Ngayong araw ipapakilala si Kuya Gianne bilang bagong CEO ng mga Hotels namin. Madrigal Hotels. Isinama ako sa board meeting kasi kasama din naman ako sa may share sa Hotel namin. Andun din si Kuya Ferdinand.
"Sir, kumpleto na po ang board members. Nasa conference na po silang lahat."
" Thank you, Daniel. Nakready na ba ang water and coffee nila?" Dad
"Yes Sir, dadalhin na din po sa conference once na makapasok na kayo". saad ni Daniel
Sabay sabay kaming lima pumasok ng conference room. May mga bakanteng upuan sa harap. Pagkakita sa amin ng mga tao sa loob nagsitayuan at bumati sa amin ng Good Morning. First time ka dadalo sa mga ganitong meetings. Kakaiba pala pag sa personal na. Nababasa ko lang to dati sa mga pocket book. Umupo na kami sa designated na upuan namin. Tumayo si Dad
"Gentlemen gusto ko ipakilala sa inyo ang mga anak ko. Since alam niyo naman na may mga 10% share sila dito." Huminto si dad saglit sa pagsasalita.
"Nakikita niyo lang na anak ko si Ferdinand Madrigal dahil siya lang ang lagi ko nakakasama this past few years sa mga board meetings, sa mga susunod expect niyo nadin ang nag iisang kong anak na babae. Dra. Sophia Ellaine Madrigal" saad ni Dad. Tumayo ako saglit.
" hello po" sabi ko
"kumpadre may dalaga ka pa lang anak.Ngayon lang namin siya nakita."
"Ngayon lang kasi sila umuwi ng Pilipinas, sa America kasi sila nag aral since high school nila".
" and gentlemen this is my son Gianne Clark Madrigal, and the new Ceo of Madrigal Hotels" dad. He have now 20% share of this company. Tumayo si kuya gianne sa tabi ni daddy. Ipinakilala ni Daddy isa isa ang mga nasa board. After ng meeting, dumaan kami saglit sa opisina ni Kuya Gianne, hindi nadin kami nagtagal dun. Iniwan na namin sila ni Kuya Ferdinand sa office. Isinama ako nila Dad and Mom sa pagpunta sa mga hotel and sa mga site visit nila. Ok na din, na habang bakasyon pa ako maikot ko na din yung mga site ng business namin. Para kung stress ako sa hospital pwede ako magsite visit. Gusto mangyari nila Daddy at Mommy na makabisado namin lahat ng pasikot sikot sa mga business namin, sa company, sa hotel and sa hospital. Kaya gusto nila hanggat maaari makaattend kami sa mga board meetings.