Chapter 4

277 Words
"Goodmorning!" pambungad sa akin ng seatmate ko, si Ricka. Anong good sa morning kung ikaw ang bubungad sa akin? jk. “Aga-aga badtrip ka naman ata ah.” Bumuntong-hininga ako atsaka ako tumanaw sa labas ng bintana. Nasa likuran ako banda, nasa tabi ng bintana kaya mahangin dito kasi yung likod ng classroom namin ay mga kagubatan, second floor ang room namin kaya nakikita kong malawak ang kagubatan. Minsan nga lang parang merong nakatingin sa akin, gaya ngayon. Hindi ko pinapansin si Ricka sa kakasalita niya, wala naman akong pakealam sa mga pinagsasabi niya atsaka hindi kami friend. Sadyang papansin lang talaga siya. “Goodmorning class.” dumating na din ang professor kaya tumigil na kakadaldal ang katabi ko. “Meron naman kayong bagong makakasama sa klase niyo. Mr Puentes come in.” nakangiting sabi ng guro. Pumasok sa loob ang bago naming kaklase. Nakangiti ito at napakaaliwalas ng pagmumukha, matanda siya at matipuno halatang laging suki sa gym. Nagbulungan naman ang mga babae tila kinikilig pa ang mga ito, totoo namang malakas ang dating niya. Ito namang katabi ko parang inasinan, tsk. Tumingin muli ako sa kagubatan ngunit nangunot-noo ako dahil parang meron akong napansin na tumakbo papunta sa loob ng gubat, teka.. sa pagkakaalam ko bawal ang pumunta doon dahil daw may mababangis na hayop doon na pinangangalagaan din ng may-ari nitong eskwelahan. “Magpakilala ka sa bago mong kaklase iho, mababait ang mga yan” Isinawalang bahala ko nalang ang nakita ko, baka namamalikmata na naman ako. Tumingin ako sa harapan at hanggang ngayon ay hindi parin nawawala ang ngiti nito habang nakatingin sa akin... Wait what? bakit siya nakatingin sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD