Chapter 12

550 Words
Marco's POV "Bro wala pa ba ang kapatid mo? nasaan naba kasi ang bantot na yon" gaya ko ay naiinip na din ako kakaantay kay Beamilyn. Nasaan naba ang batang yon sabi ko sa kaniya maghintay lang sa guard house e. "Hayst sana pala dinaanan ko nalang siya sa classroom niya kanina." muli kong narinig nagsalita si Chyro, nasa likod siya pabulong lang yon pero narinig ko naman. Napailing nalang ako, napapansin ko namang may gusto siya sa kapatid ko pero masyadong torpe. Pero oaky na din yon para makapagtapos si Beamilyn. "Nasaan naba kasi yon" tila hindi mapakaling sabi ni Chyro, teka parang siya pa yung kapatid ha o iba yon sa kaniya." Oh san ka pupunta?" sabi ko nang mapansin kong bababa siya ng kotse." Saan pa edi hanapin yang kapatid mo, parang wala ka namang balak na hanapin siya ei" tignan mo to," Ah talaga? napaghahalataan kana ah" nasabi ko nalang " What do you mean?" kunot noo nitong tanong "Concern lang ako sa kapatid mo, anong oras na oh hindi man lang siya sumasagot sa text o tawag ko." tumango nalang ako. May tiwala naman ako sa kaniya na pagbalik niya kasama na niya si Beamilyn. Bumaba din ako ng kotse. Pagbaba ko ay nakita ko si Alex, yung seatmate kong nerd." Uy pre!" tawag ko dito. Nagulat siya sa pagtawag ko sa kaniya, natawa nalang ako dahil ang cute niya haha pero lalaki si Alex hindi naman masamang pumuri sa kapwa ko lalaki. "O-oh? Ikaw pala Marco, bakit mo ako tinatawag?" tanong ng makalapit ako sa kaniya. Hindi ko talaga na lalaki pala to' nong unang kita ko sa kaniya akala ko tomboy ei kasi yung kutis nya ay parang babae. Ngumiti ako "Ah wala lang uuwe kana ba?" tanong ko, obvious ba Marco? " Ah yes, pero dadaan muna ako sa Cafè nila Auntie. May dadaanan lang ako doon" Tumango-tango naman ako."Diba malapit lang yun sa purok sampaguita?" alam ko ang cafè na yon madalas nga doon pumupunta yung kapatid ko, at napapadaan na din ako doon kapag wala akong ginagawa. Tumango naman siya at tila nahihiya pa sa akin. " Kung ganon pare sumabay kana lang samin, total madadaanan lang naman namin yon ei." Nagulat siya sa sinabi ko."Wag ka mag-alala it's free, atsaka bayad kona din sayo yon kasi tinuruan mo ako kanina sa Calculus, salamat ha." nakangiti kong sabi sa kaniya at napangiti naman siya. Napakagandang-lalaki—teka papuri ko lang yon sa kaniya. " Ahm, sige." parang napipilitan pa niyang sabi. Hindi ata nakayanan ang pagpapacute ko sa kaniya. "Ayos!" napasintok pa ako sa hangin. "Pero hintayin muna natin yung kapatid ko, medyo pasaway e kung saan-saan nagpupunta" Hindi madaldal si Alex hindi din naman siya tahimik, sakto lang wala lang siguro siya sa mood magsalita ngayon. Ilang minuto din kaming nag-uusap nang makita naming paparating na sila Chyro at ang magaling kong kapatid. "San ka galing beamilyn!?" salubong ko sa kanila,tila wala naman itong balak na magsalita tuloy-tuloy lang itong pumasok sa loob ng kotse. Napailing nalang ako sa kaniyang inasal, si Chhyro naman ang nilingon pero wala nakapasok na pala ang loko. "Tara na nga Alex." aya ko kay Alex na nakatulala na ngayon, anyare dito para pa nga itong nagulat e.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD