DRAY'S FLASHBACK
ISANG marangyang charity ball ang ginanap sa Madrid, puno ng mga maharlika mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Habang abala ang mga nakatatanda sa pag-uusap tungkol sa negosyo at politika, isang maliit na prinsesa ang may sariling misyon.
Si Carolina, anim na taong gulang, bilugan ang pisngi at nakasuot ng makintab na pink na damit, ay gumapang papailalim ng mesa. Sa ilalim, palihim siyang kumukuha ng macarons at chocolates, nilalagay sa palad, at mabilis na kinakain. Para sa kanya, iyon ang pinakamasayang bahagi ng gabi ang makalusot sa mga bawal at malasap ang matatamis na tinatago para sa mga bisita.
Ngunit hindi niya alam, may isa ring batang prinsipe ang nakakita sa kanya. Si Prince Snapdragon “Dray” Krausse, sampung taong gulang, suot ang mini-suit na gusot na at halatang hindi interesado sa formalities. Napansin niya ang maliit na paa ng batang prinsesa na nakausli mula sa ilalim ng mesa. Agad siyang yumuko at sumilip.
“Hey, what is princess fatty doing under the table?” nakangising bulong ni Dray.
Nanlaki ang mata ni Carolina, muntik pang mabilaukan sa tsokolate. “I-I’m not fatty!” sagot niya, nanginginig ang boses at namumula na ang pisngi.
Lumuhod si Dray at sumuot na rin siya sa ilalim ng lamesa. Sinamahan niya ang batang si Carolina. Nakita niya ang tsokolate ay nasa cute na ilong ng prinsesa. “You have chocolate on your nose! Bulalas ni Dray at humalakhak ito. "You’re so messy, not like a princess at all!”
Halos maiyak si Carolina sa hiya. Tinakpan niya ang mukha niya gamit ang dalawang kamay. “You’re mean! You’re not a gentleman!”
Pero lalo lang nangulit ang batang prinsipe. Kinuha niya ang isa sa mga macarons mula sa kamay ni Carolina at ngumiti nang matamis. “It tastes better when two people share.” At kinagat niya iyon sa harap ng prinsesa.
Sa ilalim ng mesa, naiwan si Carolina na tuliro, habang si Dray ay tawa nang tawa. Para kay Dray, isa iyong nakakaaliw at cute na memory ng isang prinsesang mahilig sa sweets. Pero para kay Carolina, iyon ang unang sugat na naiwan sa puso niya ang pagtukso sa kanya dahil sa kanyang itsura.
[END of Flashback]
Napangiti si Dray nang maalala niya iyon. Habang nakatitig siya sa babae na naglalagay ng macarons na i-norder niya. Noong panahon na 'yon, gusto niyang abutin ang pisngi ni Carolina at kurutin ito sa sobrang ka-cute-tan.
Binayaran niya na ang inorder at kinuha na ito ng kanyang butler na si Hughbert Sinclair. Excited na si Dray na dalhin ang pasalubong niya kay Carolina. Umaasa siya na sana ay kausapin na siya nito.
Habang naglalakad sila palabas ng patisserie, naka-sunglasses si Dray na para bang undercover agent, hawak-hawak ni Hughbert ang kahon ng macarons.
“Master,” seryosong bulong ni Hughbert, “is this really part of the strategy? Buying overpriced sweets to win the heart of your wife?”
Napatingin si Dray sa kanya na parang hindi makapaniwala. “Overpriced? These are weapons of mass seduction, Sinclair.” Itinuro niya ang kahon. “One bite of pistachio macaron, and she’ll be mine.”
Napakunot ang noo ni Hughbert, deadpan ang tono. “With all due respect, Master, she almost stabbed you with a dessert fork last night. I don’t think sugar will save your neck.”
Napahalakhak si Dray. “That’s exactly why, Hughbert. You counter sweets with sweeter sweets. Basic warfare.”
“Ah, so we are in the confectionery battlefield,” sagot ni Hughbert, sabay buntong-hininga. “Very noble, Master. Truly Sun Tzu would be proud.”
“Don’t mock me,” singhal ni Dray pero may ngiti sa labi. “You don’t know her like I do. She was a little piglet under the table once, remember? Eating chocolates with both hands, cheeks puffed up like a hamster. Adorable.”
Halos mapasimangot si Hughbert. “Forgive me, but calling your wife a piglet will not help your cause.”
“Shut up, Sinclair.” Umismid si Dray. “I’m telling you, she’s still the same girl. Just with sharper claws.”
Huminto si Hughbert, tinaas ang kilay. “So, Your Highness the plan is… feed the beast until she stops scratching?”
“Exactly!” nakangisi na sabat ni Dray.
Naglakad silang muli, at habang nakasunod si Hughbert, napailing ito at bumulong: “At this rate, Master, either she’ll fall for you… or you’ll die of diabetes and sugar debt.”
Narinig iyon ni Dray at humagalpak ng tawa. “If I die, make sure they bury me in a cake. Preferably chocolate. With Carolina crying on top of it.”
Tahimik lang si Hughbert sandali, tapos deadpan ulit. “Noted, Master. Shall I order the coffin in fondant?”
Napailing na lang ang prinsipe sa kanyang butler. Gusto niyang patulan kaso hindi matatapos ang usapan nila. Sumakay na siya ng kanyang kotse. Sa shotgun seat naman sumakay si Hughbert.
+++
Kinabukasan, tuloy-tuloy pa rin ang “silent protest” ni Carolina. Naglakad-lakad siya sa hardin nang maabutan niya si Prince Hemlock, na kararating lang galing sa business trip niya. Nakasuot ito ng puting polo at slacks, parang galing lang sa boardroom meeting pero relaxed ang aura.
“Silent treatment? Bold move, Carolina.” Lumingon siya sa prinsipe nang marinigniya ito na magsalita. Nakasandal ito sa haligi ng gazebo, may hawak na tasa ng kape. Relaxed ang itsura nito, parang walang pakialam sa gulo sa paligid.
“Your brother sent my sisters away without asking me,” malamig niyang sagot.
“Sounds like him,” sagot ni Hemlock, sabay upo sa tabi niya. “But if it makes you feel better, he does that to everyone. Including me.”
Napataas ang kilay ni Carolina. “So you just let him?”
“Sometimes,” sagot ni Hemlock at humigop ng kape. “Sometimes, I let him think he’s winning. It is easier to control him, when he thinks he's in control.” Nakangisi si Hemlock habang pinapaikot ang tasa na parang wine.
Napaisip si Carolina. Hindi niya inasahan na may ganitong pananaw ang kapatid ni Dray.
Hemlock smirked and looked straight to Carolina. “You’re the first woman who’s managed to annoy him this much. Don’t waste that power.”
Habang nag-uusap si Carolina at Hemlock sa gazebo, hindi niya namalayang may mga mata na nakamasid mula sa anino ng pasilyo. Si Dray, tahimik na nakatayo, nakapamulsa, at malamig ang tingin sa dalawa. Hindi niya gusto ang eksenang nakikita niya. Ang asawa niya, nakaupo at nakikipag-usap ng parang magaan lang sa kapatid niya.
“Having fun?” malamig na tanong ni Dray, naglakad papasok sa gazebo.
Agad na tumigil si Hemlock sa pagsimsim ng kape at tumango sa kapatid. “Brother. You’re back earlier than expected.”
Hindi sumagot si Dray, nakatutok lang ang tingin kay Carolina. Ang intensity ng mata nito ay para bang sinusuri kung anong sekreto ang ibinubulong ng asawa niya kay Hemlock.
“Nothing scandalous,” wika ni Hemlock, parang nagbabasa ng iniisip ng kapatid. “We were just talking about your… leadership style.”
Bahagyang umangat ang sulok ng labi ni Dray. “Leadership, huh? And what advice did you give her, Hemlock? To tame me?”
Napatingin si Carolina, malamig ang boses. “Maybe he doesn’t need taming. Maybe he just needs manners.”
Natigilan si Dray, bago marahang natawa mababa, mapanganib ang tunog. “Manners? Coming from the girl who used to crawl under tables just to hoard sweets? Don’t play saint with me, Carolina.”
Namula ang pisngi ni Carolina, nag-init sa hiya at galit. “At least I was a child then. You, on the other hand, are a grown man acting worse than a spoiled brat.” Sabay irap sa prinsipe.
Tumigil si Hemlock sa pag-inom, nilapag ang tasa ng kape sa may lamesa doon at nagtaas ng dalawang kamay, na parang referee. “Alright, I’ll leave you two lovebirds to your quarrel. Not my battlefield.” At dahan-dahan siyang tumayo, naglakad pero huminto rin para humarap muli sa sister-in-law niya. “Carolina, remember what I said, don’t waste the power.” Paalala nito at sumisipol pa habang palayo sa kanila.
Naiwan sina Carolina at Dray, nakatayo sa ilalim ng gazebo, ang tensyon ay makapal na parang bagong bagyo na paparating.
“Do you enjoy talking to my brothers that much?” malamig na tanong ni Dray, nakapamulsa habang unti-unting lumalapit sa gawi niya.
“Do you enjoy humiliating me that much?” balik ni Carolina, hindi umatras.
Magkalapit na halos ang kanilang mukha, parang nagbabanggaan ng kuryente ang dalawang pares ng mata.
“Careful, wife,” bulong ni Dray, mababa at may halong babala. “This family has thorns. Talk too sweetly to the wrong person, and you’ll bleed.”
Tumingala si Carolina, hindi nagpatalo. “Maybe I’d rather bleed, than rot in silence beside you.”
Sandaling natahimik si Dray, bago ito ngumiti nang mapanganib sabay bulong sa kanya, “we’ll see.”
Dumating ang butler nito na si Hughbert at nilapag ang isang kahon sa lamesa. Nag- curt nod ito sa prinsesa at umalis rin agad pagtapos iwan ang kahon.
Iniwan na rin siya ng prinsipe sa may gazebo.
Bahagyang nakatitig si Carolina sa kahon. Binuksan niya ito, at bumungad ang paborito niyang pistachio macarons, maayos na nakahanay. Sa ibabaw ng tissue paper, may maliit na sulat-kamay:
For the cute little princess under the table. — S
Hindi niya napigilang mapangiti nang kaunti, kahit pilit niya itong pinipigilan. Agad niya ring sinara ang kahon at umiling. “Red flag ka talaga…” mahina niyang bulong, pero hindi niya maitago ang pamumula ng pisngi. Hindi makapaniwala si Carolina na naalala pa rin iyon ng prinsipe. Itinapon niya na kasi ang alaala na iyon. Dahil ayon ang dahilan kung bakit naging concious siya sa katawan niya. Tinawag siya ni Prince Snapdragon na princess fatty.
Mula sa malayo, nakasandal si Dray sa haligi, nanonood, ang mga mata’y naglalaro sa pagitan ng galit at amusement.
“Got you, princess fatty,” bulong niya sa sarili, bago tuluyang naglakad palayo.