bonding

1750 Words
Sa Mall of Asia kami napunta ni Mom. Sa pag iikot namin andami na napili ni Mom na mga damit niya at damit ko. Mga dress karamihan. Pero baka isusuot ko lang yun pag dito. Pumili ako ng mga simpleng t-shirt, pants, leggins, dress at mga pambahay na babaunin ko. Gusto ko maging simple lang pag na kanila Manay Pilar ako. Gusto ko masubukan ang simpleng buhay. Kung sa totoo lang ayoko ng marangyang buhay. Pero dahil andito na ako sa sitwasyon na ito, love it dahil yun ang ipinagkaloob ng Panginoong Diyos. "Anak isukat na natin yung mga dress na napili ko sa atin. Baka kasi iba na ang size ng katawan mo kaya need mo din isukat.Ngayon lang ulet kita napilian ng mga damit mo". Mom. Nginitian ko lang si Mom at kinuha na ang mga isusukat ko. Lahat ng mga dress na nagustuhan ko itinabi ko na. "Mom, kumusta? Nakapili ka na ba?" " Yes anak, ang bilis mo naman magsukat." "Halos lahat kasi ng pili mo Mom nagustuhan ko tapos Fit din sa akin" "Ohhh, ayos kung ganun anak. Hindi pa din pala nagbabago ang katawan mo kung ganun". "yeah parang Mom, sexy padin like you". "Of course anak" sabay tawa ni Mom. After namin magsukat nagtingin din ako ng mga simpleng bag. "Anak, are you sure gusto mo yan?" tanong ni Mom " Yes Mom, gusto ko kasi simple lang ako pag andun." Nakapila na kami sa cashier para magbayad. Naisip namin ni Mom na tawagan sila Dad para sabay sabay na kami maglunch. Nakapagreserved na din kami para sa lunch. "Mom antagal naman nila Daddy". reklamong sabi ko kay Mommy "Baka natraffic lang sila anak,tumawag si dad mo kanina isang car na lang daw gagamitin nila pupunta dito". saad ni Mom Umorder na kami ni Mom, para pagdating nila kakain na lang kami. Gutom na talaga ako. after 10minutes dumating na din sila halos kasabay din ng food na inorder namin "ang tagal niyo talaga,kanina pa ako nagugutom". reklamo ko sa kanila "Princess may kinausap pa kasi ako kanina. nagpaantay na ako sa mga Kuya mo".paliwanag ni dad. Nakonsensya naman tuloy ako. "Mom andami ng inorder niyo ahhh,kaya ba natin to lahat". Kuya Ferdinand "Nakuuu kuya parang alam ko na sino umorder nito,wala talagang pagbabago, akala mo kakatayin na sa mga order ahhh". "kuya gutom ako,kung ayaw niyo kumain wag kayo kumain."sabay irap ko sa kanila. "Mam,Sir excuse me. My idadagdag pa po kayo sa mga order niyo po? let us know po." tanong ng waiter "as of now ok na ito, tawagin na lang namin kayo pag may idadagdag pa kami" sabi ni kuya ferdinand. Tahimik kami habang kumakain, sa dami kasi ng inorder ko hindi namin alam ano uunahin namin na kainin. "waiter".sabi ko "princess oorder kapa?" tanong ni dad "nope dad, ung pinareserved namin ni Mommy na dessert po". "Mam ano po yun," sabi ng waiter " pwede na po iserved ung order po namin na dessert" sabi ko "ok mam, just a minute" sabay alis ng waiter Habang inuubos namin yung mga ulam. Bigla dumating si Terrence na kasama si Atty. Martin. "Hi Tito Tita, " bati ni Terrence kanila dad "Terrence" bati naman niya kanila kuya. Kakilala siya ng family ko, bestfriend ni Daddy ang Papa ni Terrence. Kaya kaming magkakapatid naging malapit din kay Kuya Terrence. Magkaklase at magkatropa si Kuya Terrence at Kuya Gianne. Hindi din lingid kanila Daddy ang problema ni Kuya Terrence. Alam din ng mga parents ko na kasal na si Kuya Terrence at may dalawa nang anak, maaga siya nagpakasal. Maaga niya kasi nabuntis si Ate Lea, pero kami lang ang nakakaalam na may dalawa siyang anak at kasal na. Malaki kasi ang problem ng yaman nila. Yung isang kapatid ng Papa niya inaagaw ung company at ibat ibang naipundar ng mga magulang niya. Sariling pagsisikap ng mga magulang niya yun pero hindi niya makuha kuha ng buo dahil sa sakim na Tita niya. "iho kumusta kana, asan ang mag iina mo?"tanong ni Mom "Tita nasa probinsiya po sila, hindi kopa kasi naaayos yung problema ko sa company" malungkot na sagot ni Kuya Terrence " iho kung may maitutulong kami, magsabi ka lang." sabi ni dad "actually Tito, tinutulungan na ako ni Sophie 3 years ago pa" terrence. "Sophie pwede ba kita makausap,yung hindi masyado madami tao?Tito pwede po ba ako sumama sa inyo,gusto ko po sana humingi ng tulong sa family niyo? Noong nakaraan kopa po kayo gusto makausap buti dumating na din si Sophie." terrence "Sana tinawagan mo na lang si Gianne at sa bahay kana dumeretso. Paano mo nalaman na andito kami?" tanong ni dad "kay Gianne din po Tito, sabi niya andito kayo eh, kaya dito na ako pumunta" paliwang ni Kuya Terrence "sige iho sumama ka sa amin sa bahay, pauwi na din naman kami, inuubos lang namin ang pagkain namin. Kumain ka na ba?" tanong ni Mom "yes po tita ok na ako," terrence Convoy ang mga sasakyan namin. Si Dad sa amin na sumabay. Tapos sila Kuya uuwi din, pag ganito kasi na may problema hindi kami nag iiwanan. Nakasuporta din sila Daddy at Mommy. Pagdating sa bahay nagpahanda ng pwede mameryenda si Mommy kanila ate lea. Dumeretso na kaming lahat sa library. "Ano ba yung sinasabi mo na problema mo Terrence?" tanong ni dad "Tito iniipit po ako ng board, parang kay Tita Kat sila nakakampi. Ayaw nila maniwala na Fiance ko si Sophie. Hindi ko makuha yung share ko sa company at ibang mana ko. Si sophie kasi Tito at Tita ang key." paliwanag ni kuya terrence "tinuloy ba ng papa mo?" tanong ulet ni dad "alam niyo po tito ang tungkol dito?" tanong ni kuya terrence " oo, sinabi niya sa akin noon na kayo ni Sophie ang gusto niya magkatuluyan. Sinabi din niya sa akin na ilalagay niya sa last will niya, na makukuha mo lang daw ang lahat ng mana mo, pag pinakasalan mo si Sophie". "what??? I can't believe this? Ano nasaisip ng Don?" pagtatakang tanong ni Mom. Sila kuya ferdinand at kuya gianne nakikinig lang. "pero Tito iba ang nasa last will ni Papa," kuya terrence "ang nakasulat lang sa last will ng Don, kailangan mag engage sila ng ilang taon, para dun nila malalaman kung sila ba para sa isat isa or hindi. Engagement lang naman ang condition ng Don." "mabuti kung ganun, kasi hindi na pwede ikasal si Terrence atty". "pero ano ang pwede nating gawin para maniwala sila?" "pwede po ba na lagi na muna kami magkasama ni Sophie and kung pwede madala ko siya sa Office bukas?" "Tito wala nakakaalam na may asawa at anak na ako,maliban sa pamilya niyo at sa kaibigan namin nila sophie na si Clarisse. Three years ago Tito and Tita, kinausap ko si Sophie para matulungan niya ako. Nagpropose ako sa kanya ng engagement pero fake lang yun. Bukas sana gusto ko isama si Sophie sa opisina para ipakilala sa board na siya ang Fiance ko. Na nagbibigay ako ng authority para maibenta kaagad yung share ko sa pamilya niyo. Kasi hindi naman na iba si Sophie dahil Fiance ko siya. Mailipat lang ng buong buo lahat ng pera ko kay Sophie Tito. Ok na ang problem ko. Kasi kayo na lang talaga ang pwede ko pagkatiwalaan ng problem ko na ito. Kaya ko ito ginagawa Tito,alam ko hindi na ako magtatagal." sabay alis ng wig ni terrence. Nagulat kaming lahat sa isiniwalat niya. Sa puso at isip ko naaawa ako sa kanya. Nalulungkot din dahil bakit sa kanya pa nagyayari to? Napakabait niyang kaibigan lalona mabait at responsable siyang asawa at ama sa anak nila. "Kai...lan pa ito Terrence? Ano ang sakit mo?" Nanginginig na boses na sabi ko. Biglang naalala ko yung proposal niya noon sa akin. flashback.... "Terrence nakauwi kana pala? Kelan pa? Sino kasama mo?" "oo ngayon lang. Meet Sophie Ellaine Madrigal Atty. Sophie si Atty. Martin Guittierez abogado ni dad. " Hello po Atty," sabay abot ko sa kamay ko "may sasabihin kami ni Atty Sophie, kailangang basahin yung last will niya na kasama ka" "ha? bakit?" naguguluhan kong sabi "Atty explain to her" " Yun kasi ang nasa last will ni Don. Manny Sy iha, Pwedeka ba maabala saglit iha" "sige Atty. wala naman ako pasok ngayon saa school." Binasa na ni Atty ang nasa last will. Nakakapagtaka bakit ako? Andaming babae "Sophie please help me, i really need your help. Hindi pwede mapunta ang pera ni Dad sa kapatid niya dahil pinaghirapan ng Dad ko yun.." "pero paano yun? kasal kana?eh paano pag nalaman nila na nagpapanggap lang tayo. Tapos malaman nila na may asawa at anak kana. Hindi kaya mahirap yan. Hindi kaya tayo magkakaroon ng problem sa mga susunod. Hindi naman sa ayoko, pero iniisip ko lang ang magiging consiquences nito. Hindi kaya ako madedemanda or talo dito?" "Atty. meron kaya pwedeng ikaso kay Sophie pag ganun?" "pwede nating ilaban na hindi alam ni Sophie na may asawa at anak kana. Na itinago mo sa kanya. Na niloko mo siya." "ahhh pwede pwede.. kung wala namang magiging problema, sige pumapayag ako" "thank you sophie" "Paano yan, pwede na ba ako magpropose now para maivideo ni Atty.? "Nung araw din na yun nagkaroon kami ng fake engagement. end of flashback.... "Please help me, kailangan ng mga anak ko at asawa ko ang pera na makukuha ko. Wala na kasi ako ibang maiiwan sa kanila". umiiyak na sabi ni Terrence "yes yes i will help you" niyakap ko siya. Umiiyak kami pareho. Pati sila Mom and Dad kita sa mga mata nila na naaawa din sa kalagayan ng kaibigan ko "saka pag na kay sophie na ang share ko,saka ko siya ibebenta. Hindi na rin naman kaya ng asawa ko kung mananatili sa amin yung share ko. Kung mabubuhay sana ako ng matagal gusto ko imanage ang company kaso hindi ko na kaya. Isinama ko si Attorney Ferrer para sa mga legal na gagawin" malungkot na saad ni Terrence "Iho ilan ba ang share mo sa company?" tanong ni Mom "60% po Titaang share ko". saad ni terrence "magkano naman yun kung ibebenta mo?" tanong ni dad "600million Tito" sabi ni terrence " sige iho ako na ang bibili, pero sigurado ka. kasi sayang din yun. baka paglaki ng mga anak mo gusto nila pamahalaan yun." sabi ni dad "Tito kung hindi ko ito gagawin baka ni piso walang maiwam sa pamilya ko. Tanggap ko na, mapapanatag naman ako kung kayo ang bibili".
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD