CHAPTER 02

1090 Words
Magkasabay kaming naglalakad ni Denver ngayon, hindi ko nga alam bakit ko siya kasama ngayon. Siya naman itong unang lumapit at nagpresinta na samahan kuno ako sa canteen kaya nag-oo nalang ako. "Nga pala, nabanggit ko ba yung tungkol sa guro natin kanina?" panimula niya ng makarating na kami sa canteen. "Oum." "Ang tipid mo naman magsalita. Btw, yun na nga natagpuan siyang patay na sa loob ng cr nila kaninang alas singko ng umaga, nakita ito ng pamangkin niya. Ang sabi nila gabi pa daw ito namatay, nakita lang kaninang umaga. Ang ikinamatay niya ay nadulas daw atsaka nabunggo yung ulo niya sa bowl. Hmm tingin ko may foul play pero sabi naman ng mga pulis ay aksidente daw ang nangyari. Tsk tsk kawawa naman si Mrs. Reyes ang liliit pa ng mga anak atsaka siya nalang ang inaasahan ng kaniyang pamangkin." Marami pa siyang binanggit na mga impormasiyon na hindi ko alam kung papaano niya malaman. "Nga pala, bakit ganyan ang ulam mo? pang bata naman yan e" pang iiba niya sa usapan. Tinignan ko ang kinakain ko. Nakalagay sa baonan at merong itlog na prinito atsaka milo na nakapatong patong sa itlog. Kunot-noo ko siyang tinignan. Napatingin ako sa kinakain niya, kaya naman pala mamahalin kasi yung sa kaniya diko afford. "Ano naman. Masarap naman e" nasabi ko nalang. Ang importante nakakain ako sa tatlong beses sa isang araw. Napangiwi siya. Iba talaga kapag RK. "Wag mo ng pansinin ang kinakain ko kung ayaw mong ikaw kainin ko" nakangisi kong sabi habang tinitignan ang reaksiyon niya. Tama nga ang hinala ko, nandidiri naman siyang napatingin sakin atsaka sya lumayo kunti. "Biro lang, as if naman" mas masarap pa ako sa kaniya ah. "Kadiri ka!" sabi nito atsaka parang may tinataboy sa hangin. Nagtaka naman ako sa ginagawa niya. "Ginagawa mo?" parang tanga lang. "Tinataboy yung joke mo!" sabi niya atsaka kinagat ang hamburger na nasa plato niya, kinain niya ito ng tuloy-tuloy. Napailing ako sa inasal niya. "Arte mo" "Kadiri naman kasi yon ei. Heh! hayaan muna, btw wala palang pasok ngayon atsaka bukas gusto sana kita yayain bukas pupunta tayo sa bahay nila Mrs Reyes para makikipaglamay bilang paggalang sa pagpanaw niya. Sama ka ha." tinataas-taas pa niya ang kilay niya parang sigurado na sasama ako sa kaniya, bakit naman ako sasama sa kaniya eh hindi ko pa naman siya lubusang kilala. "Ayoko" inaasahan na ata niyang isasagot ko yan kaya wala siyang reaksiyon. "I know na hindi ka sasama, kaya naman pinaalam na kita sa Tita mo. Sorry ha, nakita ko kasi yung contact niya sa enrollment form mo, hehe" nagulat ako sa sinabi niya, i mean bakit naman niya naisip yon? plinagplanuhan? Halatang plinagplanuhan ei, nagdududa tuloy ako. "Wag mo akong tignan ng ganyan wala akong plinaplanong masama" pang-depensa nito sa sarili. Hindi kona lang siya sinagot pero napatingin ako sa pumasok sa canteen. "Andyan na naman sila." narinig ko mula kay Denver. "Panigurado manggugulo naman sila" iiling-iling nitong sabi. Malaki ang naging epekto ng pagpasok ng tatlong itlog sa loob, ang kaninang maingay na tila mga tindera sa palengke na pinag-aagawan ang mga customer ay bigla nalang tumahimik na tila may dumaang himala sa kanilang harapan, hindi nga lang himala yon ay kundi tae. Itinuon ko nalang ang pansin ko sa pagkain. Wala akong pakealam sa kanila. Pero nakikiramdam parin ako sa paligid. Pakiramdam ko papalit ang mga tae kung nasaan kami nakapwesto ngayon. "Well well well" sabi sa inyo e. Tanging ang mabagal na palakpak lang nito ang maririnig sa loob, "Look who's here!" sabi nito halata naman ako pinaparinggan. "Ang cheap mo naman. Itlog with milo? ew. Pagkain paba yan? hahahaha" panlalait niya sa kinakain ko. Hindi ko siya pinansin. "Jevey Forte magandang pangalan pero bagay sayo." matabil talaga ang dila nito. "I wonder kung bakit paano ka nakapasok dito? ang mahal kaya ng tuition dito, at alam mo ba pangmayaman lang ang pwede dito? bakit ka kaya nandito? sa pagkakaalam ko din galing kalang sa probinsiya at walang mga magulang." literal na pamanglait. Nawalan na ako ng ganang kumain. Kaya imbis na patulan siya ay hindi kona lang siya sinagot. Isa isa kong niligpit ang gamit ko at pinagbaonan ko. "Aw bakit? wala kana bang gana kumain? halata pa namang sarap na sarap ka sa kinakain mo ei. Diba? ano." Tumayo na ako sa kinauupuan ko at hindi siya pinansin. Wala akong panahon para makipagsagutan sa mga taong makikitid ang utak. Tinignan ko siya ng walang emosiyon, isang nakakaasar na ngisi ang ginawad niya sa akin ngunit hindi ako nagpatinag tinignan ko lang siya na parang wala walang siya sa paningin ko, kumbaga isa siyang tae na nasa harapan ko. Masiyado siyang isip bata hindi ba siya aware na college na siya? "Huy wag kang bastos! Kinakausap pa kita" narinig kong pagtantrum niya nong tinalikuran ko siya. "Huy sabi! huminto ka hanggang dyan kalang! bastos nato!" pagsisigaw niya, ako na ang nahihiya sa inaasal niya. Yung tingin naman ng mga schoolmate ko akala mo naman isang malaking kasalanan ang ginawa ko. Dahil sa abala ako sa pag-iisip na makalayo sa isang yun ay hindi ko napansin na meron palang paa ang bigla nalang pumatid sakin, ang ending nadapa ako..at may malambot akong nahawakan! shet Tanggap kona ei, ready na yung tenga ko sa tawanan nila at yung mukha ko na hahalik sa maruming sahig pero ang inaasahan kong mangyayari ay hindi nangyari kundi iba, isang magandang mukha ang sumalo sakin, matangos ang ilong, ang kilay nitong napakaperpekto ng pagkakahugis at mga labi nitong malarosas sa sobrang pula na bumagay naman sa kaniyang mukhang napakakinis—isa siyang dyosa! Para akong nasa isang paraiso.. Tila isang panaginip lang lahat ng ito ayoko ng magising at gusto ko nalang titigan ang mukha ng babaeng ito—pero bigla nalang nag-iba ang buong paligid ang kaninang maliwanag at mga paro parong nagliliparan kani-kanina lang sa paligid namin ay bigla nalang nag-iba at ang maladyosa niyang wangis ay nag-iba—at doon na nga, sinampal ako ng realidad, ang malambot palang hinahawakan ko ay ang mala-melon sa laki niyang hinahanarap. Nanlaki ang mata ko sa gulat. "Manyak!" hindi ko inaasahan ang kamao nitong tatama sa mukha ko. Mabilis pa sa alas kwatro akong kinuyog ng mga tao sa loob ng canteen at ang bawat isa sa kanila ay mga iba't ibang lenggwahe ang naririnig ko sa kanila, not to mention minumura nila ako at hindi lang yon, pinagsisipa at pinagsasapak ako. Tangina. Thanks sa pumatid sakin ha, atleast nakahawak ako ng malambot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD