Chapter 3

200 Words
Habang naglalakad ay napapansin ko ang pag-iwas ng tingin nila sa akin. Lihim naman akong napapangiti, dapat lang wag niyo akong tignan baka kapag di ako nakapagpigil madukot ko isa isa ang mata niyo. “Totoo pala yung chismis, ikaw talaga yung bagong lipat dito nong nakaraang linggo. Grabe pati ba naman yung tatlong b***h na yon pinatulan mo.” habang naglalakad ako ay may tumabi sakin, kilala ko siya. It's Chyro, my brother's best friend. “Baka gusto mong malaman kung ano ang lagay nila? Hmm, nasa ospital sila ngayon, may nabali daw sa braso ni Britanny dahil sa pagkakatapon mo sa kanila ng upuang bakal.” “Is that a big deal?” walang gana kong komento. “I know, wala ka naman talagang pakealam. Kailan pa ako umasa na magkakaroon ka ng pakiramdam.” “Why don't you just shut up? or do you want me to shut your mouth? You know what, Chyro. Napakaannoying niyo, kanina si kuya ang aga aga binungangaan ako, and then ikaw na naman? mag best friend nga kayo.” mahaba kong linya atsaka mas binilisan pa ang lakad ko para hindi niya ako maghabol pa. Sira na naman araw ko. ----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD