halatang mahal ang nagastos.
Bumalik ako sa tabi niya katulad noong ginawa niya kanina. Napangiti ako nang magawa ko agad ang una niyang task sa akin.
"Nakita ko sa relo mo na nakadalawang segundo ako. Ayos ba?" tanong ko sa kanya.
"Isa pa. Dapat isang segundo lang ang takbo mo. Malapit lang iyan o?" natatawang sabi niya.
Napasimangot naman ako. Akala ko ay sobrang bilis na ng aking ginawa, may mas ibibilis pa pala.
Huminga ako nang malalim at nag-focus muli ang tingin sa kabilang dulo.
Tumakbo ulit ako at mas naramdaman ang gaan ng aking katawan papunta sa kabila.
Pagtapak ko sa line ay na-control ko agad ang aking balanse. Katulad ng aking ginawa kanina, tiningnan ko ulit ang relo ni Mio. Isang segundo ang kinain na oras sa pagtakbo ko.
Napatalon ako sa tuwa. Dalawang trial lang ay nagawa ko agad ang unang task niya sa akin. Mukhang hindi ako magsasawa sa pag-eensayo. Naeengganyo ako sa ganitong gawain.
Tumakbo ulit ako pabalik sa kanya sabay nakaw ng halik. Nagulat ako nang humarap siya sa akin kaya sa labi niya ako napadiin.
Lalayo na sana ako nang maunahan niya ako. Hinila niya ako para mapayakap sa kanya. Napapikit na lang ako nang maramdaman ko ang paggalaw ng kanyang labi sa akin.