Pauwi na sila Tita Michie at Tito Geo. Hahabol din pala sila sa celebration ng aking kaarawan.
Sayang lang dahil hindi ko makakasama ang akong pamilya sa magandang araw na ito. Gabi na rin kaya hinihintay ko na lang ang tawag nila para batiin ako.
"Uuwi pala sila. Nakapagluto ba ng pagkain para sa kanila?" pag-aalalang tanong ko.
"Yep, don't worry about it. Planado ko naman na ang lahat. Alam kong uuwi sila kaya nakapaghanda ako bukod sa dinner date natin. Dito muna tayo hanggang hindi pa sila dumarating," saad ni Mio. Pinisil niya pa ang aking pisngi.
Hindi ko matatanaw kung nakarating na sila dahil sa kabilang banda dumadaong ang mga bangka at yacht nila. Siguro kailangan pa rin namin ang mga ganoon, hindi naman kami nakalilipad. Mabilis lang kaming tumakbo.
"Excited na ako sa pagdating nila. Sila Mom ba hindi tatawag sa iyo?" Nakatutuwa kasing isipin na sobrang saya ko ngayon, kaso kulang pa rin gawa hindi pa ako kinakausap ulit ng pamilya ko.
"Tatawag sila kapag tapos na ang event natin. Baliktad naman ang oras natin sa kanila. Umaga na roon kaya mas makatatawag sila sa madaling araw sa atin," saad niya.
Napakunot ang aking noo. Inaasahan ko na madaling araw din gising ang iyon dahil bampira kami. Tanong ko, "Hindi ba sila mahihirapan kasi tanghali o hapon na niyan? Hindi ba sila tulog niyan?"
"Normal lang iyan. Minsan nga hindi tayo natutulog. Hindi naman natin iyan masyadong kailangan. Pansin mo ba? Gising ka rin minsan sa umaga pahapon," paliwanag ni Mio.
Sabagay, may punto siya. Hindi ko naisip na nagigising din pala ako sa tanghali. Ang weird talagang maging bampira.
Napatingin siya sa kanyang relo. Medyo padilim na nang padilim ang paligid. Kailangan na rin ata naming pumasok.
"Malapit na silang dumating," wika ni Mio.
"Hindi ba natin sila sasalubungin?" tanong ko.
"Maya-maya kapag siguradong padaong na sila. Ayokong mainip ka.
Hinawakan ko ang kwintas na bigay ni Mio. Matagal na pala ito sa kanya at ngayon lang naibigay sa akin. Napakaganda ng timing na ito.
"Nagustuhan mo ba ang regalo ko?" tanong ni Mio.
Napatingin ako sa kanya. Nakatingin na rin pala siya sa akin habang hawak ko ang kwintas.
"Oo naman! Sobrang ganda nga nito at hindi ko alam kung deserve ko bang magkaroon ng ginto at diamond. Kahit sino ang bibigyan nito, tiyak na matituwa," sagot ko. Pinakita ko pa sa kanya ang mga ngiti ko para maniwala siyang masaya talaga ako.
"Mabuti at nagustuhan mo. Pina-customize ko pa iyan para wala kang katulad. Gusto ko ay ikaw lang ang mayroon niyan," saad niya.
Grabe naman siyang mag-effort sa akin. Paano ko ba napahulog ang loob ng isang katulad niya? Masyado na ata akong swerte.
"Tara na? Parating na sila. Hayaan mo na muna ang mga pagkain na naiwan dito. May mag-aasikaso naman niyan," yakag ni Mio.
Excited akong tumango sa kanya. Tumayo ako at humawak sa kanyang kamay. Naglakad na kami pabalik sa bahay.
Pagpasok namin sa loob ay tila kami lang ni Mio ang narito. Napalingon ako kay Mio na parang naghahanap din.
"Nasaan na sila?" nagtatakang tanong ko.
Nagkibit-balikat lang si Mio. Sumabay na lang ako sa kanyang paglalakad. Dinala kami ng aming mga paa papuntang dining room.
"Happy birthday, Minlei!" bati nilang lahat.
Napatakip ako ng aking bibig nang hindi ko inaasahan na susurpresahin nila ako. Napakaganda lalo ng set up at ang daming handa.
Maya-maya ay humawan sila at lumabas sila Mom, Dad at Minari. Lalo akong naluha sa tuwa. Mabilis silang lumapit sa akin para yakapin.
Yumakap din ako sa kanila. May kakaiba akong nararamdaman na hindi ko maipaliwanag. Tumutulo lang ang aking mga luha.
"Happy birthday, Minlei. Masaya ako na mayakap kang muli," naiiyak na sabi ni Mom.
"Masaya rin po ako na makasama kayo ngayong kaarawan ko. Akala ko po ay matatagalan pa ang pagpunta ninyo rito," wika ko.
"Malaki ang pasasalamat namin sa mga magulang ni Mio at kay Mio mismo. Sila ang dahilan kung bakit kami narito ngayon. Sinundo kami ng mga magulang ni Mio para palihim na maisama rito," saad ni Dad.
Minsan lang siya magsalita pero talagang ma-a-appreciate ko ang bawat salitang sasabihin niya.
Humarap ako kay Minari na kanina pa umiiyak. May lungkot sa kanyang mga mata. Siguro ay dahil wala sila sa tabi ko habang wala akong malay. Hindi naman ako galit sa kanila. Mas okay sa akin na ligtas sila.
"Huwag ka nang umiyak diyan, Ate Minari. Buhay na buhay ako o?" natatawang sabi ko sa kanya.
Agad niya akong niyakap. Ang yakap niya ay parang may pinapahiwatig. Sumakit ang aking ulo pero hindi ko na lang iyon masyadong iniintindi.
"Maligayang kaarawan, Minlei. Masaya si Ate na makita kang muli," naiiyak na sabi niya.
Yumakap ako nang mahigpit sa kanya. Gusto ko ay masaya siya at maging positibo sa lahat ng oras.
"Masaya rin ako na magkasama-sama tayong lahat. Buo na tayong muli," saad ko.
Napatingin ako kay Mio habang nakayakap kay Minari. Ngumiti siya sa akin kahit na kanina ay seryoso siyang nakatingin sa amin. Ano kaya ang iniisip niya?
"Sobrang alala namin sa iyo. Ilang buwan kang hindi nagkamalay. Araw-araw na ata kaming nananalangin na manumbalik ang lakas mo. Ngayon ay kaharap ka na namin. Hangad ko ang kaligayahan mo, Minlei. Sana ay maging mabuti pa lalo ang kalagayan mo," saad ni Minari.
Para siyang may pinapahiwatig na hindi ko pa rin maintindihan. Mahirap talaga kapag walang naaalala.
"Hayaan mo, simula ngayon, lagi lang din akong positibo sa buhay. Hangad ko rin na maging masaya tayong lahat at magkaroon ng mapayapang pamumuhay," wika ko.
"Simula nang magkamalay si Minlei, lagi lang siyang positibo sa mga bagay-bagay. Daig niya pa nga ako," singit ni Mio sa aming usapan.
Medyo natawa kami kay Mio. Hindi niya alam panay katanungan na sa aking isip. Ayoko lang talaga siyang ma-stress sa kakatanong ko.
"Mas kailangan kong mag-look forward kaysa isipin ang nakaraan. Wala na rin naman akong magagawa sa mga nangyari sa nakaraan. Mas makagagawa ako pa ako ng mabubuting aksyon para sa mga araw na darating pa," positibong sabi ko sa kanila.
Nakita ko ang mga ngiti nila na para bang proud na proud sa akin. Sana ganito lagi para kahit na nawalan ako ng alaala, makita ko na proud at masaya pa rin sila sa akin.