CHAPTER 01
“Omygod! beshy ko namiss kita!"
"Uy besh namiss din kita"
"Hala!! mga bakla madaming pogi sa labas kyahhhh!"
"Totoo ba? dali tignan natin!"
Samo't saring mga boses ang naririnig ko habang dumadaan ako sa hallway, ang daming iba't ibang estudyante ang nakikita ko. Karamihan sa kanila ay nagkakamustahan o d kaya'y chikahan. Napailing ako dahil sa sobrang inngay atsaka nahihilo din ako, hindi ako sa sanay sa maraming tao kaya binilisan ko nalang ang paglalakad para makarating na sa classroom ko.
Inayos ko muna ang pulo atsaka ako pumasok sa classroom. Pagpasok ko sa loob ay natigilan sila at biglang napatingin sakin, sa tingin ko naman maayos naman ang itsura ko. Naka-tshirt at pantalon, rubber shoes na white na bigay pa ng mama ko medyo luma na din pero okay pa man siya suotin, tas black na bago pa binili ni tita dorang kahapon.
Yung tingin nila akala mo isa akong basurang pumasok bigla sa classroom nila. Hindi kona lang sila pinansin, naglakad ako at tumungo sa pinakadulong upuan na malapit sa bintana. Ayus..
Paglapat ng pwet ko palang sa upuan ay merong ng tatlong tao ang lumapit sakin. Yung nasa gilid sa kanan banda nagkukulangot pa, tas yung isa sa kaliwa naman nagkakamot ng ulo may kuto siguro at ang malupit yung nasa gitna nila, may kulay pula na tela na nakatali sa noo niya, mang kepweng is dat u?!
"Ikaw ba yung bagong salta dito?" maangas na tanong ng nasa gitna, hindi ko siya sinagot. "Anong pangalan mo?" tanong ulit niya. Pero hindi ko siya ulit pinansin. Sa halip ay tumingin ako sa labas ng bintana, nakikita ko ang mga dahon na nagtataasang mga puno.
"Ay pre bingi ata" narinig kong sabi ng kasama niya wala akong pake kong sino siya."Huy, kinakausap ka ni Kilo!" ibang boses naman ang nagsalita., pero pinanindigan ko talagang hindi sila pansinin.
"Aba't—pigilan niyo ako mga bords! sasampalin ko'to"
"Hindi na pare sampalin mo na yan! walang respeto!"
Napairap nalang ako sa kawalan. Mga abno , ano bang problema nila? hangga't maaari ayoko ng gulo. Hindi na siguro sila nakatiis kaya naramdaman kong tinulak nila ang balikat ko. Napahinga ako ng malalim, hinarap ko sila ng nakataas ang kilay
"Bakit?" painosente kong sabi.
Ngumisi ang nasa gitna atsaka nilingon ang dalawa niyang kasama atsaka sila nagtawanan."Marunong ka naman palang magsalita eh"
"Narinig mo naman ako diba" pabalang kong sagot. Hindi ata nila nagustuhan ang tuno ng pagkasagot ko sa kaniya. Napasinghal siya sa inis siguro."Aba'y sumasagot kapa ha" sabi nito, hindi ko inaasahan na bigla nitong kalampagin ang armchair ng upuan ko. Hindi ko naman pinahalatang naapektuhan ako sa ginawa niya.
"Tinatanong kita ng maayos ha. Sino ka sabi!?"medyo pasigaw pa nitong sabi. Inisnoban ko siya. "Maayos ba yan? bakit may pasigaw?" kalmado kong sabi
"Pre kalmado lang" pang-aalo ng kasama niya yung nasa kanan, kunwari namang nagrerelax itong kupal na kilo daw.
"Ito na kalmado na ako. Dahil merong kasabihan na ang tunay na lalaki ay laging kalmado kapag nakikipag-usap sa walang modong katulad mo" pangisi-ngisi nitong sabi, supportive naman ang dalawa.
"Sino ka? ikaw ba yung transferee dito na galing probinsiya? Alam mo bang ikaw lang ang probinsiyano na lumipat dito, bakit may pera ba kayo? ha, atsaka ikaw lang naman ang kaisa-isang lumipat dito"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Aba'y bakit ko naman sasabihin sayo" ok,sabi mo eh. Dahil wala pa man ang guro ay siguro iidlip muna ako saglit baka kapag di ko sila pinansin ay aalis din sila agad. Dumokdok nalang ako sa armchair ko at hindi sila pinansin pero hindi pa man ako nakakapikit ay bigla nalang ako nitong hinawakan ng marahan sa kwelyo ng pulo at sapilitang itinayo, at ngayon magkapantay na kami ng tayo mas matangkad nga lang siya ng kunti, pwe lugi. Pero aaminin ko meron namang itsura itong ulupong na to pero yon lang walang modo.
"Alam mo bang kabastusan ang hindi pagsagot sa tanong ko! gusto ko lang malaman kung sino ka at saan ka kumukuha ng lakas ng loob para yabangan ako ha!" halata sa tuno ng pananalita niya ang panggigil kulang nalang nga sapakin ako nito kung hindi lang nagsidatingan ang ilan kong mga magiging kaklase, useless din naman sila nanonood lang naman sila. "Hindi pa tayo tapos" gigil niyang sabi atsaka niya ako tinulak paupo.
Aminadong nainis ako sa ginawa niya, pero hinayaan kona lang. Napansin ko lang ang pagtahimik ng paligid at tila takot sila sa nagngangalit na dragon, paano kasi ang ulupong pinagsisipa ang upuan habang palabas ng classroom, typical na isip-bata, bully at feeling hari.
Napailing nalang ako. "Ikaw ba yung transferee?" tinignan ko lang ang nagtanong. Babae siya at nakasalamin, mapula ang labi atsaka halatang mayaman din naman kahit mukha siyang low class, i mean mukhang nerd o loser ganon. Hindi na nga lang halata kasi kung hindi ba naman agaw pansin ang hikaw niyang mala-ginto na kumikinang pa. "Hey, sorry my bad. I'm Chellesie Mondrey nga pala, but you can call me Che. And I'm the Class President, nice meeting you newbie." nakalahad ang kamay nito at parang gusto niyang makipagkamay, friendly naman siya pero merong nagsasabi sakin na may something about her, ewan.
"Jevey, you can call me Jev." monotone kong sabi. Wala talaga akong balak makipagfriends o lumapit ni isa sa kanila na taga rito, dahil ayokong makipaghalubilo sa mga mayayaman na gaya nila.
Hindi ko tinangggap ang kamay niyang nakalahad sa harapan ko. Wala lang, ayoko lang. Medyo napahiya naman siya pero ngumiti lang siya. "Nga pala, lapitan mo lang ako kapag may kailangan ka or may tanong ka ha. Sige alis na ako" kahit nakangiti man ay halata sa mukha niya ang pagkahiya pero nag-okay sign lang naman siya at mabilis na nawala sa paningin ko.
Hayst, "Bakit ba ang tagal ng first subject namin" napabulong nalang ako.
"Kung hindi mo natatanong, wala tayong first subject kasi yung dapat na maging teacher natin ngayon ay nadisgrasya. Hay kawawang matanda" tinignan ko kung sino ang nagsalita. Napakunot-noo pa ako dahil sobrang weird ng itsura niya, bakit nasabi kong weird? Ikaw ba naman nakabahag lang, oo as in no joke nakabahag siya mabuti nalang at maputi ang singit niya. Napansin ata niyang iba ang tingin ko sa kaniya kaya ngumiti siya habang nagkakamot ulo. "Ay sorry bro, meron kasi kaming film sa theater kanina, kung hindi mo natatanong ay member ako doon. Hehe, assistant kumbaga." paliwanag nito. Kumindat pa ang loko. "Btw ako pala si Denver, atsaka yung tatlong lalaki kaninang lumapit sayo at nanggugulo sayo kanina mga papansin lang yon wag mo masyado silang pansinin sus"
Nakatingin lang ako sa kaniya at ni isang salita ay walang lumabas sa bibig ko. Isa lang ang tanong ko, kanina paba siya nandyan? pano niya nalaman yung—“Actually, kanina pa ako nakahiga sa likod, natutulog ako kasi syempre kailangan ko ding matulog. Presko kapag ganito ako nakatulog diba." sabi nito nabasa ata nasa isip ko, at kung hindi ko nahahalata ay tila pinagyayabang pa ang abs niya. Na hindi naman halatang batak sa pag-g-gym. "Wala kabang sasabihin? titignan mo lang? Teka—" nanlalaki ang mata nitong tinuro niya ako na kinakunot-noo ko naman. "Type moba ako!?" napasinghal siya matapos lumabas iyon sa bibig niya at tila nandidiring nakatingin sakin sabay takip ng buong katawan niya gamit ang mga braso niya.
Inirapan ko siya. "Kahit maging babae ako hindi kita magugustuhan." kibit- balikat kong tugon at iniwas ang tingin sa kaniya.
"P-pero kanina kapa nakatitig sakin ei atsaka nakita ko yon!" naghyhysterical niyang sabi at tinuro pa talaga ako."Umiwas ka ng tingin!" baliw na talaga siya.
"Hindi kita type."
"Weh sure?" panigurado pa niya. "Oo nga" irita kong tugon. Kung hindi niyo natatanong mabilis din akong mainis, lalo na don sa paulit-ulit na nagtatanong. "Sure talaga?"
Walang ekspresyon ko siyang tinignan. "Alam mo ba buong buhay ko wala pa akong natatapon na tao sa bintana, pero siguro ngayon palang." napaisip naman siya. "Talaga?" kunot-noo niyang sabi at halatang hindi nagets ang sinabi ko. Umiling nalang ako. Sa mga taong lumapit ngayon sakin siya lang ang kinausap ko.
"Owright, teka magbibihis lang ako ha. Usap tayo later babush!" sabi niya at mabilis na tumakbo paalis sa paningin ko.
Napabuntong-hininga ako at inisip ang susunod na mangyayari, sana pala second day nalang ako pumasok. Boring naman pala dito.