"Miss Queen, dito po yung room ni Mr. Mc Rabella."
"Thank you" Ngumiti sya sa nurse bago isinarang pinto pagkalabas nito.
Napapikit bigla ng kanyang mga mata si Mc ng marinig ang boses ni R'joy.
'Bakit sya nandito?'
Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib ng marinig ang tunog ng sapatos nitong papalapit sa kanya. Narinig nyang may inilapag ito sa mesa, marahil prutas o bulaklak ang dala nito. Napalunok pa sya ng maramdaman ang pagangat ng kanyang kumot hanggang sa kanyang dibdib. Lihim syang napangiti sa ginawa ng dalaga.
'May tinatago ka rin palang ka sweetan, kala ko pa naman puro lang kamaldihan ang alam mo.'
"Thank you so much for saving my life. Wag mong isipin na mahalaga ka sakin kaya buwis buhay akong sumugod dun para lang iligtas ka. Kung alam ko lang na ikaw yung binubogbog nila, nungka akong papasok at mag ala darna dun."
Pigil ang pag ngiti ni Mc ng marinig yung 'darna'.
"Alam mo ba kung bakit? Kasi, naiinis ako sa pagsunod sunod mo sakin? Para kang asong ulol na buntot ng buntot kahit sinisipa ka ng palayo, napakatyaga mo pa rin."
Huminga ng malalim saka napangiti si R'joy ng makitang gumalaw ang lalamunan ni Mc. Alam nyang gising ito at nagtutulog tulugan lang.
"Lam mo kung anong hanap ko sa isang lalake? Gusto kong may lumaban para sakin.. Hindi yung ako ang lalaban para sa kanya. Kahit isang beses lang, gusto kong may takot syang mawala ako. Yung hindi lang nya sasabihin na ayaw nya akong mawala sa kanya. Ayoko ng puro salita lang, mas gusto ko yung ginagawa. Nais kong sya'y tunay na matakot na mawala ako."
Sa mga narinig dina napigilan pa ni Mc ang kanyang sarili, nagmulat sya ng mga mata saka tumingin sa dalaga, ngumiti sya dito saka inabot ang kamay nito. Nawala ang kabang nararamdaman nya ng ngumiti si R'joy sa kanya at hinayaan lang syang hawakan ang kamay nito.
"Queen, mahal kita noong una pa lang kitang makita, kaso nag alangan ako ng malaman ko kung gaano ka katapang, nakita ko kung panu ka makipaglaban, wala ka nga yatang kinatatakutan eh! Anu naman ang magagawa ko para matapatan kong isang kagaya mo? Heto lang ako.. Isang simpleng tao na nagmamalasakit sayo, isang taong ayaw kang mawala sa buhay ko."
"Talaga?" Taas kilay nyang pinitik ang noo ng binata.
"Araay! Napakasama mo talaga!" Tulis ang ngusong napabitaw sya sa kamay ng dalaga saka hinimas himas ang noong nasaktan.
"Haha.. Cute ka! syotain na kaya kita."
Nanlalaking mga mata ni Mc ng bumaling sa kanya. Natutuwa talaga sya sa reaksyon nito kapag nagugulat, naeexcite at nasasaktan. In short.. Favorite nyang facial expression nito.
"A - Anong sinabi mo? Pakiulit nga!"
"Nope! ayoko ng ulitin pang nasabi ko na, Nais kong patunayan mo na lang sa akin ang lahat ng sinabi mo. Sinabi mong mahal mo ako,. Ipadama mo sakin. Sinabi mong nagmamalasakit ka sa akin, patunayan mo. Sinabi mong ayaw mong mawala ako, ipakita mo sa akin.. Malay mo tuluyan ka ng makapasok dito sa puso ko."
Nagniningning ang mga mata ni Mc na walang kakurap kurap na nakatingin sa kanya.
"Totoo yang mga sinabi mo ha? Walang halong biro? May pag asang maging tayo?"
Natatawa na lang syang tinapik tapik ang pisngi ng binata.
"Manok, pagaling ka ha! Tapos, hanapin mo ako. At kapag nahanap mo na ako dun ko sasagutin ang mga tanong mo. Good luck!"
Pumihit na sya't naglakad palabas ng pinto. Narinig pa nyang pagtawag ni Mc sa kanyang pangalan, pero deadma lang syang tuloy tuloy ang paglakad patungong elevator ng hospital. Napakubli sya bigla sa nadaanang halaman ng makita sila Paolo, Ym at Reighn na palabas sa bagong bukas na elevator at ng makalampas ng mga ito sa pinagkukublihan nya mabilisan syang tumakbo sa papasara ng elevator, mabuti na lang at nakahabol pa syang makasakay kaya nakababa't nakalabas sya ng hospital na di nag krus ang landas nila ni Pao. Alaskador pa naman ang isang yun, ayaw nya munang makipag bangayan dito habang inaalam at tinitimbang pa nyang nararamdaman kay Mc.
Isang buwan ng lumipas, magaling na sya't nakalabas ng hospital pero nag aalangan pa rin syang harapin ang dalaga. . Kung gugustuhin naman nya ay madali lang naman dahil isang subdivision lang sina Reighn at Queen. Pwede rin syang sumama kay Ym, dahil isang university lang ang pinapasukan ng dalawa. O di naman kaya ay kay Paolo, dahil alam nitong mga tinatambayan ng dalaga. Kaso, nag aalinlangan syang humarap dito, natatakot sya sa sasabihin nito sa kanya. Kaya kung ano anong dahilan ang sinasabi nya sa kanyang mga kaibigan sa tuwing niyayaya sya ng mga ito na makipagkita na kay R'joy.
Habang lumilipas ang mga araw namimiss nya na ito, kaya naman kasamang mga kaibigan hinanap at pinuntahan nilang mga tinatambayan nila R'joy, pero hindi nila ito makita. Kahit isa man lang sa mga kaibigan nito wala rin silang mahanap. At kapag ganitong bigo sila sa paghahanap, sa bahay ni Mc ang bagsak nilang apat. Kagaya ngayon naglalaro na naman sila, katuwaan lang habang nag iinuman.
"Bakit bato bato pik? Para naman tayong mga bata nyan eh!" Nakasimangot nyang sabi sa mga kaibigan.
"Spirit of the glass na lang kaya!" Himas ang babang suhistyon ni Pao.
"Tangnang suggestion yan! Mag pitik bulag na lang tayo! Hahaha." Sabi naman ni Reighn saka tumawa ng malakas.
"Hahaha.. Tol Reighn, gawin na lang nating pitik itlog, mas exciting pa yun." Napapalakpak pa si Paolo habang tawa ng tawa.
"Mga ulol! Yokong maagang mabaog hahaha.." Pinunasan muna ni Ym ang naluluhang mata sa katatawa bago bumaling kay Mc. "Anuna Tol Mc, nakapili kana ba?"
"Sige, mag bato bato pik na lang tayo, magbabayad ang matatalo. Walang dayaan ha! Masusuntok ko talaga kayong mga hayop kayo."
Singhal ni Mc sa tatlong kaibigan na nagkindatan at sabay sabay pang sumigaw ng "Abante!"
At nag umpisa ng laro nilang apat.
"Bato bato pik!"
Gunting si Ym, ganun din si Paolo at bato naman silang dalawa ni Reighn.
"Talo kayong dalawa samin ni Tol Reighn, labas nyu ng tig isang libo nyu! Dali!"
Paniningil ni Mc sa dalawang talo na nagkatinginan muna bago nagreklamo sa kanya.
"Tangna! Bakit naging isang libo?" Si Ym na masama ang tingin kay Mc pati na rin kay Reighn na malapad ang pagkakangiti sa kanya.
"Basta! Magbayad kana lang kasi, dami mo pang reklamo" inilahad nyang nakabukang kamay sa harapan ng dalawang natalo.
Nakasimangot na kinuha ni Ym sa dalang bag ang kanyang pitaka, kukunin na sana nitong isang libo ng magsalita ang kaharap nyang si Reighn.
"Tumatanggap kami ng dollar kung wala kang peso bill, diba Tol Mc?"
"Syempre! Choosy paba tayo Tol Reighn, Grab the opportunity ika nga hahaha."
"Anu kayo sinuswerte! Nakapagpalit nako sa money changer uy! Pati ako gugulangan nyu pang mga animal kayo."
Napalitan ng simangot ang nakangising mukha ni Mc ng ilapag ni Ym ang isang libo sa palad nya.
"Kuripot ka talaga kahit kelan." Kinuha nyang isang libo at binigay kay Reighn saka bumaling kay Pao na abala na naman kakatext.
"Pst! Tama na yang kakatext sa mga paniki mo, asan ng isang libo? Akin na dali ng matapos na tayo dito."
"Bingo! Tara na mga Tol, alam ko na kung saan sila ngayon."
"Sinong sila naman yun Tol Pao?" Tanong ni Ym habang inaayos ang sling bag nito.
"Sino pa! Eh di yung Queen ng Bad Girls, para dina lumala ang pagkabaliw ng kaibigan natin dito."
"Weh! Di nga? Tatakas ka lang eh, bayad ka muna Tol Pao dali na!"
Naiiling na inabot ni Paolo ang pitaka kay Reighn.
"O, tara na mga Tol, may panggastos na tayo dito.. Yeehahh!"
Nauuna pang lumabas ng bahay nila Mc si Reighn, nakita pa nilang ibinulsa nito ang pitaka ni Paolo na abala pa rin sa cellphone nito.
GALAXY
"Andami mong “What If’s”.. What if masaktan lang ulit ako? What if katulad lang din siya ng mga ex ko? What if aalis lang din pala siya sa buhay ko? What if ma-disappoint ko sila Mama at Papa? What if madaming mas magaling sa akin at mapahiya lang ako.? What if mali na naman pala yung desisyon ko?"
Humithit sa yosi sabay buga ng usok saka hinarap na ni Roselia si Rowena na lumalaklak naman ng alak ngayon, matapos sumayaw ng walang humpay sa dance floor.
"Rowe, Hindi mo talaga malalaman ang sagot kung hindi ka tataya? Huwag kang matakot magkamali, kasi sa pagkakamali ka matuto. Imbes na matakot ka, tawagin mo lang si God. Itatayo ka niya kapag nadapa ka. Masyadong maikli ang buhay para mabuhay ka sa takot. Gawin mo yung mga bagay na makakapagpasaya sayo. Para wala kang pagsisihan sa huli. Malay mo, sa una lang mahirap at sa huli magiging masaya ka."
"Woohh... Yan ang advice na tumalab na yata sa puso't damdamin ko! Nice one b***h! Ikaw na talaga ang love adviser ko mula ngayon." Namumungay ng mga matang sabi ni Rowena.
Natatawang nagpalakpakan naman sila Mabel at Claire. "Kami rin b***h! Count us in."
Nag thumbs up lang si Roselia sa kanila, inabot nitong baso ng alak at uminom muna bago nagsalita ulit.
"Ganito lang yan eh! Sa buhay kasi may mga bagay na akala natin madali lang gawin, madali lang baguhin, madali lang angkinin kaya minsan umaasa tayo. Gumagawa tayo ng paraan para mapalapit dun sa taong nagugustuhan natin. Kahit mahirap pinu-push pa din, kahit minsan nasasaktan ka na, go lang ng go! Tapos kahit marealize natin na imposible pala, hindi pa din tayo sumusuko kasi nasimulan na nating umasa, mas masasayang yung lahat ng sakripisyo kapag sumuko kana. Mas masasayang yung lahat ng panahon na sana naging masaya ka na kapag sumuko ka na. Kaya kahit hirap na hirap kana, kahit na pagod ka ng magmukhang tanga, aasa ka pa rin na balang araw, masusuklian din yung pagmamahal mo. Gets mong ibig kong sabihin Claire?"
Napayuko naman si Claire bago sumagot ng.. " Oo naman.. Gets na gets kong sinabi mo b***h! Nasapul moko dun ah!"
"Sakin ba Roselia, la kang iaadvice?" Taas babang kilay na hirit naman ni Mabel.
"Bakit, may sinagot kana ba sa mga manliligaw mo?" Balik na tanong naman ni Roselia kay Mabel na umiiling.
"Sa love kasi, hindi mo kailangang maghangad ng sobra sobra. "
Kumindat saka inginuso ni Ashley kay R'joy si Roselia na ganadong nag aadvice sa tatlong pangiti ngiti lang sa kanya.
"Tama!" Sabay na sabi pa nila Rowena, Mabel at Claire. Samantalang nakikinig lang sa usapan sina R'joy at Ashley.
"Gusto ko forever kami.”
“Alam ko siya na talaga, randam ko eh!”
“Years from now magpapakasal na kami!”
“Siya yung taong makakasama kong mangako sa altar.” Dapat walang ganun, kasi ang buhay madaming surprise, hindi mo alam kung ano yung mga mangyayari bukas, maaring bukas masaya pa kayo, pero sa susunod na mga araw tatambakan na kayo ng mga problema. Andami niyo pang pagdadaanang mga pagsubok, ang dami niyo pang makikilalang tao, as life goes on unti-unting lalawak yung mundo niyo na maaaring makaapekto sa mga buhay niyo, kaya dapat sumabay lang kayo sa agos ng buhay. Maging masaya lang kayo sa kung anong meron kayo ngayon, magpasalamat kayo sa lahat ng biyaya, sa paggabay Niya sa inyo na hanggang nayon kayo pa din at masaya kayo. Na sa bawat problemang dumaraan, mas lalo lang kayong tumatatag."
"Is that based on your experience or one of the themes of the poem that you fought against Mr Perfect Writer hmm?" Humihithit ng sigarilyong tanong ni R'joy.
"Experience ko syempre, malandi kasi ako eh! Hahahha."
"Proud na proud ang gaga hahaha.." Si Rowena na tila nakalimutan ng problema sa kanyang jowa.
Sumimsim ng alak sa kopita si R'joy at makahulugang bumaling ng tingin kay Ashley na napa thumbs up naman sa kanya. Nasulyapan nyang grupo nila Paolo sa Entrance ng Galaxy. Alam nyang sya ang sadya ng mga ito.
"Queen!"
"Masyado mo naman akong pinapabilib sayo Adik, kala ko pa naman mga next month mo pako matatagpuan dito."
"Baka nakakalimutan mong nakakalat lang ang mga paniki ko kahit saan.. Lalo na sa lugar na'to."
"Yakk! Wag mong sabihin na pati si Olga pinatulan mo?"
"Kung ganun, diko sasabihin sayo.. hehe."
"Eww.. Tapang ng sikmura mo ha!"
"Ako pa ba? Game ako basta't mapapaligaya nya lang ako.. Teka lang muna, Kelan pa nahumaling ang isang kagaya mo sa Gay bar, Queen?"
Umikot ang mga mata ni Pao sa loob ng Galaxy, kumaway pa ito sa isang bakla na kapapasok lang galing sa loob ng silid na may pangalang 'Private' bago bumaling kay Queen.
"Oh! Just recently!" Balewalang sagot ni R'joy.
Nabaling ang pansin nila kay Mc ng magsalita ito at tumabi ng upo sa dalaga.
"Kaya mo ba napiling tumambay sa ganitong lugar kasi pinagtataguan mo ako, ganun ba yun?"
"Bakit? nahirapan ka bang hanapin ako? hmm.." Lihim nyang inaamoy ang hanging dumadampi galing kay Mc na napapailing na lang.
"Tsk! Seriously, kaya ako nandito, kasi gusto kong malaman ang sagot mo sa tanong ko sayo nung huli tayong magkita."
"Ahh.. " kinamot nyang leeg, saka kunya kunyariang nakalimutan nyang usapan nila sa hospital. "Nuh nga yung tanong mo sakin nun? Forget ko na eh! Ipaalala mo nga sakin.."
"Yung kung may pag asang maging tayo?" Pabulong na lang ang boses ni Mc, nahihiya kasi syang marinig ng mga kaibigan nilang abala na sa pakikipag kwentuhan at inuman.
Napangiti ng lihim si R'joy ng makitang pamumula ng tenga't ilong ni Mc. Senenyasan nya itong lumapit pa sa kanya ng konti. Hindi man ito kagwapuhan pero malinis ito sa katawan. Mula ulo hanggang paa nakikita nya ang pagka metekuloso nito, at higit sa lahat.. Gustong gusto nyang amoy nito. Pakiramdam nya nag iibang katauhan nya kapag nasasamyong halimuyak na pabango ni Mc. Kumbaga bumabait sya kapag kasama nya ito.
"Hmmm.. I'll think about it."
Hinawakan ni Mc ang kamay ni R'joy saka inilapit sa kanyang labi at masuyong hinalikan ito.
"Bigyan moko ng kahit isang araw lang makasama kita sa isang lugar na malayo sa problema at kaguluhan. Doon ba sa lugar na kung saan puro bulaklak yung nasa paligid natin. Tapos maghahabulan tayo doon na parang mga bata. Maranasan kahit isang araw man lang sa buhay ko na maging stress-free, kasama ka. Sa isang lugar na malayo sa kabihasnan, sa lugar na kung saan presko ang hangin, sa lugar kung saan walang mga taong manghuhusga sayo, sa lugar kung saan napakasarap mamuhay, sa lugar kung saan tayong dalawa lang. Kahit isang araw lang na makasama ka sa ganito kagandang lugar at kagandang buhay na paniguradong sa mga oras na kasama kita sa lugar na iyon, hihilingin ko na sana huminto na lang ang oras at huwag ng lumipas ang araw na iyon. Kahit isang araw lang na maging akin ang buong mundo mo at maging iyo ang buong mundo ko. Yung walang iisipin na iba kundi yung isa’t isa. Yung walang iisiping oras. Yung walang iispin na problema. Kahit isang araw lang na mamuhay tayong dalawa na parang tayo lang yung tao sa mundo. Kahit isang araw lang na makapiling ka… sa ganito kagandang lugar. Kahit isang araw lang.. Please R'joy Queen?"
Dina sya kelangan pang pakiusapan ni Mc, dahil alam nya sa kanyang sarili na nakapasok na ito sa kanyang puso. Nag iinarte lang talaga sya kasi natutuwa syang paglaruan ang binata.. In a good way na ngayon, di gaya dati na ang bad nya dito.
"Okay" nangingiting kinindatan pa nyang binata.
"Yes!!" Sa sobrang tuwa ni Mc sa naging sagot nya napayakap ito ng mahigpit sa kanya na naging dahilan para mag ingay ang kanilang mga kaibigan.
"Hiyahh!! Abante Tol Mc.. Congratulations!!" Pumapalakpak na sigawan ng kanyang mga kaibigan.
"Yeahh!! Party Partyy!" Tuwang tuwa na sigaw naman ng mga katropa ni R'joy.
Nagkatinginan na lang sila Mc at R'joy saka sabay na napatawa.
?MahikaNiAyana