Chapter 1
Paikot-ikot ako sa aking bed, I can't sleep! hindi naman sa nag aassume ako, what if iniisip din niya ako kaya di ako makatulog? what if nakokonsensiya siya mga ginagawa niya? what if—napailing nalang ako, ano ba itong sinasabi ko.
“Shut up, self. He never care about you.” napabuntong-hininga ako. Right, wala na siyang pakealam sakin.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga. Gusto kong maglakad-lakad muna, makapaghangin ganon. Kapag may sumaksak sakin edi goods, wag lang ako nanakawan kasi wala na akong maibigay sa kanila, ubos na ubos na ako sa lahat binigay ko pa naman ang lahat sa kaniya.
Inayos ko ang buhok ko, kinuha ang jacket atsaka wallet sa bag, tsaka lumabas na ng kwarto. Meron palang open ditong cafè 24/7 daw yun kaya naisipan kong puntahan yun keysa naman magmukmok ako dito, masasaktan naman ako kapag iisipin ko yon.
Naglakad lang ako kasi malapit lang naman ito sa bahay namin, mga ilang kanto lang naman siguro. Habang naglalakad ay napapansin kong madami pa naman ang nasa labas, sabagay nine thirty palang naman ng gabi ei, wala namang curfew dito sa amin kaya malaya ang mga palahubog sa daan pa talaga sila umiinom.
Ilang minuto din ang nilakad ko, medyo pinagpawisan din ako at nauhaw. Pero naapangiti ako dahil nasa harapan ko na ngayon ang cafè na sinasabi nila. Hindi ko makita ang nasa loob kasi tented yung glass wall nila, wow taray ang yaman pala ng may-ari dito e. Tinulak kona ang glass door, pagpasok ko ay napahanga ako sa sobrang lawak at sobrang liwanag sa loob kaso nahiya ako agad dahil pinagtitinginan ako ng mga tumatambay dito, medyo nahiya ako sa itsura ko.
“Aray!” nabigla ako dahil may bumangga sa likod ko, muntik tuloy akong mapasubsob sa sahig.
“Tsk paharang-harang kasi.” narinig kong sabi nito.
Nainis ako sa ginawa niya pero hindi nalang ako umimik, wala ako sa mood makipagsumbatan sa mga walang modong kagaya niya akala mo naman sobrang gwapo. I mean, gwapo naman siya kaso napaka-arogante ng dating, nakakainis!
Tumungo ako sa counter ng nakabusangot, parang gusto kona tuloy umalis dito.
“What is order miss?”
Nagulat pa ako dahil medyo natulala na pala ako. Tinignan ko ang nagsalita. Wow ang cute niyaaaa pakiramdam ko bigla akong namula, ang cute niya kasi umaygud!
“A-ah. ahem. ” nautal pa ako, kahiya gosh. “Uhm patingin ng menu?” sabi ko.
“Ah nasa harapan niyo na miss hehe” nakangiti nitong sabi atsaka tinuro sa harapan ko, medyo napahiya ako pero isinawalang bahala ko nalang halata naman kasi sa kaniya na hindi ako pinagtatawanan, hindi nga ba? Kunot-noo akong tumitingin sa menu nila, not familiar. Gusto ko vanilla, yon lang at wala ng iba.
“Bakit humahagikgik ka diyan?” kunot noo kong pansin sa kaniya ng mapansin kong tila pinagtatawanan ako nito. Tumigil naman siya at medyo natakot kasi sinamaan ko siya ng tingin.
“I'm sorry naman, lutang ata po kayo hehe. Sorry ulit ma'am, sige na po what is your order po?” nakangiti niyang sabi, gustuhin ko mang sungitan siya pero nakakahawa kasi ang ka-cutetan niya. Feel ko crush kona siya, umaygud! Kahit sino siguro mapababae or mapalalaki pa yan mapaibig niya, grabe nahiya tuloy ako.
“Vanilla.Vanilla flavor, meron kayo?” sabi ko magsasalita pa sana siya ay inuhan kona siya. “Alam kong wala sa menu, pero gusto ko yung flavor na yon, gawan mo ako non kung kinakailangan. Bilisan mo, parusa muna din yan dahil pinagtatawanan mo ako kanina.” nagsusungit sungitan kong sabi atsaka siya tinalikuran, iniwan ko siyang tulala doon.
Umupo ako sa pinakamalapit sa counter para masilayan ko siya. Merong lumapit sa kaniyang lalaki, medyo naningkit pa ang mata ko dahil napansin ko sa lalaki ang kakaibang titig nito sa cute boy na nasa counter, wait.. hindi kaya.. ah baka naman ganon lang talaga siya tumingin?
Teka nga bakit koba pinapakealam yon duh. Dumokdok ako sa mesa, tinatamad na ako. Ang sakit na kasi ng mata ko, hays humahapdi naman siya, dahil siguro to sa kakaiyak ko kagabi atsaka kaninang umaga.
“Here's napo yung order niyo ma'am.” inangat ko ang ulo ko atsaka tinignan ang binaba niyang kape, sunod ko namang tinignan ang nagdala sakin ng order, akala ko si cute boy di pala. “Sabihin niyo lang po kapag may kailangan pa kayo. " nakangiti nitong sabi atsaka umalis na sa harapan ko. She's pretty naman, she look also adorable. Tingin ko mas bata siya sa akin, siguro mga high school palang siya, teka pwede palang magtrabaho dito yung high school? apply kaya ako, impossible di ako tanggapin e college na ako.
Habang nagkakape ay napatingin ako sa cellphone ko, hayst wala man lang siyang update sakin. Namimiss kona naman siya.
“Alam mo ba pre, nakakatawa talaga yung babae. Grabe pre ang sarap sa feeling na iniiyakan ka ng babae haha. Talagang hindi niya ako kayang iwan HAHAHA” sa kabila ng pangungulila ko ay bigla akong nakarinig ng tawanan sa kabilang mesa. Malapit sila sa pintuan, lima silang kalalakihan. Napapatawa naman ang mga kasama nito.
Ayoko sanang makichismis pero ang lakas ng boses ei. “Akalain mo yon pre bumukaka siya mismo sa harapan ko HAHAHA grabe hindi ko alam na ang landi pala niya.” kunot-noo ako sa aking naririnig, kailangan pa talaga sabihin yon, in public place talaga!? napakawalang respetong gago naman.
Dahil naiinis na ako sa mga pinagsasabi ng ulol nato ay tumayo na ako sa kinauupuan ko. Pumunta ako sa mesa nila ,habang papalapit ay walang tigil siya sa pagkwekwento kong paano niya nakuha ang girlfriend niya at kung paano niya ito iniwan, really proud kapang hayop ka? ”Puta pre sexy naman siya pero ang luwang na niya, matagal kona kasi yun natitikman gusto ko yung bago namang putahe—” napatigil siya sa pagsasalita dahil agad kong sinubo sa kaniya ang tinapay na nasa plato nila.
“Alam mo wala naman akong pakealam sa sinasabi mo, pero kasi bro ang lakas ng boses mo. Sa tingin mo ba ikaw lang ang tao dito? like duh? proud kapa? Sabagay, sa mukha palang— hmm wait sa kapal ng mukha mo meron kapa bang hiya? Umgygod, look at yourself boy? You're not attractive naman, kahit nga bakla di maatract sa ganiyang itsura, bakit hindi kana lang magpasalamat sa babaeng 'tinikman mo' dahil pinagbigyan kapa, baka nga kung wala yung babaeng yon, walang papatol sayo. Ang pangit mo kaya, like duh.” mahaba kong sabi at pinakakita sa kaniyang nakakadiri siya! pwe.
Nginitian ko sila atsaka umalis nasa harapan nila. Tulala silang lahat, samantalang yung lalaki ay tila naluluha na gustong manakit. Baka kapag di pa ako umalis doon, masapak na niya ako ng wala sa oras.
“Goodjob.”
Napatigil ako harap ng pintuan. Tinaasan ko ng kilay ang nagsalita."Sino ka naman?” tanong ko habang pinapasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
Matangkad, sa tantsa ko hangang balikat lang siguro niya ako. May itusra at mukhang matured na siya. Malaki din ang kaniyang dibdib at di halatang estudyante siya, bakit ko nasabing estudyante siya? eh kasi nakauniform pa siya tapos nakaid pa. San kaya to galing.
"Ako si Lucard, pinsan ko yong sinabihan mo.” pakilala niya, medyo kinabahan ako, hindi kaya siya yung gaganti para sa pinsan niya? “Don't worry, wag kang matakot hindi kita sasaktan. I just want to tell you na napahanga mo ako dahil sa katapangan mo. Grabe , napakayabang kasi talaga non ei. Hindi ko nga akalain na may magsasabi non sa kaniya.” kwento nito.
" Hindi ako interesado, layuan mo ako. Wala ako sa mood makipag-usap.”
Naglakad na ako palayo sa kaniya pero narinig ko pa itong nagsalita.
"Miss teka lang! Anong pangalan mo?”
"Beam.”