bc

HIS WORLD ON A PLATTER - AGE GAP SERIES 7 (SPG)

book_age18+
149
FOLLOW
1.3K
READ
billionaire
HE
age gap
powerful
heir/heiress
bxg
lighthearted
mystery
bold
loser
city
friends with benefits
like
intro-logo
Blurb

Si Cinder Ella (Cindy) ay isang nineteen-year-old self-supporting fourth-year college student at ulilang lubos. Sa pagitan ng mabigat na schoolwork, mga bayarin sa graduation, at pagiging part-time waitress sa isang bar hanggang gabi, ang tanging takasan niya mula sa pagod na realidad ay ang pag-scroll sa f*******: Reels. At doon, may isang lalaking kumukumpleto ng araw niya: si Paris Saint Germain Mirasol De Pontevedra (Chef Paris)—ang sikat na culinary prodigy, billionaire heir, at pambansang crush ng social media.

Para kay Cindy, si Paris ay isang pangarap lang na mananatili sa likod ng kaniyang phone screen. Pero nang mag-iwan siya ng isang nakatutuwang comment na "Hi... sa pinakaguwapo at pinakamagaling na chef. Pa-notice naman please..." sa cooking video nito, may nangyaring himala. Ang verified blue checkmark, nag-reply: “Hi there, sa pinakamagandang follower nitong guwapo at magaling na chef. I see you, sexy.”

Habang hindi pa nakabababa si Cindy mula sa cloud nine, ang kaniyang mapagmahal na boardmate na isang bank teller na si Ate Lea Mea ay nakaharap ang isang elite client sa bangko—ang eleganteng si Madame Maria Corazon De Pontevedra. Problemado ito sa paghahanap ng isang mapagkakatiwalaan, masipag, at hindi madaling masindak na personal assistant o alalay para sa kaniyang magulo, matigas ang ulo, ngunit napakahusay na vlogger na anak. Nakita ni Lea na ito na ang perpektong pagkakataon para matulungan si Cindy sa mga bayarin sa eskwela, kaya kaagad niyang inirekomenda ang dalaga.

Dahil sa malaking sahod na alok, lalabas si Cindy mula sa kaniyang commute-and-budget na buhay para pumasok sa mundo ng karangyaan, high-end kitchens, at elite chaos.

Kakayanin kaya ng isang working-class top fan na pagsilbihan ang pinakasikat na chef sa bansa kapag inihain na sa kaniya ang buhay nito on a platter? O makabuo sila ng isang ganap na kakaibang recipe para sa pag-ibig?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - The Top Fan’s Notice
Para sa isang nineteen-year-old na katulad ko, hindi sa araw umiikot ang mundo. Umiikot ito sa mabilis na Wi-Fi connection, sa fully charged kong smartphone, at sa asul na app na may hawak ng susi sa araw-araw kong supply ng serotonin at happy hormones—ang f*******:. Maaga pa lang, nakasiksik pa ako sa ilalim ng manipis kong kumot habang ang mukha ko ay naiilawan ng malamlam na liwanag ng cellphone screen. Halos muscle memory na ang paggalaw ng hinlalaki ko. Scroll. Scroll. Ignore sa isang nakatatawang meme. Scroll past sa advertisement ng online shopping app. Isa pang scroll. At doon ako natigilan. Napasinghap ako habang nanlalaki ang mga mata ko. **Notification: Chef Paris uploaded a new Reel.** "Ay, Diyos ko!" Hindi ko na namalayang naitapon ko na ang kumot at napaupo ako nang tuwid sa kama. At ang puso ko? Aba! Tila gustong sumali sa Olympics sa bilis ng pagtakbo, este, pagtibok nito. Paris Saint-Germain. Pangalan pa lang, amoy mamahaling pabango na. Tunog private jets, European vacations, at bank account na hindi ko man lang ma-imagine. Pero para sa mahigit dalawang milyong followers niya sa f*******:, isa lang ang tawag sa kaniya. Chef Paris. The internet's favorite culinary prodigy. Certified pambansang heartthrob. At ang personal kong kahinaan. Kaagad kong binuksan ang notification. Nag-load ang video. Napuno ng high-definition close-up shot ng nagse-sear na Wagyu beef ang screen ko. Sumisingaw ang usok habang dahan-dahang nagka-caramelize ang karne sa mainit na cast-iron skillet. Halos marinig ko ang bawat pumutok na patak ng mantika. Pero kung may mas nakaaakit pa kaysa sa pagkain, iyon ay ang boses ng narrator. Ang boses ni Chef Paris. Malalim. Makinis. At delikado para sa emotional stability ng mga babaeng katulad ko. "Hey, guys. Today, we're keeping it simple but rich. Truffle butter, rosemary, and a steak that melts like promises." Sandali akong napapikit. Lord... Hindi po ako ang paborito Ninyo, ano? Pagdilat ko, paangat na ang camera. At doon siya tuluyang lumitaw sa frame. Nakatayo siya sa kusinang mukhang diretsong kinuha sa isang futuristic architecture magazine. Nakasuot siya ng black chef's jacket na may dalawang nakabukas na butones sa itaas, sapat para makita ang malinaw na hubog ng kaniyang collarbone na mukhang pinag-isipan pa ng Diyos bago nilikha… and of course, ang manipis na silver chain sa kaniyang leeg. Ang maitim niyang buhok ay mukhang sinadya ang pagiging magulo. Iyong tipong kagigising lang pero parang model pa rin. Then he smiled. Diretso sa camera. Diretso sa kaluluwa ko. Habang binubuhusan niya ng natunaw na butter ang steak gamit ang kutsara, para akong nawalan ng kakayahang mag-isip. Sumisigaw ng kaguwapuhan ang mukha niya, iyong tipong hindi na niya kailangang mag-effort dahil kusa mo nang mapapansin. Nakababahala. Iyong klase ng guwapong kayang magpababa ng standards at magpatawad ng red flags. At sobrang layo sa mundo ng isang simpleng estudyanteng katulad ko. "Diyos ko, Lord," bulong ko habang nakalapat ang isang kamay ko sa dibdib ko. "Sinasabi ko na nga ba. Ikaw talaga ang pambansang ulam." Hindi lang naman ako ordinaryong viewer. Isa akong babaeng may misyon. Sa loob ng nakaraang anim na buwan, nakamit ko ang pangarap ng maraming fans—ang magkaroon ng Top Fan badge sa mismong page ni Chef Paris. Parte ako ng digital army ng mga taga-hangang laging unang sumasalubong sa bawat post niya. At siyempre, hindi puwedeng mawala ang signature move ko. Ang mag-comment. Mabilis kong binuksan ang comment section at kaagad na lumipad ang mga daliri ko sa keyboard. Hindi sapat ang simpleng "Wow, Chef!" o "Pa-order po." Kailangang memorable. Kailangang cute. Kailangang mapansin. Mabilis akong nag-type: Cinder Ella: Hello sa pinakamagaling at pinakaguwapong chef sa balat ng lupa. Pa-notice naman po. 🥰🔥 Whoosh. Posted. Napangiti ako sa sarili ko. Mission accomplished. Pinatay ko ang cellphone ko at tumayo mula sa kama. May mas importante pa akong laban ngayong araw... ang maka-survive sa university nang hindi inaantok. Mabilis na lumipas ang buong araw. At gaya ng inaasahan, wala akong nai-survive. Char! Buhay pa naman ako. Pero pagkatapos ng apat na lectures, dalawang reporting, isang surprise recitation, at sandamakmak na reminders tungkol sa mga bayarin para sa graduation, pakiramdam ko ay ilang taon ang idinagdag sa edad ko. Pagsapit ng gabi, ramdam ko ang bigat ng buong araw sa aking mga balikat habang naglalakad pauwi sa maliit naming boarding house. Pagpasok ko pa lang sa gate, bumungad kaagad sa akin ang pamilyar na boses. "Cindy! Nandito ka na pala." Napangiti ako. Si Ate Lea. Nakasandal siya sa pinto ng kusina habang may hawak na grocery bag. "Kumusta ang school?" Humugot ako ng malalim na buntong-hininga. "Ate, kung puwede lang mag-file ng resignation sa college, ginawa ko na." Napatawa siya. "Dramatic." "Totoo naman po." Ibinagsak ko ang backpack ko sa mahabang sofa. Parang may lamang hollow blocks. O baka ako lang ang hollow. "Ano na naman ang problema?" Umupo ako sa upuan sa harap niya. "Saan po ba magsisimula?" Nagbilang ako gamit ang mga daliri. "Graduation fee." Isa. "Yearbook." Dalawa. "Educational field trip." Tatlo. "Printing ng thesis." Apat. "Tapos may contribution pa para sa kung ano-anong activities." Napahawak ako sa noo ko. "Feeling ko, bawat paghinga ko may bayad na." Napailing si Ate Lea habang nakikinig. Fourth year na ako sa kolehiyo. Tatlong buwan na lang. Tatlong buwan na lang at matatapos na rin ang lahat ng paghihirap ko. At kahit gaano kahirap, ipinagmamalaki kong narating ko ito nang mag-isa. Wala na akong mga magulang. Nag-iisang anak din ako. Wala akong pamilyang sasalo kapag nadapa ako. Kaya natuto akong tumayo kahit nanginginig ang mga tuhod ko. "Hmmm." Napatigil si Ate Lea sa pag-aayos ng mga pinamili. Pagkatapos, may pag-aalala sa mga matang tumingin siya sa akin. "Alam mo, magtatanong ako sa mga kliyente namin sa bangko." Napakunot-noo ako. "Tungkol saan po?" "Baka may naghahanap ng part-timer." Parang biglang lumiwanag ang paligid. "Totoo po?" "Oo naman. Game ka ba sa kahit anong trabaho?" Napatuwid ako ng upo. "Kahit anong marangal na trabaho po, Ate." Napangiti ako nang malapad. "Game na game po ako. Basta legal." Napatawa kaming pareho. "Aba, siyempre marangal at legal. Ipapahamak ba naman kita?" saad niya habang natatawa. "Maraming salamat po. Tiwala naman po ako sa inyo." At totoo iyon. Kung may taong maituturing kong pamilya sa lungsod na ito, si Ate Lea iyon. Twenty-three years old pa lang siya. Mas matanda siya sa akin ng apat na taon. Pero sa dami ng pinagdaanan namin sa loob ng boarding house na ito, pakiramdam ko kapatid ko na siya. Pareho kaming walang magulang. Pareho kaming natutong lumaban nang mag-isa. At kahit hindi kami magkadugo, naging tahanan namin ang isa't isa. "Wala bang solicitation letter iyang field trip at yearbook ninyo?" Meron. Bigla akong napatayo. "Meron po!" "Bigyan mo ako." Napakurap ako. "Huh?" "Ipamimigay ko sa opisina." Nanlaki ang mga mata ko. "Ate..." "Tingnan natin kung may maawa." "Ate!" Napangiti siya. Napatawa naman ako. Pakiramdam ko, nanalo ako sa raffle. "Hulog ka talaga ng langit." "Oo na. Oo na." Pinandilatan niya ako. "O siya. Maghanda ka na ng plato." Tumayo na siya. "Kakain na tayo." Simple lang ang hapunan namin. Pritong galunggong, ginisang gulay, at mainit na kanin. Pero para sa akin, parang handaan na rin iyon. Kasi kahit gaano kasimple ang pagkain, masarap pa rin kapag may kasalo kang nagmamalasakit sa 'yo. "It's almost seven." Tiningnan ni Ate Lea ang relo sa dingding. "May trabaho ka pa mamaya." Napabuntong-hininga ako. Tama. Waitress mode na naman. Tatlong oras sa bar. Tatlong oras ng pagngiti kahit pagod. Tatlong oras ng pagsagot sa mga customer na akala mo ay tagapagmana sila ng establisimyento. "Sige po." Tumayo ako. "Magbibihis na ako." "Kumain ka muna nang marami." Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Nangangayayat ka." Napatingin ako sa sarili ko. "Ate, ito na po pinakamagandang version ko." "Sinong niloloko mo?" Napatawa ulit kami. Makalipas ang ilang minuto, nakasakay na ako sa jeep papunta sa trabaho. Mabigat ang trapiko, mainit ang hangin, at may batang paulit-ulit na kumakanta sa kabilang upuan. Normal na gabi sa lungsod. Habang nakasandal sa bintana, inilabas ko ang cellphone ko para maglibang. Reflex na yata iyon, parang paghinga. Binuksan ko ang f*******:. At halos mabitiwan ko kaagad ang cellphone ko. "Ano'ng..." Napakurap ako. Tiningnan ko ulit. Hindi ako namamalikmata. Nagwawala ang Notifications ko. Hindi sampu. Hindi dalawampu. Kundi daan-daan. Sunod-sunod. Tuloy-tuloy na para bang may sunog sa comment section. Napalunok ako kasabay ng biglang pagbilis ng t***k ng puso ko. "Naku!" pabulong kong sabi. "Na-bash ba ako?" Baka may mali akong nasabi. Baka may na-offend akong fan. O baka may screenshot na ako sa kung saan-saan. Kinakabahan kong pinindot ang notification bell. At doon huminto ang mundo ko. Literal. Parang biglang nawala ang ingay ng jeep. Nawala ang traffic. Nawala ang lahat dahil sa isang pangalan. Isang pangalan na may kasamang asul na checkmark. Chef Paris replied to your comment. Nanginginig ang mga daliri kong pinindot iyon. Mabagal na naglo-load ang screen. As in sobrang bagal. Parang sinasadya ng internet na pahirapan ako. At nang tuluyan itong lumabas— Halos tumigil ang paghinga ko. Chef Paris: Hi there, sa pinakamagandang follower nitong guwapo at magaling na chef. I see you, sexy. ... ... ... Ha? Napatakip ako sa bibig, kasabay ng panlalaki ng mga mata ko. "S-Sexy?!" Napalingon sa akin ang dalawang pasahero na parang nagulat sa sinabi ko. Pero wala akong pakialam. "Tinawag niya akong sexy?!" Tumingin ako sa labas ng bintana ng jeep na tila ba may nakamasid sa aking camera crew o nakikipag-prank sa akin. Hindi ako makapaniwala. Ang pangarap kong mapansin ng aking nag-iisang idolo na si Chef Paris ay nangyari nga—at hindi lang simpleng "like," kundi isang reply na puwedeng ikamatay ng sinumang tagahanga sa sobrang kilig! Mabilis kong binasa ulit. At ulit. At ulit. At ulit. Pareho pa rin. Hindi nagbabago. Hindi hallucination. Hindi fake account. Hindi edited screenshot. Siya talaga. Si Chef Paris mismo. Ang dahilan kung bakit alam ko ang upload schedule ng isang taong hindi naman ako kilala. Ang dahilan kung bakit may Top Fan badge ako at zero shame tungkol doon. At higit sa lahat, ang dahilan kung bakit hindi ko naisip mag-delete ng f*******:. At ngayon... Nireplyan niya ako. Hindi simpleng like. Hindi simpleng heart react. Reply. Personal. At may sexy pa. Pakiramdam ko lumulutang ako habang bumibiyahe. At kung may soundtrack ang buhay ko, siguro may romantic background music na tumutugtog sa sandaling ito. At habang paulit-ulit kong binabasa ang mga salitang iyon, parang unti-unting naglaho na parang bula ang pagod ko sa eskwela. At hanggang pagdating ko sa bar, nakangiti pa rin ako. Habang nagse-serve. Habang naglilinis ng mesa. Habang kumukuha ng order. Habang nagdadala ng drinks. Nakangiti pa rin ako na parang sira. At ilang beses ko pang palihim na binasa ang reply niya. Hindi ko alam kung bakit ako. Hindi ko alam kung paano niya napili ang comment ko sa libo-libong comments, ngunit isang bagay ang sigurado: ngayong gabi, feeling ko ako na ang pinakamasuwerteng babae sa balat ng lupa. Subalit ang hindi ko alam, habang pilit kong itinatago ang aking ngiti at kilig habang nagseserbi sa mga customer sa bar, may mas malaking sorpresa na inihahanda ang tadhana para sa akin kinabukasan sa mismong bangko kung saan nagtatrabaho si Ate Lea.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
49.9K
bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
105.4K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
324.8K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
52.7K
bc

The Forgotten Wife

read
43.9K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
31.5K
bc

Built to break you, meant to love you-SPG

read
22.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook