Chapter 2

775 Words
2 Months Later Humiga ako sa kama at medyo napangiti. Pinikit kona ang aking mga mata upang matulog na. Kinabukasan ay maaga akong bukas dahil pasok na naman. Masyadong maaga ang flag ceremony namin, seven o'clock talaga, jusq naman. Inaantok pa ako,gusto ko pa matulog pero di pwede may report ako ngayon. First year college na ako, education ang course ko. Hindi ko ginawang no choice ang course na yan sadyang wala lang talaga akong alam na gawin, kundi no choice narin siguro kaya nag educ nalang ako haha. Mabilis akong nagbihis ng uniform,pagbaba ko sa sala ay naabutan ko doon ang kapatid ko. 3rd year naman siya, same school kami. "Oh buti naman at nakabihis kana. Wag kana kumain, dun nalang malelate naman tayo.” sabi nito ng mapansin akong pababa ng hagdan. Hindi ako nagsalita at tumango nalang ako kahit alam kong di niya nakita. " Nga pala, sunduin kita mamaya sa classroom mo, sabay ka sakin umuwe.” tumango ulit ako. "Bakit ba hindi mo man lang ako sinasagot? sumagot ka naman kapag tinatanong kita Beamilyn!” Napabuntong-hininga nalang ako sa inis. “Naririnig ko naman lahat ng sinasabi mo kuya, atsaka tinatamad ako magsalita.Okay?” sabi ko atsaka nauna ng lumabas. "Hmp kay aga aga nakabusangot ka buti naman sana kung kinaganda mo yan” narinig kong sabi niya pero di kona lang siya pinatulan. Ganyan talaga kami, parang aso at pusa. Sumakay na ako sa kotse. Sa likod ako umupo, ayoko sa front seat. " Oh bat dyan ka umupo? ano ako driver mo? dito ka sa harap." Naiinis akong lumabas atsaka padabog na binuksan ang pintuan ng front seat. " Pinagdadabugan muna ako ngayon ha, ano bang problema mo at ganyan kana naman. Pati ako nabebeast mode sa ginagawa mo ei. Tigil mo nga yan—” ”Ikaw kuya? Kailan kaba titigil? Alam mo ang daldal mo ei.Kanina pa ako naiirita sa mga pinagsasabi mo. Wala akong problema,sadyang kulang lang ako sa tulog!” kulang nalang masisigawan kona siya sa inis. "Okay!” Matapos non ay tumahimik din siya. "Nga pala, beamy text mo ako agad kapag classmate mo si Angelica Torres ha” kumunot noo ko at magtatanong sana ako "Wag muna tanungin kung bakit basta gawin mo nalang ang sinabi ko—" " Ayoko" "Alalahanin mo, nasa akin ang allowance mo” napairap ako sa inis, damn right "Okay fine.” “Goods.” nakangiti nitong sabi atsaka nito ginulo ang buhok ko. "Ano ba kuya!” “Wag kang makikipag-away doon ha? habaan mo lang ang pasensya mo. Wag mo ng uulitin yung nangyari nong nakaraang linggo. Kay bago-bago mo palang napa-guidance kana tsk tsk.” iiling-iling niyang sabi. Muli kong naalala ang nangyari nong nakaraang linggo. “Huy babae! Umalis ka diyan,pwesto namin dyan.” habang kumakain ako ng sandwich na pabaon ni Kuya Marco ay may tatlong babae ang lumapit sa akin. Matataray ang mukha nila. Dahil hindi naman ako masunurin ay hindi ako umalis sa pwesto nila, like duh. Hindi pa sila pwedeng mag-hanap nalang diyan, ang dami pa ngang bakante dito sa cafeteria e. "Aba huy! bingi kaba” hindi ko parin sila pinapansin, sino ba si huy? Beam pangalan ko, hindi huy. Pinagpatuloy ko ang pagkain at hindi ko sila pinapansin. " Ah, ayaw mong umalis ha. Okay fine!” Umalis sila sa harapan ko, malay ko kung san sila pupunta. Kampante naman akong kumakain ng bigla ko nalang naramdaman na merong humampas sa likod ko na halos ikaluwa ng mata ko sa sobrang gulat, pati yung kinakain ko nailuwa ko dahil sa hindi ko inaasahang pangyayari. Masakit. Sobrang sakit. "Yan ang napapala ng hindi sumusunod sa akin.” Tumayo ako at hinarap ang babaeng epal. Hindi ko pinakita na nagsaktan ako, sa halip ay nginisian ko sila para lalo silang maasar. “Naghahanap kaba ng gulo?” nakangisi kong sabi. Hindi kona siya pinagsalita dahil agad kong pinahalik sa kaniya ang kamao ko. Ayon, dumugo ang ilong. Sinunod ko namang pinagsasapak ang dalawa niyang kasama. Pareho silang nakasalampak sa sahig. Kahit medyo napuruhan ang likod ko ay binuhat ko ang kinauupuan ko. "Pwesto niyo to diba?" sabi ko sa kanila. Hindi sila sumagot nakatingin lang sila sa akin. "Ito kainin niyo!” at walang pag-aalinlangan kong tinapon sa pagmumukha nila ang upuan. I don't care kong nasaktan sila, pakealam ko. Inunahan nila ako. At yon, dumating na yung principal. "Andito na tayo. Gusto ko magbehave ka ha, hindi kana bata para makipag-away dyan, kung maaari pwede bang ikaw nalang ang umiwas?" muling paalala sakin ni Kuya Marco. "Depende ah" kibit-balikat kong sagot bago ako bumaba ng kotse niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD