Tadhana

1628 Words
Mabagal lang ang pagmamaneho ni R'joy papuntang school nila. Habang naghihintay sa go signal ng stoplight may nahagip ang kanyang mga mata sa abandonadong building na kung dimu pakatitigan ay dimu mapapansin ang kaganapan sa loob nito. Pagpatak ng green light, pinihit nyang motorsiklo pakanan imbis na pakaliwa sanang way nyang pa university. Inihinto nyang motor medyo may kalayuan pa sa lugar na kanyang sadya at naglakad na lang papasok ng compound. Pakubli kubli nyang nilapitan ang lugar kung saan nya nasulyapan kanina ang bugbugan. Napasimangot na lang sya ng makita ang sitwasyon ng isang lalaking nakikipaglaban. 'Isa laban sa lima? Abah! di patas ang laban!' Mabilis syang umikot patungo sa salaming bintana na nakita nya kanina,, malapit ito sa pwesto ng lalaking tumilapon matapos ihagis ng kalaban nito. Malakas nyang binangga ang may kalumaan ng bintanang salamin, Talsikan ang mga bubog nito sa loob ng building kasama na sya. "s**t!" Naging alerto kaagad si R'joy ng makarinig ng pagkasa ng baril. Mabilis na umikot ang kanyang tingin sa paligid. Napakuyom ang dalawang kamao nya ng makitang di lang pala limang katao ang kalaban ng lalaking namimilipit na sa isang tabi. Bukod kasi sa limang nambubugbog may tatlo pang nakaupo malapit sa may pintuan. "Leopard?" Kunot noong sambit nya sa pangalan ng isang lalaking nakaupo at nilalaro ang patalim na hawak nito. "Queen!" Salubong ang kilay ni Leopard na iniabot sa katabi ang hawak na patalim saka tumayo't naglakad palapit kay R'joy. 'Danger... Punyeta!' Napamura na lang si R'joy ng makitang nagsisunuran kay Leopard ang pitong myembro ng Tribal Fraternity. Mortal enemy ito ng grupo nila Paolo, at minsan na ring nakasagupa ng Bad Girls ang mga ito kaya alam na nyang pamamaraan nila Leopard sa pakikipaglaban. "Naligaw ka yata, Anong atraso ko sayo at hanggang dito nasundan mo pa ako hmm.. Queen?" Napasulyap muna sya sa lalaking pilit na bumabangon kahit na puro sugat at pasa na ito, may hiwa sa kilay na dumudugo pa, halos nakasara ng kaliwang mata nito na namumula, ilong at bibig nitong may bahid din ng dugo, maging ang leeg at mga braso nito ay may mga hiwa ng kutsilyo. Tiyak ni R'joy na puro sugat na rin ang buong katawan nito dahil sa dugong nagkalat sa suot nitong damit. Siguro kung nahuli pa sya ng dating paglalamayan na ang lalaking sa wakas nakatayo na rin ng tuwid at deretsong nakatingin sa kanya. Lihim syang napamura ng makilala ito. 'Peste! Sya na naman? Anubaaa... Tadhana, bakit parati mo na lang kaming pinagtatagpo ng Manok na'to? Naku! Naman...wala na talagang atrasan 'to.' Nakataas ang kilay ni R'joy ng humarap kay Leopard. Ng magtama ang tingin nilang dalawa napaismid sya ng lihim. Kumukulo talagang dugo nya kapag nakikitang pagmumukha nito. Sayang at di nya ito napuruhan nung huling nagkabanggaan sila dahil sa binili nyang droga dito. "Wala naman... Na miss lang kitang bigla, kaya siguro dito ako dinala ng mga paa ko, kasi di kita mahanap sa tambayan nyu." "Talaga! Kaya ba sa bintana ka dumaan at hindi sa pintuan? Grabe ka pala kapag namimiss mong isang tao, buwis buhay ang mga galawan mo haha." "Ako pa ba! Eh adventurous akong tao, pakelam mo ba sa mga trip ko sa buhay?" "Oo nga naman.. Buhay mo yan kaya wala talaga akong pakialam, hmm." Napatango tango si Leopard at pasimpleng ginalaw ang mga daliri, senyales nya ito sa mga kasamahang nakuha kaagad ang nais nitong iparating na mensahe. 'Madumi ka talagang makipaglaban, hayop ka!' Ang galawang yun nila Leopard ay hindi na bago kay R'joy na naging alerto kaagad at inihandang sarili ng magpulasan ang mga alipores ni Leopard. "Hep! Bago tayo mag umpisa may itatanong muna ako sayo, Leopard." "Talaga lang ha! Queen, sa sitwasyon nating ito magtatanong kapa? Ibang klase ka talaga! Hahaha." Tinaasan nya lang ng kilay ang kaharap, saka sinulyapan na naman ang lalaking sugatan na nakatitig pa rin sa kanya mula pa kanina, nababasa nya sa mukha nito ang kalituhan at parang hindi ito makapaniwala sa kanyang presensya. "Lumalaban ako ng patayan alam mo yan, pero syempre bago yun.. inaalam ko muna ang halaga ng aking ipaglalaban." Palipat lipat ang tingin ni Leopard kay R'joy at sa kanilang bihag. Sigurado naman syang hindi magkakilala ang dalawa, pero bakit dumating ang Master ng Bad Girls para ipagtanggol ang kaibigan ni Paolo? 'Hmm.. Anong business ni Queen sa'yo ha? Malalaman ko rin.' Ibinalik nyang tingin kay R'joy. "Okay Queen, what do you want to know?" "Sya?" Inginuso nya si Mc na ngayon ay nakasandal na sa pader, pero sa kanya pa rin nakatingin. "Ah.. Sya ba? Sya lang naman ang ipapain ko para kusang lalapit sakin si Viena, masyadong madulas ang burdadong yun eh! Di'ko mahuli huli." Nakita nyang humugot ng isang sigarilyo si Leopard at sinindihan ito.. Yun ng hudyat ng pagsalakay ng pito nitong kasamahan sa kanya, pero dahil nga kabisado na nyang galawan ng mga ito mas mabilis at maliksi ang bawat galaw ng kanyang katawan. Bago pa sya mahawakan ng mga kalaban tumaas ng kanang paa ni R'joy, sinipa sa dibdib ang pinaka unang sumugod sa kanya. "Queen always win! Fuckers!" Tumalon sya't umikot sa ere sabay hablot sa dalawang patalim na nakaipit sa kanyang sapatos. Palagi syang handa kapag nasa labas na sya ng Mansyon nila. Marami kasi syang kalaban kaya wala sa bokabularyo nyang magpaka kampante. Sinigurado nyang maayos ang pagbagsak nya sa semento para hindi sya ma corner ng mga kalaban. Mabilis nyang inundayan ng saksak ang lalaking pinakamalapit sa kanya. Alam nya kung saang parte ng katawan patatamaan ang kalaban para hindi na ito makakilos sa oras na masaksak nya. Sipa, suntok at saksak ang kanyang ginawa, lahat ng kaalaman nya sa pakikipaglaban ay natutunan nya mula sa Boss ng Asia na si Keros Kitsume ang secret assassin agent ng Hainsha Organization, na tagapagbantay nila sa Mansyon. 'Jesus! Totoo ba ito? Saan natutong makipaglaban ang malditang yan? Kung makasaksak sa kalaban parang puno lang ng saging ang mga ito.' Nanlalaking mga mata ni Mc habang sinusundan ng tingin ang bawat galaw ni R'joy. Seryoso lang ang mukha ng dalaga habang nakikipaglaban para mailigtas lang sya. Ngayon lang nya napagtanto kung anong nais na ipahiwatig ni Paolo sa kanya ng ipinakita nitong mahabang pelat sa tagiliran. Sa liksi at bilis kumilos ni R'joy, napabagsak na nitong anim na kalaban, ni hindi man lang sumayad sa balat nito ang mga atake ng kanyang kalaban. "Queen!" Galit na sigaw ni Leopard sabay kalabit sa hawak nitong baril. BANG! "Ugh!" Napayakap bigla si R'joy kay Mc na dahan dahang dumausdos pababa mula sa pagkakayakap sa kanya. Hindi nya inaasahan ang ginawa nitong pagsalo ng bala para sana sa kanya. Gusto nya sanang habulin sina Leopard ng makita nya itong tumalilis ng takbo palabas sa lugar na yun, pero hindi nya magawa dahil kay Mc na papikit ng mga mata. Dahan dahan syang umupo sa semento at maingat na inalalayan ang ulo nitong makahiga sa kanyang hita. Mabilis nyang hinugot ang cellphone sa kanyang bra, isinisiksik nya ito dun kapag walang bulsa ang suot nyang damit. Kaagad nyang tinawagan si Paolo, isang ring lang sumagot agad ito. "Yes! Queen?" "Adik! 911 dito sa Legendary building." Yun lang ang sinabi nya't pinatay ng tawag at binalingan ang binatang malalalim ng paghinga. Pinitik nya ito sa nuo.. Saglit lang at dahan dahan na itong dumilat, isang mata lang ang bumukas dahil ang kaliwang mata nito ay tuluyan ng namaga at sumara. "Hoy! Manok! Wag ka munang umakyat sa langit.. kung dun ka nga patutungo ha! Di ako sure. Kasi baka sa porgatory ka mapunta, dahil dun di cla choosy kaya bagay ka dun." "H - Hahaa.. Araayy... " Lihim na napangiti si R'joy ng marinig ang boses ni Mc. May purpose ang pagkausap nya dito, ayaw nya kasing makatulog ito. Sinulyapan nyang relo, siguradong malapit na si Pao sa lugar nila. "O - Ookayy.. ka lang baa..?" "Tsk! Ako pa talagang tinanong mo! Eh sino bang sugatan sating dalawa?" "Ughhh..." Daing ni Mc na bahagyang gumalaw dahil sa pagkirot ng kanyang mga sugat. Di napigilan ni R'joy ang sariling iangat pataas ang suot na t - shirt ni Mc ng makitang halos kulay dugo na ito. Pero imbes na sugat ang kanyang susuriin, ibang nakatawag ng kanyang pansin. 'Damn! Lenteks na abs yan! Uys! Wag mo'kong kawayan abs at marupok ako, kaya wag mo akong tuksuhin please..!' Napapiksi pa sya ng maramdaman ang masuyong pag haplos ng kamay ni Mc sa kanyang pisngi. Nabaling tuloy sa mukha ng binata ang kanyang tingin. Natawa pa sya ng makitang hitsura nito, kung ito ba'y nakangiti o nakangiwi. "A - Ang g - ganda moo talagaa.." Halos pabulong na nitong sabi. Biglang bumilis ang t***k ng puso ni R'joy ng marinig ang sinabi ni Mc. Napatitig sya sa mukha ng binata.. Hindi na nya namamalayang abala ng kanyang kamay sa paghaplos sa buhok, pisngi at leeg ng binata. Ewan ba nya kung bakit parang biglang nag iba ang kanyang pakiramdam sa kanilang paligid.. Parang magic lang na gumaan ang kanyang nararamdaman para sa binatang binansagan nyang Manok, dahil nga sa kadaldalan nito. 'Letsugas! Bakit tila naaaliw akong pagmasdan ang kanyang mukha? Sheet! Di pedeng mahulog ako sa Manok na ituu.. Ayoko ng pakiramdam na ganitooo...' "Queen!" Napatayo bigla si R'joy ng marinig ang boses ni Paolo, narinig pa nyang malakas na tunog ng pagkabagsak ng ulo ni Mc sa semento, napangiwi na lang sya ng makitang mariin nitong pagpikit at pagmura. "f**k!" Napasulyap sya kay Paolo na humahangos ng takbo palapit sa kanila ni Mc. "Bahala kana sa kaibigan mo, Adik!" Dina nya hinintay pang sagot ni Paolo, tinalikuran nya na lang ito basta at mabilis na syang naglakad palabas ng pinto. Masyadong magulo ang kanyang isipan. 'You need a break Queen! Oramismu!" ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD