I\'m writing a novel like action and love story. I may not the best writer in the world but i will make sure that my story will bring you to the another universe, it will inspire you and motivate you in life.
Napilitan na sumama si Jevey sa tiyahin nya sa maynila sa kadahilanang naulila na itong lubos sapagkat sa hindi inaasahang pagkakataon ay namatay ang kaniyang ina at ang kaniyang ama naman ay matagal na silang tinalikuran,kaya walang ibang asahan si Jevey kundi ang sarili na lamang, mabuti nalang at meron itong tiya na mabait, inampon siya nito at dinala sa maynila.
Dahil bago kay Jevey ang kapaligiran ay malaking mag-aadjust ang gagawin niya at sinasanay na din niya ang kaniyang sarili sa bago niyang tahanan, maging sa bagong skwelahan na papasukan niya.
Sa bagong paaralan na kaniyang papasukan ay himdi niya aakalain na makikilala niya ang iba't -ibang uri na pag-uugali ng mga estudyante,spoiled brat, feeling artista, gangster, papansin, mga patapon ang ugali at syempre hindi mawawala dyan ang mga bully, kumbaga mga feeling badgirl akala mo naman ikinaastig nila at sa kamalasmalasan pa ay siya pa ang natripan ng sinasabi nilang leader na bullyhin siya, childish diba?
Sa daming estudyante at transferee na pwede nilang paglaruan ay si Jevey pa talaga.
Ang leader slash gangster kuno na medyo bully ay makakabangga niya?! whut! sino ba siya?
Sya lang naman si Irish Jane Monterey ang bunso na anak ng may-ari ng skwelahang pinapasukan niya. Kaya pala ang lakas ng loob manggulo ha'no! Siya ang puno't dulo ng lahat kung bakit naging miserable ang pananahimik ng ating bida, kumbaga papansin siya kay Jevey na lagi namang dedma sa kaniya.
Paano ba magtatagpo ang kanilang landas?
Magbubungguan?
Matatapunan ni boy ang damit ni girl kaya nainis si girl kay boy??
or di kaya'y trip lang talaga siya ni girl?
Sa totoo lang, hindi naman mahalaga kong ano ang dahilan ng pagkakilala nila,sobrang cliché na kasi niyan, hindi sa ganiyang paraan sila magtatagpo, gusto mong malaman? Maraming nagaganap sa pinasukan niyang paaralan. Maraming tanong na pumapasok sa isipan niya. Isang pangyayari ang naganap. Matapos mamatay ang unang subject teacher nilang si Mrs. Reyes, sumunod na namatay ang teammates niya sa basketball. At pagkatapos non ay malalaman nila ang sekretong hindi dapat maibubunyag.
#HowToBecomeAWriterSomeone like me na nangangarap na makatapos ng isang nobela, malaking pagsubok ito para sa akin, i've watched many tutorial in the yt, tiktok and other platform para lang makakuha ng idea on how to make a story or paano ko ba sisimulan ang kwento ng hindi nahihirapan. Pero unang chapter palang ay nablablangko na ang isip ko, nagkakarambolan ang iba't ibang senaryo sa utak ko at hindi ko alam kong paano ko sila isisingit sa mga eksenang magaganap. Minsan nga dumadating na sa puntong gusto kona lang sumuko dahil baka hindi para sa akin ang pagiging writer. But i really want to become a writer, hindi lang para magkapera or sumikat dahil na din gusto kong imotivate ang sarili ko, gusto kong kausapin ang sarili ko sa pamamagitan ng pagsusulat at gusto kong ilabas lahat ng mga gusto kong mangyari na naiimagine ko lang, gusto kong maging totoo sila kahit man lang sa kwento ko.
Paano ba malalaman kung mahal namin ang isa't isa? sapat ba ang "Iloveyou" or "Mahal kita" para ipakita mo sa kaniya ang pagmamahal mo? Para sa akin, hindi. Alam mo ba yung feeling na kapag nasa tabi ka niya, pinapakita niyang mahal ka niya, nag eeffort siya, ginagawa niya ang lahat para lang di ka mapagod, pero bakit ganon? bakit kapag nasa malayo naman kami pakiramdam ko naman parang hindi niya ako kailangan, parang hindi ako mahal o di kaya'y kapag nasa sitwasyong nasasaktan kana at pinapaalam mo sa kaniya bakit parang siya pa yung mas nasasaktan sa aming dalawa?! Napakaselfish nga ba niya or ako? Immatured ba siya or ako? Sensitive ba siya or ako? Gusto ko lang naman yung kahit nasa malayo kami sa isa't isa ay ramdam ko ang pagmamahal niya, gusto kong kahit nag-uusap lang kami sa message ramdam kong may halaga ako sa kaniya at binibigyan niya ako ng sapat na dahilan para mas lalo pa siyang mahalin, pero mukhang malabo. Ayokong umasa sa kaniya na balang-araw ay maiintindihan niya rin ang nararamdaman ko. Gusto kong iparamdam sa kaniya na nakakasakit na siya, kahit man lang sana sa isang beses lang na maramdaman niyang napapagod na ako. Hindi kona maipaliwanag pa kung ano itong sakit na aking nararamdaman. Ang alam ko lang, gusto ko munang mapag isa. Gusto ko muna siyang kalimutan. Gusto ko munang kalimutan ang sakit na pinaramdam niya sa akin. Gusto ko munang bumalik sa umpisa. Nakakaubos din pala kapag binigay muna lahat.Yung binigay muna lahat pero hindi parin sapat haha. Nakakasama ng loob. Aaminin ko, gusto ko lang ng lambing niya. Gusto kong lambingin din niya ako. Gusto ko muling maramdaman ang pagmamahal niya, inuulit ko gusto ko lang ng lambing niya. Pero imbis na bigyan niya ako, wala ei.