Final Chapter

1532 Words
Ganito pala pag in love ka ng sobra? ang gaan gaan ng pakiramdam mo't ang saya saya, wala ka ng ginawa kundi ang mangarap na kayo'y magkasama, nakatulala sa hangin na may ngiti sa labi pa... Lagi mo siyang iniisip kung ano bang ginagawa niya, natatanong mo sa sarili mo kung ikaw rin ba'y naaalala niya, na tulad mo'y wala ng ginawa kundi ang isipin lang siya, kahit na ngang mga trabaho mo'y tambak na... Panay ang tingin mo sa cellphone, nagbabakasakaling may message siya o kahit man lang miscall, paulit ulit binabasang mga message niyang nakasave para lang di mabura iyon, dahil nagbibigay saya't ligaya pag nababasa mo ng mga yon... Nagkaka insomia ka na dahil sa kanya, nagiging nerbyoso ka dahil sa lakas ng kabang nadarama, nagiging ulyanin ka dahil paulit ulit na lang ang iyong mga salita, ano bang magagawa mo eh sa na adik ka na sa kanya... Hay buhay nga naman, kapag puso ng nakialam, walang makakapigil na sinuman, mapagbigyan mo lang ang yong sariling kaligayahan.. "Mc.." Mula sa pagbabaliktanaw ko saking buhay napadilat ako bigla ng aking mga mata ng marinig kong boses ng aking pinakamamahal, tumagilid ako ng higa paharap kay R'joy. Itinukod kong isang kamay saking ulo saka iniyakap sa kanyang bewang ang aking braso. "Hmm.. Ano yun Mahal?" Kaagad na tanong ko sa kanya. "Dati tahimik lang ang mundo ko, nakakatawa lang pag kausap mga kaibigan ko, pero ang totoo may nakatagong lungkot dito saking puso, na kahit isa sa kanila hindi nakapansin nito," Kunut noo akong napatitig sa kanyang mukha. Nababasa ko dun ang samo't saring emosyon nya. Ganitong sitwasyon ang ikinatatakot ko palagi. Sa mahigit limang buwan naming pagsasama ni R'joy, sinikap at ginawa kong lahat para patunayan sa kanya ang aking sarili, pero kapag ganitong pagkakataon na masyado syang seryoso, pakiramdam ko kulang na kulang pa rin ang aking mga ginagawa't pagsasakripisyo, maipakita at maipadama ko lang sa kanya ang tapat na pag ibig ko. Marami akong plano para saming dalawa. Mga pangarap na nais kong abutin kasama sya. "Hanggang isang araw dumating ka sa buhay ko, binigyan mo ng kulay ang madilim kong mundo, pinawi mong lahat ng kirot dito sa puso ko, na kahit ako nagugulat na lang sa mga ginawa mo. Pwede akong magbulag bulagan, pwede rin akong magbingi bingihan, pero mapipigil ko ba ang aking nararamdaman? Kung bakit ngayon masaya akong malaman na nandyan ka lang?" Ang seryosong mukha nya'y napalitan ng masayang ngiti. "Queen?" Tanging nasabi ko habang nakatingin sa babaeng pinangarap ko. "Alam kong napakahirap nito, ang magkunwari na di ako apektado, pero madadaya ko bang sarili ko? sagot ko'y hindi! dahil mahirap dayain ang puso." Hinaplos kong makinis nyang mukha, nakahiga kaming magkatabi sa kumot na inilatag ko para saming dalawa. Kapag weekend kasi napagkasunduan na naming mag picnic, humiga sa lilim ng punongkahoy habang nakatingin sa asul na kalangitan. "Queen, minahal kita ng diko sinasadya, pumintig ang puso ko ng ikaw ay una kong makita, nalulugod ang puso ko kapag ngiti'y nasilayan sayong mukha, napuno ng pag asa ang puso kong nangungulila." Bumangon ako't umupo saka maingat kong binuhat ang kanyang ulo pahiga saking mga hita. Sinuklay ng aking mga daliri ang kanyang mahabang buhok. "In love ako sayo, Queen. hulog na hulog ng damdamin ko sayo, diko kayang suwayin ang ibinubulong ng aking puso, dahil tanging pangalan mo lang ang isinisigaw nito. Di ko alam kung bakit ang tindi ng pagmamahal ko sayo? kung bakit maisip ko lang na mawawala ka sa piling ko, kumikirot na agad ang puso ko, sabay sa pagtulo ng mga luha ko. Haha ang drama ko, pasensya kana." Hinuli nyang aking kamay na humahaplos sa kanyang buhok, pinagdaop nya ito. Napapangiti na lang ako sa kalambingan nyang ginawa. "Diko alam kung bakit minahal kita, gayong ilang buwan pa lang tayong magkakilala, sa bawat pagbibiro at pangungulit mo ako'y iyong napapasaya, naramdaman ko na lang na mahal na kita. Sana, Mc.. hindi ka magbago, ngayong nagmamahalan na tayo, Ingatan mo ang puso't damdamin ko, wag mong saktan at paluhain ako. Dahil masakit ang mabigo't masaktan. yung parang basahan kang basta lang tinapon kung saan, kaya sana maging tapat ka at wag mong ipagkait ang pag-ibig na tunay at tanging nagbibigay ng kaligayahan sakin." "Hinding hindi mahal ko, tandaan mo lagi ito.. diko man kayang ibigay sayo buong mundo, diko kayang sungkitin ang mga bituin upang ialay ito sayo, ngunit susuklian ko ang pagmamahal na iaalay mo, ganyan kita kamahal na kahit biyakin mo itong puso ko, tanging pangalan mo lang ang nakaukit dito." Gumaan ang kanyang pakiramdam na kanina lang ay may bahid ng pag aalinlangan at kalungkutan. Masaya sya sa naging pasya nyang bigyan ng chance si Mc na patunayan sa kanya ang pag ibig nito. Napapikit ang kanyang mga mata ng masuyong halikan sya nito sa labi. At ng maghiwalay ang kanilang mga labi. "Marami mang hadlang sa ating dalawa, para sa akin ito ay dina mahalaga, basta't ang alam ko lang sa piling mo ako'y liligaya, pinasasalamatan kong sa buhay ko dumating ka, Mc. " "Ang mahalin mo ay kayamanan ko na, walang papantay at hihigit sa alay kong pag-ibig sayo Queen, dahil sinasamba kita higit sayong inaakala, ganyan ako magmahal sa babaeng karapat dapat at may pagpapahalaga sakin.. Kung anuman ang bukas na darating, hawak kamay at sabay nating harapin, maging masalimuot at matinik man ang landas na ating tatahakin, ito ay ating makakaya basta't kasama kitang nananalig at nananalangin." Inalalayan nyang bumangon mula sa pagkakahiga sa kanyang kandungan si R'joy. Umupo itong patalikod sa kanya saka dahan dahang sumandal sa kanyang dibdib. Payakap nyang pinag daop ang kanyang mga braso sa bewang nito. "Sa sobrang seryoso mo magmahal at totoo, hindi ko alam kung deserve ko pa bang maramdaman ang ganyan. Ganun ba ako kaworth it mabigyan?" Natatawang hinalikan nya sa ulo ang dalaga, malakas naman nitong tinampal ang kanyang braso na nakapulopot sa bewang nito "Kainis ka! Palagi mo na lang tinatawanan ang mga sinasabi ko sayo." Umirap pa sa kanyang dalaga na lalo nyang ikinatawa. "Pambihira! San na napunta ang bad girl kong nakilala noon? ang astig na babaeng malakas sumuntok at malutong magmura? Ang kinabaliwan kong si R'joy Queen, nasaan na sya?" "Heh! Tigilan moko Manok! kung ayaw mong bugbugin kita." Singhal pa nito sa kanya. "Hahaha.. At naging pikon kana rin ngayon, hmm.. Sige, seryoso na.... Sana kaya kong mabigyan ka ng sapat na pagmamahal at pagpapahalaga, Queen. Ayoko kasing kumulang. Ayoko kasing sumobra. Gusto ko yung sapat lang para manatili kang masaya at maligaya." Yun lang ang sinabi ni Mc, tanggal ng pagkainis nya dito. Malaki talagang binago nito sa kanyang buhay. "I always thought that being vulnerable was a weakness, that compromising was wrong. I was wrong, I would follow you anywhere. I will love you forever no matter what we are or where we are. I broke my rules for you, Mc Rabella... Ikaw lang sapat na." "From the moment I said 'l love you', I knew I was going to have to face your beautiful side and your ugly side. For better or for worse, through the good and the bad. I will always love you, no matter what. You can push me away as hard as you can, but I will still love you until I die. You deserve me. Because you deserve the best.. I love you more.. R'joy Queen." Nayakap nya na lang ng mahigpit si Mc. Ang swerte nya dahil nanatili ito sa kanyang buhay kahit na pinahirapan nya pa ito ng sobra. Napangiti na lang sya ng maramdaman ang paghalik ni Mc sa kanyang ulo. 'I fell in love with his courage, his sincerity, and his flaming self respect. And it’s these things I’d believe in, even if the whole world indulged in wild suspicions that he wasn’t all he should be. I love him and that’s the beginning and end of everything.' Ngayon mas lalo pang naging makulay at masaya ang kanyang buhay. Anupa bang mahihiling nya? Kompleto ng kanyang pamilya at may lalakeng nagmamahal ng tapat sa kanya. Ahh.. Wala na syang mahihiling at masasabi pa kundi... 'Thank you Lord! Sa napakagandang kapalaran na ipinagkaloob nyo po sa akin. Thank you so much!' Mc & R'joy Story ♥ In a relationship, you need somebody who's going to call you out, not somebody who's going to let everything slide. You need somebody who doesn't want to live without you, but can. Not somebody that is dependent, but somebody who is stronger with you. A relationship is two people, not one. ♥ Falling for someone is the most wonderful, yet scariest feeling in the world. When you're not sure where life will lead but it's too much of an exciting adventure for you to care. When just the sight of someone gives you butterflies; when hearing him say your name gives you a warm fuzzy feeling running through your body. You get all these odd little feelings, and you're happy. But there's a little troublesome feeling when you're apart that tries to discourage you. But then you see them again, and everything is better, everything is perfect. - END - ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD